011

242 2 0
                                    

SEJEONG

nakaka-apat na araw na. aba wala paring reply itong baklang ito.

di ko rin naman mapuntahan kasi hell week namin ngayon. di naman sa gusto ko syang makita, ayoko lang ng may naiinis sakin.

dapat ako lang. djk:)

tyaka baka offensive naman talaga yung pangaasar ko. pero bleh, dapat alakompake e.

di bale na. puntahan ko nalang sa cafè, baka andun yun.

"Good afternoon, may I take your order?" tanong nung kahera.

"Hot coffee, please." sabi ko at inintay yung kape ko. binuksan ko ulet yung phone ko sa kaling may reply sya.

...wala.

kinuha ko ang kape ko nung tapos na ito at naupo malapit sa bintana. naupo ako ng maayos at lumingon-lingon.

ayun! ANDUN SI BAKLA!

tulog. nakikinig sa kanta. at nakakatacute tignan.

ulol sabi ko nakakatakot tignan, linis mata ah?

lumapit ako sa kanya at pinitik ang noo. mukhang malalim na tulog neto. napapalaway na e.

ngumiti nalang ako at lumabas ng cafè. di ko na siguro kukulitin yun muna. ako naman itong ayaw sya kausapin nung una e.

natigil ako sa harap ng pinto ng may sumigaw ng pangalan ko -or not.

"SEJABONGGA SAGLIT!" putaena talaga itong eunwooten na toh.

"Ikaw jabonggahin ko dyan e." pagirap ko sa kanya. pero lumuwag ng kaunti pakiramdam ko, di pala sya galit. baka busy.

"Yiee nilapitan niya ako. Crush mo na ba ako? Pagnanais? Madali ako kausap." kindat nito.

"Madali din ako inisin." ngiti ko sa kanya. he pouted at tinulak ang noo ko.

"Ba't di ka nagreply?" napasampal ako sa noo ng wala sa oras. bakit ko sinabi? kung ano isipin neto e.

"Concerned ka? Miss mo ko? Miss din kita. Hehe." pabebe nito jusq kung hindi lang toh cute.

"Inde. Wala akong maasar eh." nagpanggap siyang di niya narinig at ginulo ang buhok ko. "Pasensya na po. Busy po kasi." ngiti pa niya.

"Oo na. Oo na. Pake ko ba." pagsusungit ko at umirap sa kanya.

"You sound like a girlfriend." he leaned forward and smiled. masyado siyang close for my liking.

uminit ang pisngi ko at agad akong lumayo at naglakad palayo. "Ewan ko sayo!!" tumakbo ako pauwi.

NAGMUKHA AKONG TANGA KAINEZ! well, tanga naman talaga.

- -

coffee prince | eunwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon