7th heart - [ Placard ]

231 5 4
                                    

Vote if you like this chapter ------------------------------->

Victoria's POV

Hayy, sa wakas Friday na din. Makakapagpahinga ako ng dalawang araw na walang pasok. Hindi ko pa din talaga makalimutan ang nangyari sa akin itong buong linggong to. Feeling ko napakadami na ng nangyari. Tsk!

Naalala ko pa nung hinatid ako sa bahay ni Khun, pinagsabihan nya ako na makinig naman daw ako sakanya kahit minsan. Na-guilty naman ako lalo. Kasalanan ko naman talaga eeh! Pero bakit ba sya nagagalit eh ako na ngang nangatog sa lamig kahapon dun sa likod ng Building 2. Grrr!

"Umma, ang layo na ng narating ng isip mo dyan." sabay nga pala uli kami ngayon ni Sulli. "Ang dami nang nangyari sayo, Umma. Pero nakakainis talaga yung 5 roses na yun. Lagot sila sa akin." 

"Naku, ikaw ha! Violence is never the solution. Hayaan mo na lang sila. Matakot na lang sila sa Karma."

"Bait talaga ng Umma ko. USANG!!" [ idol ]

"Ikaw talaga! Bias ka eh." At nagtawanan na kami sa sasakyan.

Maya-maya nakarating na kami sa HA. At pagbaba namin ikinagulat namin ang dami ng tao pagkapasok ng gate.

"museun il-i il-eo naneunji?" [ what's happening??]

"Ewan ko, Umma. Tara makichika."

"Excuse me, anong nangyayari?" lumingon yung babae sa direksyon namin ni Sulli at bigla ba namang sunod sunod na lumingon ang iba pang mga tao sa akin. At biglang tumahimik ang paligid.

Okay. Anung nangyayari dito? Naguguluhan na ako.

"Waa, Umma. Look at that." tumingin ako sa itinuro ni Sulli.

At ikinagulat ko ang nakita ko. Ang 5 Roses nakataas ang kamay at may nakasabit na isang malaking placard sa leeg na nakalagay ay "Sorry Queen Victoira". Oh my God sinong may gawa nito?

Dali-dali akong tumakbo sa pwesto nila at inalis ang placard sa mga leeg nila. Pero di pa din nila binababa ang kamay nila.

"Ano ba kayo? Bakit niyo ginagawa 'to?" tanong ko sakanila.

"It's not like we want this. Pero we don't wanna be expelled. So we're doing this sa paguutos na din ni King Nichkhun. Tss." maarteng sagot sa akin ni Aaliyah. May gana pa talaga syang mag-taray sa lagay na yan ah.

"Hay naku, Umma kung ako sayo pababayaan ko na lang sila dyan. Yan yung tinatawag na karma." 

"Pero..." pinanlakihan ako ng mata ni Sulli. Hayy kung sabagay kumpara sa ginawa nila sa akin. Sige na nga, minsan lang maging bad. "Tara na, Sulli."

"Yay!" naglalakad na kami papunta sa kanya kanya naming building. "Ay, Umma. Saglit lang." 

Bumalik sya sa pwesto nung 5 Roses at kinuha uli yung mga placard na inalis ko at ibinalik uli sa leeg nila. Kitang kita ko sa pwesto ko ang masamang tingin ng 5 Roses kay Sulli. Ang lakas din talaga ng trip ng anak kong 'to eh.

"Hehe Umma. Tara na."

"Michin." [ crazy ]

-----------------------------------------------

Naghihintay ako ngayon dito sa room namin ni Khun. Bakit kaya wala pang teacher? Tska bakit wala pa si Khun? Kadalasan kasi nandito na yun bago pa ako dumating.

"Good morning, Miss Victoria." ayan dumating na english teacher namin wala pa dn si Khun.

"Good morning, Ma'am"

At ayun nga natapos na ang first- half ng klase namin for this day pero wala pa din si Khun. Ano na kayang nangyari dun? Absent ba sya?

Lalabas sana ako ng room para puntahan si Taecyeon. Baka sakaling alam nya kung bakit wala si Khun ngayon. Ewan ko nga din ba kung bakit hinahanap ko yung lalaking yun. Pero bago ko pa mabuksan ang pinto bigla na lang bumukas ang pinto at biglang pumasok ang gwapong si Khun. Err gwapo?? Aishh.

"Oh checkered, lalabas ka na naman. Wala ka talagang kadala-dala ano." 

"Pupuntahan ko lang si Taecyon noh."

"At bakit mo sya pupuntahan? At tska kelan pa kayo naging close ha? HA?"

"Ano ba bakit ka sumisigaw dyan? Aishh." hinila ko sya papasok sa kwarto namin at sinarado ang pinto. Nang mapansin ko ang sugat sa may gilid ng labi nya. "teka, anung nangyari dyan?"

"Wala. Wag mo ng alamin."

"Wangohan." [ stubborn ]

"Tss." tapos pumunta sya sa may kama at nahiga. Sarap buhay talaga 'tong mokong na 'to.

"Oyy, asan dito yung first aid kit?" tanong ko sakanya.

"Malay ko." gandang sagot. Tss.

Bubuksan ko sana ang pinto nang tawagin nya ako. "Victoria, saan ka pupunta?"

"Kay Taecyeon. Magtatanong kung nasaan ang first aid kit." Umupo sya at tiningnan ako. Problema nito?

"Nasa white cabinet sa fourth row." sinamaan ko sya ng tingin.

"Alam naman pala eh." kinuha ko na yung first-aid kit at lumapit sakanya. "Halika, gamutin natin yan. Sayang gwapo mung mukha." sabi ko habang ibinulong ko yung mga huling sentence.

"Narinig ko yun, Checkered. Crush mo ko noh. Arayy! ano ba!" Hay naku, bakit ko ba kasi sinabi yun?

"Umayos ka nga ng tayo dyan at wag kang magsalita." utos ko sakanya.

Sumunod naman sya sa akin. Kaso maya-maya bigla kong napansin na nakatitig sya sa akin. "'B-bakit?"

"Wala. Napansin ko lang mahilig kang mag-pout noh! Lalo na kapag seryoso ka lagi kang naka pout."

"Anooo? Hindi kaya!"

"Oh! Oh! Tingnan mo yan naka-pout ka na naman."

"Tumigil ka nga." kinuha ko yung cream na gamot at inilagay sa gilid ng labi nya tapos diniinan ko pa para makaganti. hehe.

"Aray! Sinasadya mo talaga ha."

"Hindi ah!" painosente kong sagot.

*tok *tok

"Good morning, Miss Victoria at King Nichkhun." nginitian ko sya.

"Tss. Istorbo." bulong ni Khun.

"Hoy, anu ka ba naman?" binelatan lang ako. Para talagang bata.

Naisip ko lang sa isang linggong nandito ako unti unti kong nakakalimutan si Kyuhyun. Siguro hindi na din masamang maging Queen ng Horvejkul Academy. 

-----------------------------------------------------

Vote. Comment. Be a fan

... Thank you for reading this chapter :))

Bring Me the King's Heart .ʜɪᴀᴛᴜs.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon