Ang Nakaraan

3 0 0
                                    


Si Marco ang aking kasintahan . . . kasintahan ko noon. Ang naaalala ko lamang ay kaniyang kaarawan kahapon . Yun lang , yun lamang ang aking naaalala. Hindi ko alam kung paano kami napadpad dito . Hindi naman ito ang kaniyang tirahan, mayaman siya, maganda ang paligid sa tuwing kami ay magkasama pero bakit ibang-iba ngayon?

Nagkakilala kami ni Marco sa 'di sinasadyang pagkakataon (bulok na sistema ng gobyerno) paano ba naman kasi! Yung ginagiwang kalsada sa tapat namin ay inaayos, aba itong walang hiyang motorsiko na to dumaan ba naman sa sidewalk at kung makapagbusina sa mga taong nandun wagas! Akala mo naman nasa tamang daanan siya. Malas niya lang dahil isa ako sa mga taong yun.

Peep! Peep! Peep!

Potaaah! Hoy ! Mister! ang kapal naman ng mukha mo kung makapagbusina! wala ka na nga sa tamang daanbeh ! Hindi porket ginagawa ang sa isang side ng kalsada, may karapatan na kayong dumaan sa side walk at businahan
ang mga taong dumadaan sa tamang daanan nila!"

Potaah 'tong lalaki na 'to e, kala mo kung sino.

Miss tatabi ka lang naman e! Di mo pa magawa! Dami mo pang kuda dyan!

Tangena! Talagang hinahamon ako nito ah.

Excuse me miss! Talagang nagmamadali lang ako.

At ayun nilayasan na nga ako ng walang modo na lalaki na yun.

===^===

Kung di nga ba naman masuwerte ang araw ko ngayon diba? Pano ba naman kasi may isang walang modong nagmamay-ari ng motor ang pumarada sa halos pang tatluhan lang na katao ang pwedeng dumaan. At kung 'di ba naman siya minamalas e nag-iinit ang ulo ko ngayon.

Boss, kaninong motor to? Tanong ko dun sa guard ng botique. Ay pasensya na ma'am hindi ko po kasi kilala e, hintayin niyo nalang nasa loob pa naman po yung costumer.

Ganito ako kung magalit kapag nilalabag ang mga batas sa sidewalk . Oo alam kong dapat sa mismong gobyerno ako nagrereklamo. May panakot pa sila na titikitan daw yung mga naka-illegal parking pero sila  mismo e, nagpapark sa maling parkingan. 

Naligaw. Nag-isip. NatutoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon