Chapter 3

12 0 0
                                    

Shwann's POV

"Anak pinapapunta tayo sa office ni Mr Fauster" bungad sa akin ni tatay ng makalabas ako ng kwarto

"Bakit nanaman tay?"

"Tungkol daw doon sa papasukan mong trabaho. Mukhang pumayag si Mr Fauster sa sinabi ni Ma'am Aliyah na baka pwede kang ipasok sa trabaho dahil nga nangangailangan sila ng mga bago"

"Ang kulit naman ng Aliyah na yun sinabi ko na ngang ako na lang ang magaapply dahil gusto ko maging patas sa iba pang mga aplikante" sabi ko ng may naiinis na tono

"Anak, wag ka na magreklamo ang mahalaga may mapapasukan ka ng trabaho diba?"

"Hindi tay, hindi patas eh"

"Magpasalamat ka na lang anak dahil tinulungan tayo ni Ma'am Aliyah"

"Hindi ako magpapasalamat dahil hindi ko naman hiningi sa kanya yun. Hindi tayo pupunta doon tay. Bukas pupunta ako doon at ako mismo ang magaapply" pagtatapos ko ng usapan

Hindi na natuloy ang plano ko na kumain pagkalabas ng kwarto dahil sa inis. Gusto ko maging patas sa ibang aplikante at lalong lalo na ayaw ko magkaroon ng utang na loob doon sa Aliyah na yun. Nakakainis talaga siya!

Iisipin ko na lang si Zylie para hindi na ako maiinis. Si Zylie yung taong, mahinhin, hindi rin sila mayaman, parehas kami ng estado sa buhay. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila dahil daw magagalit ang kanyang nanay. Naihahatid ko lamang siya hanggang doon sa 2 kanto bago ang bahay nila

Zylie calling..

"Oh magandang umaga zylie!"

"Magandang umaga din Shwann" nawala ang inis ko dahil sa napakagandang boses ng babaeng gusto ko

"Bakit ka napatawag?"

"Wala naman. Mangangamusta lang sana hehe"

*Beep beep* sasagot na sana ako pero biglang may bumusina na sports car na siguro babae ang may ari dahil sa kulay pink nito sa harap ng bahay namin

"Teka lang zylie ha? May bisita ata si tatay"

"Sige"

"Tawagan na lang ulit kita mamaya. Bye" pagkatapos ko sabihin iyon ay binaba ko na ang tawag

Pagkatayo ko mula sa upuan ay may lumabas na babae doon sa sports car. Tama nga ang hinala ko na babae ang may ari. Nilock niya lang ang pinto ng kotse at pumunta na sa gawi ko. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa sikat ng araw at naka salamin pa

Nang makalapit ito ay inalis niya ang suot na salamin at saka ko lang nalaman na si Aliyah iyon

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng may halong inis sa pagsasalita

"Kanina pa naghihintay si daddy sa inyo doon. Mukhang wala kang balak na pumunta" sabi niya ng may nagtataray na boses, ganoon na nga ata ang normal niyang boses eh

"Wala nga. Kaya maaari ka ng umalis" kalmado kong sabi

"Paano kung ayaw ko?" Aniya na nakapameywang pa na animong isang model. Tsh di bagay sa kanya magmodel, mas bagay iyon kay Zylie ko no

"Edi wag! Bahala ka magantay dito sa labas na pumunta kami doon" sabi ko sabay talikod at nagkunwaring papasok na sa loob ng bahay

"Hoy! Ano ba?! Kung ayaw mo akong makausap tawagin mo na lang ang tatay mo at siya ang kakausapin ko!" Sigaw niya noong malapit na ako pumasok sa loob ng bahay

Haters Became LoversWhere stories live. Discover now