Chapter 1 -New Beginnings-

249 3 2
                                    

Tong sasakyan na to, maganda to eh. Binigay sakin ni papa nung grumaduate ako ng High School. Honda Accord, ganda nga ng makina eh. Pwede sana pang karera, pero syempre. Sino naman ang gagamit ng luxury car pang karera? Yung ama ko, si Rommel H. Alfonso, negosyante. Ang kapatid ko naman, sa High School pa. Sa St. Scholastica nag-aaral. Gagraduate na rin, eh ako. 2nd yr na sa UST, Architecture ang course. Pero kung pwede sana tambay, tatambay na lang ako. Nakakawalang gana mag-aral eh. 

"Bwisit, traffic. Mandaluyong na nga lang e. Isang oras na late klase na, patay. Bakit kasi dito pako sa EDSA dumaan."

Humarurot ako, pinatakbo ko na lang dere deretso sa EDSA. Hanggang sa nakaabot ako Magallanes. Dumeretso pako papunta Pasay, sa Taft nako dadaan. Buti pa dito, walang traffic. 

"6:30 na, di nako makakakain ng pang umaga. Bahala na, kain na lang ako pag break ko." 

Dumeretso pako, 6:50am nakaparada narin ako. Tumakbo ako papunta sa klase ko, pero bago ako makaakyat sa hagdan-

BOOM

"Aray, sorry po. Sorry. Nagmamadali po ako eh."

Namangha ako sa nakita ko. Ang ganda niya, sobra. Yung kislap ng kanyang mga mata, yung kanyang boses. Ang ganda niya, sobrang ganda niya. Pero sa gandang yun, di ko masyadong matanggal sa isipan ko, pero may kamukha siya. At yung boses niya, sobrang pamilyar na parang narinig ko na dati.  Pero habang nawawala ako sa kagandahan niya, naalala kong malelate nako. Pero bago yun, napansin kong nahulog din pala lahat ng gamit niya.

"Miss, tulungan na po kita. Pasensya na po, nagmamadali po kasi ako sa klase ko eh. Baka malate nako."

"Okay lang, ako din eh."

Pinulot ko gamit niya, tapos tiningnan ko relos ko. 6:55am. Late nako, panigurado.

"Uhm, miss pasensya po ulit ah."

"Okay lang yun, ako rin pasensya na ah."

Pero bago kami maghiwalay ng aming landas, tinanong ko siya-

"Miss, ano po pangalan mo?"

"Eclair S. Villanueva, sige na po. Malelate na po talaga ako."

Di ko na hinabol, ako rin malelate na eh. Tumakbo ako papunta sa klase ko. Pero di ko talaga matigilan yung pag-iisip ko sakanya. Ba't ganun? Isang tingin ko pa lang sakanya iba agad yung dating niya sa akin. Yung pakiramdam na hindi ko maunawaan. Ayoko na isipin, baka pati yung paksa namin mamaya di ko narin maunawaan. At nung pumasok ako sa klase, lahat ng mga kablock ko naglalaro lang. 

"Oy pre, anyare sayo. Ba't parang pagod na pagod ka." 

"Nagmadali ako, akala ko malelate ako eh."

"Di mo ba nakuha text ko? Sabi ko absent prof natin ngayon."

"Seryoso?

Kinuha ko cellphone ko sa bulsa ko, binuksan yung messages.

"Jayvees Ramon : Pre, walang prof. Dala ka madaming pera, foodtrip tayo."

Natulala ako, tapos tinago ko phone ko sa bulsa ko ulit.

"Bwisit yan. Nasayang lang pagmamadali ko. Taeeeeeee."

"Haha, okay lang yan pre. O ano, ba't namumula ka?"

"Pre, may nakita ako.-"

"Cute nanaman. Lagi naman eh." biglang hirit ni Jay.

"Hindi pre, ito talaga... iba. Iba pakiramdam!"

"Oh? Ano pangalan niya?"

"Eclair." 

Estrange de CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon