6th Heart - [ Saved ]

195 6 6
                                    

Vote this chapter if you like it -------------------------------->

Nichkhun’s POV

“President, may problema po.” Humahangos na sabi sa akin ni Taec.

“Bakit? Anong nangyari?”

“Si Miss Victoria po lumabas nang Elite Room at hanggang ngayon po hindi pa sya bumabalik.” Bigla akong kinabahan.

Tigas talaga nang ulo!

Tumakbo na ako kaagad para hanapin si Victoria. Ang kulit talaga nang babaeng yun. Akala mo naman ginagawa ko syang preso. Eh para din naman sakanya kaya hindi ko sya pinapalabas ng Elite Room.

Pumunta ako sa building namin, sa Elite Building at nagtanong tanong kung nakita nila duon si Victoria pero wala daw silang nakita. Nagpatulong na din ako sakanila sa paghahanap na baka sakaling makita nila dito si Victoria ay ipagbigay alam agad sa akin.

Dali dali akong pumunta sa Building 1 kung saan nanduon ang mga college students. Nagtanong tanong ako kung napansin nila si Victoriia pero wala pa din daw. Kaya naman sa next building ako pumunta, sa Building 2 kung saan nandun ang mga highschool students.

“Uyyy, si King Nichkhun. Ang gwapooo!”

“Uwaaa! Ang gwapo nga. Bakit kaya sya nandito?”

Aishhh! Ang mga babae talaga makakita lang ng gwapo. Tsk. Hirap talagang maging gwapo. -____________-

Sa mga lalaki na nga lang ako magtatanong, maayos pang kausap.

“Excuse me, nakita mo ba si Victoria?” tanong ko sa isang lalakeng naka salamin at may dala dalang makakapal na libro.

“E-eh. K-kausap nyo po ako?” Aishhh!

“Oo ikaw nga. Nakita mo ba?”

“Ah eh kanina po dumaan ako sa likod ng Building 2, nakita ko pa syang kasama ng 5 roses. Naguusap po sila eh. Pagkatapos po nun dali-dali na akong umalis.” Kinabahan ako bigla.

Masama ang pakiramdam ko dito. “Salamat.” Napansin ko namang biglang ngumiti yung nerd na lalaki.

Dali-dali akong pumunta sa likod ng Building 2. Bago ako makapunta doon napansin ko sa isang basurahan ang white uniform at red and brown na pleated na skirt na exclusive para sa mga Elites o ang mga parte ng student council. Lagot sa akin ang mga babaeng gumawa nito kay Victoria.

“V-victoria.” Nakita ko si Victoria na yapos yapos ang sarili nya habang umiiyak. Nag-init ang ulo ko. Magbabayad ang may gawa nito!

“Ni-nichkhun. *sniff *sniff B-bakit ba nangyayari sa akin ‘to?” Dali-dali kong hinubad ang aking polo at tinaklob sa kanyang nilalamig na katawan.

“Tahan na. Akong bahala sayo. Wag ka nang umiyak.”

Pero patuloy pa din sya sa pag-iyak. Kaya naman tinawagan ko na si Taecyeon para kunin ang kotse ko. Binuhat ko na si Victoria papunta sa parking lot. Nakatulog na yata sya sa mga bisig ko. Kawawa naman ang reyna ko.

 Dinala ko sya sa bahay namin para makapagpahinga sya.

“Khun, ang aga mo ata. Sino yang babaeng dala mo? Anong nangyari sakanya?” Nagaalalang tanong sa akin ni Manang.

“Manang, relax lang. Tinulungan ko lang po sya.”

“Ohhh. Khun anak! Kamukha nya si…”

“Shh Manang wag kang maingay. Baka magising sya.” Tsk! Si Manang talaga. “Pwede po bang ipaggawa nyo sya ng soup? Pakidala na lang po sa kwarto ko.”

“Sige, anak.”

Dinala ko na si Victoria sa kwarto ko at ibinababa sa aking kama. Umupo naman ako sa may gilid ng kama. Pinagmasdan ko sya at walang dudang kamukha nga nya ang babaeng napakalaki ng bahagi sa aking buhay kahit pa aking ipagkaila.

Kahit ako nung una ko syang makita, hindi makapaniwala sa nakikita ko. Hinawi ko ang ilang buhok na nakalagay sa kanyang mukha.

Nang dahil sa akin kaya nangyari sakanya ‘to. Hayy. Anong magagawa ko? Sa twing nandyan sya pakiramdam ko gumagaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ang saya saya ng buhay ko.

“Mianhe, Victoria.” At hinalikan ko sya sa noo.

Victoria’s POV

Nagising ako na may parang mabigat na nakapatong sa akin. Aishh!

O__________O

KING NICHKHUN??

Bakit ako nandito? Bakit magkatabi kami sa kama? Nakuha na ba nya ang aking mahiwagang perlas? Oh my!

Pumikit ako at unti unting inalala ang mga pangyayari. Oo nga pala, sya ang tumulong sa akin. Tsk! May utang na loob tuloy ako sa mokong na ‘to.

Unti-unti kong inalis ang kamay at paa nyang nakadantay sa akin. Ano bang pinagkakain ng lokong ‘to? Bakit parang bigat-bigat nya?

“Goodmorning, checkered!”  O___________o??

“Checkered?”

“Tss. Slow.” Tapos niyakap nya ako ng pagkahigpit higpit.

“Hoy anu ba? YAH! Hindi ako makahinga!”

“Ang aga-aga checkered nangbubulahaw ka!”

“Bakit ba checkered ang tawag mo saken?”

“Isipin mo.” Tapos inilapit nya ang mukha nya sa akin na dahilan para ilayo ko naman ng konti ang aking mukha. “Yun ay kung may isip ka.”

“Aissh! Sira ulo!”

“Hmmmm.” Nakakainis talaga ‘to. Hindi mo malaman kung anong iniisip.

O__________O !!!

Ch-chekered? T-teka yun yung?

“Kyaaaaah!!!” kinuha ko yung unan at itinakip sa mukha ko.

“AHHAHAAHHA. Naisip mo na ngayon? Tss.” Sumilip ako ng konti sa may unan para makita syang tumatawa. “Pasalamat ka pinahiram kita ng damit ko.”

At totoo nga suot suot ko ang t-shirt nyang parang naging dress sa akin sa sobrang laki. Tsk! What a tiring day. Ang daming nangyari. Sa lahat ng yun, puro kahihiyan ang nakukuha ko. Anu ba yan??

-----------------------------------------------------

Hello readers! May nagbabasa pa ba? Comment naman kayo jan. Pls :))

Bring Me the King's Heart .ʜɪᴀᴛᴜs.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon