Ang Aking Pilyang Kerubin Chapter 2

6 0 0
                                    


                    Sino ka ba miss? bakit andito ka sa hacienda montejer?

           Sinimangutan ko nalang sya ! Ayaw ko magsalita naiinis ako!!! Magtatanong na sana ulit sya kaso inirapan ko nalang sya ayaw ko sa mga taong mang aagaw!!! Padabog akong naglakad palayaw sa lalaking yun ng may mga humarang sa aking mga nakasuot ng salakot .

          Hija!! Muhkang di ka taga dito?  Sabi nung matandang babae na bilugan ang muhka at katamtamang sukat ng pangangatawan .

Oo nga siguradong naliligaw sya  sabi naman nung  lalaking malaki ang tyan .

Hindi ako naliligaw ! At hindi hija ang tawag sakin ako si althea .

Althea? Parang wala naman kameng kilala kamag anak nila sir na althea ang pangalan .. Nagsimula na silang magbulungbulungan ..

Wala na akong pake kung ano isipin nila hahakba na sana ako para makaalis kaso hinila nila ako

Hija kailangan mong sumama samin!

Bakit naman po? Saka di niyo ko kailangan hilahin may mga paa po ako ....

Wag ka ng maraming tanong pa sasama ka sa ayaw mo o sa gusto mo!

Grabe naman sila sasama naman talaga ako e mangiyak ngiyak akong pumipiglas sa pagkakaladkad nila sakin ...

Andito na tayo sabi ng matandang malaki ang mata na may maliit na pangangatawan.

Bigla naman akong napatingin sa malaking bahay na nasa harapan ko ngayon .

Woooowwww!!!!

Napatingin ako sa kanila ..at mangingiyak ng
 nagpasalamat sa kanila .. Sabay yakap sa kanila

nakita ko naman sa muhka nilang "nagtataka look "

Hehe bakit po? May  nasabi ba akong masama??? 

sabi na eh  ! Bka gusto din nilang tumira sa bahay ko? sa bagay malaki naman eh !

sige po pwede din naman kayong tumira lahat kayo hehe!

Hija ano bang pinag sasabi mo bahay yan ng amo naten!!

Amo naten? Bakit may naten?

Simula ngayon isa kna ding magsasaka sa haciendang ito at ang amo naten ay sila sir gabriel at mam casandra wag mong kakalimutan ang mga pangalan nila kundi patay ka!!

Paanong patay? Isa ba silang dyablo?

Ano bang pinagsasabi mo!!! Itigil mo yan ! Saway sakin nung babaeng mahaba ang baba na nuknukan ng sungit ang muhka ... 

jusko mahabaging bathala sino ba tong babaeng to !! bigla naman silang nag sign of the cross .. 

ano na naman ba yun may mali ba akong nasabi?

napatigil ako sa pagsasalita ng may nagbukas ng malaking pinto at iniluwa nun ang isang magandang babae na hindi naman ganun katanda at lalaking may malaking pangangatawan at balbas sarado. 

nagulat ako ng nag silinya sila at yumuko ano na namang palabas to... 

pinandilatan ako ng babaeng kaninang sumuway sakin parang sinasabi niyang umayos ako .... 

tinaasan ko nalang sya ng kilay ayaw ko sumunod wala ako sa mood .. 

Sino ka ? 

Ang Aking Pilyang KerubinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon