Musical 1

175 7 2
                                    

Musical #1

"Music doesn't lie. If there is something to be changed in this world, then it can only happen through music."

- Jimi Hendrix

~~~~~~

Song: Enchanted: Taylor Swift

(Sharlene's POV)

Dahan-dahan akong naglalakad papasok ng academy habang hawak-hawak ang strap ng aking bag. Bago pa man ako makapasok ay huminto muna ako sa paglalakad at tinignan ang academy na papasukan ko.

"Wow.." pabulong na sabi ko habang pinagmamasdan ang academy na papasukan ko. Fullbuster Musical Academy. Wait! Ang gandang school nito, ah.

"Tabi nga dyan! Haharang-harang sa daan eh," sabi nung babae at tinulak ako, napa-salampak naman ako sa sahig nang dahil sa ginawa nya.

Pinagmasdan ko lang 'yung babae na naglalakad palayo habang nakasunod sa likod nya yung dalawa pang babae na dumaan matapos nya akong itulak. Grabe naman siya! Ang lawak-lawak ng space tapos kung malatulak sya at makasabi na paharang-harang ako sa daan! Ansama ng ugali nya!

Hay Sharlene, hayaan mo na, new student ka lang kaya huwag mo na lang pansinin iyon.

Pinulot ko na 'yung gamit ko at tumayo. Pagkatayong-pagkatayo ko ay hinanap ko na yung school office para makuha ko na yung schedule ko.

Dumaan ako sa office at kinuha ang schedule ko, after noon ay dumiretcho na ako sa first class ko. Pagkapasok ko sa classroom nakita ko 'yung mga babaeng bumangga sa akin kanina.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan, huh?!" mataray na sabi sa akin nung babae na nakaupo sa gitna. Obviously, siya yung leader nung mga kasama niya.

"W-wala, sorry" mautal na sabi ko at nagpatuloy ng maglakad.

"Tsss, stupid..." rinig kong sabi nung babae na nag taray sakin kanina. Haiiist! Sharlene, ano bang nagawa mong masama at galit na galit sa'yo ang mga babaeng yun! Ayoko na lang pansinin dahil ayoko naman na mapaaway ako, lalong-lalo na at first day of school ngayon at hamak na transfer lang ako dito sa school na ito.

Umupo na lang ako doon sa pinaka-dulong upuan sa tabi ng bintana. Mas maganda dito. At least kita ko dito ang mga schoolmates ko. May naglalaro ng soccer, may mga grupo ng babae na nag uusap, may mga naghahabulan, pero mas naagaw ng atensyon ko ang grupo ng lalake sa ilalim ng puno.

'Yung isa parang nag bi-bit sya kasi hinahampas-hampas niya yung kamay niya sa paa niya kasabay nun ang pagbaba taas ng ulo niya. 'Yung isa naman nag gi-gitara. 'Yung isa naman kumakanta at 'yung isa pa? Ayun, may naka headphones habang nakapikit. Kuya, feel na feel mo ang moment.

May mga hitsura naman sila at hindi maita-tanggi na mga gwapo sila, pero mas gwapo sa kanilang lahat yung lalakeng na naghe-headphones through mukha siyang masungit. Pero ang sabi nila...

"Don't judge the book by its cover."

Baka naman mukha lang siyang masungit pero sa pagdating ng panahon ay mabait naman talaga. Pero hindi ko din alam, hindi ko naman sila kilala. Napatingin nga lang ako sa kanila.

Tumunog na ang bell at nagsitakbuhan na ang ibang mga estudyante, pati na din 'yung grupo ng mga lalake na mukhang nag ja-jamming, pero 'yung naka headphones kanina nilagay niya lang ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya at naglakad lang siya at hindi tumakbo hindi katulad ng mga kaibigan niya.

Umayos na ako ng upo ng pumasok na ang prof. namin. Nagpakilala ang prof. namin at dahil isa nga itong musical academy, magpapakilala kami after naming kumanta o magpatugtog ng kahit na anong instruments.

Fullbuster Musical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon