Prologue -Where Dreams Start-

335 3 2
                                    

"Ayoko na. Ayoko na. Pwede ba? Ayoko na kasi." wika ko, ang hirap eh. 

"Ayoko na kasi bumangon ma, ano ba. Ang aga aga pa o. Tingnan mo naman kung anong oras pa. Dapat tulog pako."

Ang hirap bumangon. Pag walang rason para bumangon. Titingin ka na lang palagi sa bintana tapos titingnan mo kung ano bago. Kumbaga nakagawa ka na ng routine sa buhay mo. Nakakatamad diba? 

"Anak, may pasok ka pa ngayon. At alam mo naman ang traffic sa ganitong oras." wika ng aking ina

"Para namang alam mong malelate ako ah." 

"Di ka malelate, alam ko yun. Kaskasero ka eh. O sya na. Maligo ka na, tapos kumain ka na. Pag ikaw nalate humanda ka sakin."

Bwisit. Nakakatamad talaga pumasok. Pero wala akong magagawa. Studyante parin ako eh. Ako nga pala si Rydious T. Alfonso, 18 years old na nag-aaral sa UST. Di naman gwapo, di rin mayaman. At paniguradong, hindi matalino. Gumigising ako kasi kailangan gumising, wala akong rason para maging masaya. Buhay nga naman. Dumiretso ako sa CR pagkatapos akong gisingin ng aking ina, si Jonina. Naligo ako, at napaisip ako bigla-

"Kung sa buhay natin may makikilala tayong kabiyak ng puso natin, kailan pa natin siya makikilala? Kung kailan huli na ang lahat? At kung makilala man natin siya, mamahalin ba niya tayo pabalik? Ang hirap isipin na lahat ng bagay natatapos. Na lahat ng masasayang bagay natatapos. Tss. Bago ko isipin to maghanap muna ako ng rason para isipin to. Walang girlfriend, walang rason. Bwisit. Bahala na, tapusin ko na nga tong pagligo ko." 

Lumabas ako ng CR at nagbihis ako. Maangas kasi ako magdamit lahat ng damit maganda. Kahit cellphone, iPhone 4S. Siguro nga rason narin yun ba't walang lumalapit sakin. Mahangin kasi yung dating eh.  

"Bwisit na buhay to. Kumpleto nga sa lahat, bwisit tong pag-ibig na to. Sana makita ko siya mamaya sa pagpasok ko, sana."

Bumaba ako ng bahay at kinuha ang susi ng sasakyan. 

"Ma, alis nako. Sa Jollibee na lang ako kakain." 

"Sige anak, mag-ingat ka."

Lumabas ako ng bahay, at pumunta sa garahe. Binuksan ko ang sasakyan at pinaandar ito.

Papasok nanaman ako.

Estrange de CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon