Chapter 1 - First Meeting

34 3 4
                                    

Aliyah Faith's POV

Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Tumayo ako at dumeretso sa bintana ng kwarto ko at ang napakagandang hacienda namin ang bumungad sa akin. Hays what a beautiful morning and view! "Goodmorning Hacienda Fauster!" Ang hacienda namin ay ang pinakamalaking hacienda sa buong probinsya namin. Sa likod ng mansyon namin ay doon matatagpuan ang magagandang halaman at bulaklak, iyon ang paborito kong lugar sa hacienda. Sa harap naman ng mansyon namin ay may makikitang pool, ito rin ang pinakamalaking pool sa buong probinsya. Dalawa ang pool namin sa hacienda. Ang isang pool ay para lamang sa family namin at ang isa naman ay ang pampublikong pool, ang mga gumagamit nito ay ang mga turistang dumadayo sa hacienda namin. Madalas itong bisitahin ng mga turista.

Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong maghilamos at nagsuot lamang ako ng simpleng damit. Pumunta ako sa dining area at lahat ng myembro ng pamilya ko ay nandoon na

"Goodmorning my beautiful princess!" Bati sakin ni kuya froy ng may bigay na bigay na ngiti

"Kuya naman eh. I told you to stop calling me that kasi nga diba si klyde lang pwede tumawag sakin ng ganyan?" Pagtataray ko

"Nakakainis naman eh! Mas love mo na yang boyfriend mo kaysa sakin!" Sabi niya ng nakanguso. Ang arte talaga ni kuya, haist

"Why so dramatic kuya? Ayts!"

"HAHAHAHA! Kaya nga kuya your so madrama HAHAHAHA your acting like a girl!" Sabi ni ate kay kuya "Goodmorning sister!" Ate fae greeted me

"Goodmorning ate! Goodmorning mom and dad! Goodmorning lola and lolo!" Bati ko sa lahat

"Goodmorning" masiglang bati nila sakin

Umupo na ako sa upuan ko "So what's your plan for today? Malapit na ang pasukan at hindi ka pa nakakapagenroll Faith. Kahit na sa atin ang school na pinapasukan mo you should act like a normal student. We need to be fair" sabi ni dad sa akin

"Dad? I'm not acting like an abnormal student naman eh" pagbibiro ko

"Aliyah Faith?" Naiinis na sabi ni daddy

"Sorry hihi actually I and Klyde are planning to enroll tomorrow tapos ngayon papasyal lang kami ni klyde" klyde is my handsome boyfriend. He's my prince and I'm her princess

"That's good anak, mabuti naman at nakapagplano kayo na magenroll na tomorrow" sabi ni mommy

Nagsmile na lang ako at nagsimulang kumain dahil gutom na talaga ako

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ulit ako sa kwarto ko at sakto namang tumawag si klyde

"Goodmorning my princess!" Bati nya at napangiti naman ako

"Goodmorning my prince!"

"Did you eat breakfast already?"

"Yes! Kakatapos lang. How about you?"

"Not yet. Kakagising ko lang at gusto ko agad marinig ang boses ng prinsesa ko"

"Awww how sweet naman. Btw, what time are you going here?"

"Before lunch, my princess"

"Okay! Dito ka na kumain ng lunch okay?"

"Okay" *klyde kain na!* tinatawag na siya ng mom niya para kumain"yes mom!" Sagot niya

"Sige na kumain ka na! I love you!"

"I'll call you again later pag papunta na ako! I love you more!"

Haters Became LoversWhere stories live. Discover now