Chapter 3 -Nostalgia-

124 1 2
                                    

Yung pinakamagandang tao sa buong mundo nasa harap ko ngayon. Narinig ko ang boses niya, at tumingin ako sa mata niya. Tila nakakatunaw talaga ang tingin niya. Nakatingin saming dalawa ni Eclair yung mga nagtatrabaho dito sa SM. Natulala ako ng ilang segundo, at tumayo na ako. Inabot ko yung kamay ko sakanya, at tinulungan ko siyang tumayo. Nang medyo naklaro ko na yung bumara sa lalamunan ko, nagsalita na ako.

"Eclair, I'm so sorry. Again. Parang pangalawang beses na kita nabangga ngayon ah. Buti wala kang dala ngayon."

Nginitian niya ako, nagsalita na din siya.

"It's okay Rydious. Everything happens for a reason."

Tiningnan ko siya sa mata, at ngumiti ako sakanya. Tuwing malapit ako kay Eclair, natatahimik ako. Hindi na ako napapaisip, nabablanko lang ako. Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi ko mapigilan. Natutuwa ako, pero kinakabahan din ako. Walang salitang lumalabas sa dila ko, kinakabahan ako. Nangiginig na ako sa kaba. Napansin ni Eclair na hindi ako makapagsalita.

"Ry? Are you okay? You seem to be... nervous about something. Are you okay?"

Natameme ako, pero hinanap ko yung mga salitang kailangan ko sabihin.

"I... I'm f-fine. Y-you...? H-how about y-you?"

Nababaliw na ako, hindi ako makapagsalita ng maayos.

"Rydious! Ano ba nangyayari sayo?! Magsalita ka nga ng maayos! Baka mamaya isipin ni Eclair na baliw ka!" sabi ko sa isip ko.

Nginitian ulit ako ni Eclair. Yung ngiti niya na sobrang banal. Yung ngiti niya na makakapagpasaya sayo kahit na gaano kalumbay ang araw mo. Si Eclair na nga, siya na ang nakapagparamdam ng ganitong damdamin sakin. Ito yung pakiramdam na hinahanap hanap ko pagkatapos ng ilang taon. Masaya ako, pakiramdam ko na may halaga na ulit yung buhay ko. Pero habang tumatagal, may nararamdaman din akong... iba. Nararamdaman kong may pagkakapareho ang nararamdaman ko kay Eclair at Clarisse dati. Hindi ko alam bakit ganito, pero hindi ko na lang masyadong iniisip. Tiningnan ko ulit ng mabuti si Eclair at nginitian ko. Bumalik nako sa sarili ko, nakakahinga na ng maayos.

"Eclair, pasensya na ulit ah. Palagi na lang kita nababangga."

Ngumiti siya, natutunaw ako sa loob.

"Okay lang yun, ako dapat humingi ng sorry eh."

Nginitian ko siya.

"Ano nga pala ginagawa mo dito? Gabi na ah." tanong ko sakanya.

"Hm? Wala naman, nagpapalamig lang. Ayoko kasi muna umuwi, magulo kasi sa bahay eh. Lagi na lang may gulo."

Tiningnan ko sa mata si Eclair, pinapahiwatig ko na may pakialam ako sa nangyayari sa kanya. Tinanong ko siya kung bakit.

"Ano ba meron sa bahay niyo? 

Nagbuntong hininga si Eclair, mukhang ayaw niyang pag-usapan.

"Uhm. Eclair, kung ayaw mo sabihin or masakit sabihin wag na lang. Baka talagang mabigat eh." wika ko sakanya.

"No, no. It's okay. It's just... my mom and dad never get along. And I get included in the firefight whenever that happens."

Unti-unti nang nawawala yung maganda niyang ngiti sa mukha niya. Umalis muna kami sa gitna ng daan, at dinala ko muna siya sa may mga damit. Dito muna kami nag-usap.

"Hey Eclair, don't be sad."

"But I can't okay?! I hate seeing my parents fight like that!"

Biglang lumakas yung boses niya, kinakabahan ako. Narinig ng mga trabahador, nagiging isyu sa kanila. Kinakabahan ako, baka kunan nila ng video to. Pero hindi ko na sila pinansin, si Eclair parin ang kailangan kong kausapin.

Estrange de CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon