Club Red 1: Yshael (Forever And You) Hidden Chapter

2.4K 53 15
                                    

Author's Note:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's Note:

Kung may mga scene na para sa book lang, may scene rin na para sa Wattpad readers lang. Naka-post din ang scene na ito sa story ni VIO. NIlipat ko lang para isang click na lang sa kilig scene ng mga  Fedeo...

---- :) -----


MAINGAT na lumapit si Mina sa nakatalikod na lalaking nagmamasid sa mga bulaklak na parang sumasalubong ang ganda sa sunset. Hindi laging nangyayari ang ganoong scene na nakikita niya ang parang photoshopped image ni Doc El sa garden. Hindi ito tumitinag. Nakatutok ang tingin sa particular na lugar. Matatag ang tindig at nalilito siya kung ide-describe niyang mapanganib na dating o puno ng kapayapaan.

Isa lang talaga ang malinaw. Walang pangit na angulo ang kanyang Doc Bu. Na-miss na naman niya agad ang ngiti nito. Kung dati ay parang kailangan pa niyang mag-deposit ng certain amount para sa ngiti ng kanyang doctor crush, ngayon ay nakikita na niya ang ngiti nito. Ang mga matang misteryo at lamig lang ang nakikita niya, ngayon ay may warmth na siyang nararamdaman. Mahirap ipaliwanag. Hindi rin niya alam kung nakikita rin ba iyon ng iba. Hindi rin niya sigurado kung saang banda kay Doc Bu ang nagbago. Alam lang niya. Nararadaman niya sa titig nito.

At ang mas obvious na pagbabago--hindi siya nito itatapon palabas ng property gawin man niya ang naiisip niyang gawin.

Nag-tiptoe siya sa paglapit. Tanga move lang. As if naman matatakasan niya ang senses ng isa sa oldest vampire sa mansion na iyon. Pero okay lang. Bakit ba? Gusto lang niyang mag-tiptoe. Gusto niyang gawin ang maiisip niyang gawin kung nagkataong mortal ang doctor.

Walang katinag-tinag si Doc El hanggang nakalapit na siya. Bigla siyang yumakap sa baywang nito mula sa likuran. Inilapat niya nang husto ang pisngi sa likod nito.

Gaya ng maraming pagkakataon na ginawa ni Mina iyon, walang reaksiyon si Doc El. Parang poste lang na niyakap niya. Ni hindi tuminag. Parang hindi man lang na-feel ang paglapit niya, ang impact ng pagyakap niya o ang yakap mismo.

"Ba't para kang sunset breeze? Ang cold!"

Deadma pa rin ang favorite vampire niya.

"Conscious na ba si Rish, Doc Bu?" Si Mina ulit. "Nagtanong pa ako. Obvious naman! Ang ingay sa room nila lagi. Pero bakit ganoon? Parang walang nakakapansin? Parang ako lang ang laging distracted? 'Yong mga friends mo, deadma lahat--" hindi na niya natapos ang sinasabi. Maingat na kumilos na si Doc El--humarap sa kanya.

"Ano'ng gusto mong gawin, Mine?"

"Mag-spy do'n sa dalawang ang noisy sa room," sagot niya at bumungisngis. "Parang wala nang buo sa room ni Rish. Basag na siguro lahat. Grabe sila--" nauwi sa tawa ang sinasabi niya nang biglang hinapit ni Doc El ang baywang niya. Umangat ang mga paa niya. Mas itinaas pa siya nito.

"Mag-spy? No. Isasama kita."

"Saan?"

"Maglalakad tayo ng mga...five kilometers. Mag-iikot tayo sa gubat hanggang magdilim. Na walang gamit na liwanag."

"Five kilometers? Ikaw na lang! Kayang-kaya mo na iyon!"

"Kailangan mo ng exercise, Mine."

"Nag-e-exercise ako! Fifteen minutes every morning. Dancing!"

"Liar."

Ngumisi siya. "Nag-rest lang ako no'ng unconscious na si Rish. Nagwo-worry ako kahit 'di siya iniiwan ni Matang-Pusa."

"Conscious na si Rish ngayon."

"Super conscious na!"

"Nag-e-exercise ka na?"

Mas bumungisngis siya.

"Ano'ng ginagawa mo sa oras na dapat nag-e-exercise ka?"

"Wala."

"Wala?"

"Nakikinig ng noise!" at malakas na tawa. "Iniiisip ko kung buhay pa ba sila paglabas?'

Buong-buo ang tunog ng tawa ni Doc El.

Humigpit ang yakap nito sa kanya. Sa pagitan lang ng segundo, nakalabas na sila ng gate. Nasa gitna na sila ng gubat nang inilapag siya nito. "Hanapin mo ako, Mine." bulong nito bago ang mabilis na halik sa sulok lang ng lips niya.

Mag-isa na lang siya sa lugar nang mga sumunod na sandali.

"Doc El!" sigaw niya. "Kainis ka! Ang unfair mo talaga!" alam na niya ang mga ganoong punishment. Nasa paligid lang ito pero hinding-hindi magpapakita sa kanya hanggang hindi niya tinatapos ang ilang minutong walking exercise. Sinubukan na niyang mandaya--kunwari nadapa, napilay, nasugatan at fake na umiyak pero hindi talaga ito nagpakita.

Nagsimula na lang siyang maglakad. Hindi pa naman madilim. Hindi pa nakakatakot ang paligid. Wala pang strange sound sa gubat. Isa pa, nasa paligid lang naman si Doc El. Ayaw lang magpakita sa kanya.

Para hindi ma-bore, kumanta na lang si Mina--Bahay Kubo. Papalakas nang papalakas ang pagkanta niya, inaaliw ang sarili. Mas masaya sanang mag walking exercise kung ka-holding hands niya si Doc El. Hindi nga lang puwede. Mas malupit pa kay Hitler ang doctor pagdating sa exercise at proper diet.

"Sitaw, bataw patani-- Tse!" inirapan niya ang bampirang nasa harap na lang niya bigla. "Go away!" tinalikuran niya ito at naglakad uli pabalik, tuloy sa pagkanta. Na nahinto rin nang bigla na lang siya nitong niyakap mula sa likuran--at literal na tinangay nang mabilis. Sa tabi na ng puno siya binitiwan. Isinandal siya sa katawan ng puno at hinostage.

Hindi umimik si Mina. Tumingin lang siya sa mga mata nito. Matagal siyang tinitigan ni Doc El. Hindi rin ito nagsalita. parang gusto lang siyang tititigan hanggang magliwanag.

Ngumiti siya at yumakap sa baywang nito. "Tatapusin ko yung five kilometers, promise!" hindi man niya nakikita ang sarili, alam niyang ang sweet ng ngiti niya. "Hanggang midnight. Walang lights--moonlight lang--pero samahan mo ako?" kumawala siya para hawakan ang kamay nito. "Walang daya. Walang fast movements. Walang magdi-disappear. Maglalakad lang tayo. Gusto ko lang ma-feel ang warmth ng kamay mo--nang matagal. Busy ka na naman bukas 'di ba?"

Hindi sumagot si Doc El. Gumanti lang ng hawak sa kamay niya bago nagsimulang maglakad--kasama siya.

Ang lapad ng ngiti ni Mina. Sinabayan niya ang ga hakbang nito.

Tahimik na tahimik sila pero ang saya-saya niya. Hindi niya alam na pati katahimikan, may kilig pala!

Naglakad lang sila nang naglakad. Walang direksiyon at mabagal lang. At sa unang sinag ng buwan, dinala ni Doc El ang kamay niya sa mga labi para halikan.

Bawal ang quota sa kilig. Malayo pa ang five kilometers!

Mas sumiksik siya sa tagiliran nito. Para kay Mina, 'yon ang pinaka-memorable na punishment exercise. Pag-uwi kasi nila na pagod na siya pero walang reklamong sumasabay pa rin sa paglalakad ni Doc El, tumigil na lang ito sa paghakbang para buhatin siya.

Ngiting-ngiting yumapos siya sa leeg ni Doc El. Nakailang nakaw pa siya ng kiss sa iba't ibang bahagi ng mukha nito, na hindi man lang pinapansin ng doctor. Tuloy lang ang mabagal nitong paghakbang. Ini-expect niyang gagamit ito ng ability para mabilis silang makarating sa mansion pero hindi. Naglakad lang ito nang mabagal...

Habang siya ay busy mang-tsansing at magnakaw ng kiss!

"Ten kilometers next weekend?" tawa ni Mina.

Ngumiti si Doc El--na tinakpan agad niya ng mabilis na kiss. Hindi na niya nakita ang ngiti nito, na-feel niya lang. Ngiting-ngiti pa rin ito nang gumanti ng halik...


Kissed By Twilight (Blood And Rose)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon