Chapter 5 -Friend or Foe-

80 0 0
                                    

Natulala ako. Kasalanan ko ba at hindi ko agad nakita sa malayo? Kasalanan ba ni papa kasi hindi siya nakatingin sa daan? O kasalanan ng dalawang nasa daan na dapat tumawid sa tawiran? 

Mabuti na lang, walang nadisgrasya. Pagkasigaw ko kay papa, agad agad niyang natapakan ang brake. Nakita ko ang dalawa. Yinakap ng lalaki yung babae. 

Naaalala ko si Clarisse. Nangyari din sa amin to. Linagay ko sarili ko sa pahamak para lang masigurado kong ligtas siya. 

"Bwisit naman to! May tawiran naman eh!" pasigaw na sinabi sa akin ni papa.

"Pa."

Kinalabit ko si papa at humingi ng pabor.

"Pumarada ka sandali pa."

Nakita kong may pagkabagabag sa mukha niya. 

"Anak, bakit?"

Nginitian ko si papa.

"Kakausapin ko lang yung lalaking yun."

Nagbuntong hininga si papa. Tiningnan ko ng maigi si papa at nagsalita ulit.

"Pa, alam ko mainit ulo mo. Pero wag ka magpadala sa init ng ulo. Ako bahala dito, sandali lang to."

Sumagot na lang ng oo si papa gamit ang ulo niya.

"Mag-ingat ka anak."

Tumawa ako ng mahina.

"Don't worry, I got this."

Pumarada si papa sa gilid at binuksan ko yung pinto ng sasakyan. Bumaba ako.

Tiningnan ko ng maigi yung lalaki at tinawag ko siya, pabalik na sila sa may sidewalk.

"Hoy. You."

Tiningnan ako ng lalaki, palapit siya sa akin. Hindi ko nga lang alam kung lalapit siya para humingi ng tawad o para sapakin ako kasi linagay ko silang pareho sa pahamak. Pero kung tutuusin, ako nga mas may karapatan magalit kesa sakanya. 

Linapitan ko din ang lalaki. Yung buhok niya maayos. Yung bangs niya pakaliwa tsaka medyo mahaba, yung buhok niya sa likod hanggang batok niya. Nasa 5'7 yung tangkad niya, panigurado. Ang angas niya magdamit, ang init init nakajacket. Sabagay ako din naman.  Yung girlfriend naman niya, di rin katangkaran. Mahaba yung buhok, yung bangs niya nakababa. Simple lang magdamit. Ayos ah, panigurado nagrereklamo girlfriend nito tuwing gumagala silang dalawa.

Magkaharap na kami ng lalaki. Yung girlfriend niya nasa likod lang niya.

"Girlfriend mo?"

Tumawa yung silang dalawa.

"Hindi po boss. Pinsan ko po to." wika ng lalaki.

Napahiya ako, akala ko naman sila. 

"Pasensya na po boss ah, ang layo pa po kasi ng tawiran."

Nagbuntong hininga lang ako.

"Pasalamat ka lang wala nadisgrasya."

Tumango lang yung lalaki at humingi ulit ng patawad.

"Boss, patawad po ulit."

Tumango lang ako, at nginitian ko.

"Buti kamo walang MMDA. Mas malakas pa naman sila manita. Hahaha!" wika ko sa lalaki.

Habang tinitingnan ko ng maigi yung lalaki, nakita ko yung pin ng Don Bosco Makati.

"Eh? Bosconian ka?"

Tumango lang din yung lalaki.

"Opo boss."

"Alumni ka na dun o 4th year?" tanong ko habang tinitingnan ko yung lalaki.

Estrange de CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon