Musical 3

120 4 0
                                    

Musical 3

Umalis na si Daniel pero nanatili pa din ako sa rooftop ng ilang saglit. Tama siya. Hindi naman talaga ako napahiya. Kung nakisabay ako kanina sa mga classmates ko baka okay pa ang lahat. Siguro masyado lang talaga akong naging sensitive. Ako lang talaga ang nag isip na napahiya ako. Hay naku, Sharlene! Ang tanga-tanga mo talaga! Why am I so stupid? Bumaba na ako ng rooftop, pero pagkababang-pagkababa ko...

"Hoy Flirt! Ano'ng ginawa niyo ni Daniel sa rooftop?" napaangat ang ulo ko ng dahil sa nagsabi nun, nakatungo kasi ako kanina habang naglalakad eh .

"Maka-sabi ka naman ng Flirt, akala kung sino!" sabi ko kay Aria and yup! Sila na naman! Ano bang kasalanan ko sa kanilang tatlo at palaging ang init ng ulo nila sakin?! Ang laki ng problema nila, ah!

"Bakit hindi ka ba talaga flirt? Tsss! Eh, tatanggi ka pa! Noong una si Victor Villaluz ngayon naman si Daniel? Grabe ah! Sino kaya ang susunod mong lalandiin?" suhetesyon ni Heidi. Grabe na talaga sila. Hindi kaya...

"Siguro crush niyo sila 'no? At never nila kayong napansin kaya nagseselos kayo. Don't worry, wala akong fini-flirt na kahit na sino at wala akong balak i-flirt na kahit na sino." Gwen said in a rude voice with matching evil smile.

"Excuse me, ang kapal din ng mukha mo 'no? And who are you para pag selosan namin? Eh bihirang mas mataas nga ang standards namin sayo eh," Nara said in a rude voice at naka cross arms pa siya.

"Sorry ah?" sarcastic kong sabi sa kanya.

"At saka, 'di ba sabi mo 'excuse me?' Oh daan na." Sinungitan ko sila at ginesture pa iyong way. " Piloso----" natigilan ako sa pagsasalita nang biglang magsalita si Aria.

"Excuse me, may problema ba dito?" napatigil si Aria sa pagsasalita at nakita namin si.. Si.. Sino nga ba ito? Ah! Isa na naman sa mga tropang headphones. I mean, isa na naman sa mga kaibigan ni Mr. Headphones. Ano ba iyan?! Tropang Headphones na lang ang itatawag ko sa kanila! Kaibigan naman sila ni Mr. Heaphones eh.

"Cristoffer?" namumula pa ang pisngi ni Heidi nang banggitin niya ang pangalan ni Cristoffer.

"May problema ba dito, Girls?" tanong ni Cristoffer kay Heidi at kinindatan niya pa ito. Lalo pang namula si Heidi.

"W-wala naman Cristoffer," tanggi ni Heidi. Argh! Tatanggi ka pa, ah. Klaro na masyado sa mukha mo Heidi na sinungaling.

"Liar!" saway ko kay Heidi at inirapan. Look! Tinignan naman ako nila Aria at Gwendolyn ng masama. Kung makatapon ng masamang tingin, akala niyo kung sino. Pwes! Tatapunan ko din kayo ng masamang tingin. Mas masama pa sa inyo!

"B*tch!" bulong ni Heidi nang padaanan niya ako ng masamang tingin.

"Hey! Be nice! Huwag niyo namang awayin si Ms. Pretty," Cristoffer said at inakbayan si Gwen. Chansing ka, boy!

"Excuse me!!" sabi ko at dumaan sa gitna nilang apat. Wala akong panahon para mag-aksaya ng oras sa paglalandian nila. Naglakad na ako palayo sa kanila at dumiretcho sa cafeteria.

Hindi na ako naka-attend ng last class ko bago mag break kaya dumiretcho na ako sa cafeteria. Um'order lang ako ng milk shake at lasagna.

"Hello Sharlene!" napaangat ang ulo ko para tingnan 'yung tumawag sakin. Sino naman ito? Ah! Isa na naman sa mga Tropang Headphones. Bakit ba lapitin ako ng Tropang Headphones? Grabe, ah! Kaya napapa-trouble ako eh. Mamaya masabihan na naman akong flirt. Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa pagkain ko at ipinagpatuloy ang pagkain nito. Nagulat ako nang magsalita ulit iyonng huling member ng Tropang Headphones. Akala ko umalis na siya...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fullbuster Musical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon