Chapter 2

19 0 0
                                    

SETTING: SIA

DJ's POV

Ang tagal naman nun! Kanina pako dito sa waiting shed eh. Tssk. Ang usapan 3:50pm mag kikita kami dito. 4:03pm na kaya! San kaya yun? lumingon ako ng lumingon at.. Ayun!! Nakita ko rin. nilapitan ko siya. May kausap siya sa cellphone niya.. Nag papaalam nga siya sa mommy niya.

Kath: "Ma! Sige na please? Please?? Payagan mo na ako." pagpipilit niyang sabi.

Lumapit ako, at bigla kong kinuha ang cellphone niya.

DJ: "Tita? Kaklase po ito ni Kath. Pwede po bang pumunta siya sa bahay namen? Nasugat niya po kasi ako ehh.. Sige na po please?" maamo kong sabi.

KATH's POV

Huh?? Magalang pala siya? Si DJ? MAGALANG!?? Weeeh?! Nananaginip yata ako. Kinuha ko na yung phone ko sakanya. Pero nakapatay na yung tawag.

Kath: "Ano daw?" tanong ko.

DJ: "Oo daw. Tara na." sabay lumakad siya. hinila ko ang braso niya.

Kath: "Wag mokong lokohin ah! Ano ngang sabi?" hindi pa kasi ako pinapayagan ni mama na umaalis alis kahit na 4th yr nako.

DJ's POV

Ang kulit naman nito. Kainis! Hindi na ako nag salita. Inakbayan ko siya para maka alis na kame. Ang likot niya grabe. Wala siyang ibang sinabe kung hindi "Uy! Bitawan moko!" "Hoy!! DJ!! Let me go!!" Ang daming nakatingin samin. Sinakay ko na siya sa kotse ko. At umalis na kame. Ang awkward sa loob ng kotse. Hindi kame nag sasalitang dalawa.

KATH's POV

Bakit niya ako inakbayan? Nakakahiya tuloy.. Hmm.. Parang kinilig ako dun ah! Pero hind pwede! Etong antipatiko na to?! Mamahalin ko? No way!

Kath: "Ano bang sabi ni mama?" nakatingin ako sa salamin ng tanungin ko siya.

DJ: "Okay daw." matipid niyang sabi.

Kath: "Yun lang?" napatingin ako sakanya bigla.

DJ: "Basta daw mag-iingat tayo. Atsaka ihahatid kita pauwi." sabi niya.

Kath: "Ha? Hindi na. Sabihin mo nalang sakin kung anong sasakyan kong jeep." sabi ko naman.

DJ: "Hindi ko sasabihin sayo.." bigla akong natameme. "Dahil hindi ko rin alam." patapos niyang sabi.

Kath: "Talaga? Bakit naman?" tanong ko naman.

Hindi niya naman sinagot yung tanong ko.. Kaya tumingin nalang ulit ako sa bintana.. Naka aircon pala kami.. Napaisip ako bigla, bawal pala ako sa malalamig na lugar. Kung hindi uubuhin ako. at sasakit ang tyan ko.

Kath: "Pwede bang ipatay mo nalang yung aircon?" nanghihina kong sabi.

DJ: "Ayoko. Mainit." pagsusungit niya.

Kath: "Please? Sige na? Please?" pagpipilit ko naman sakanya.

DJ: "Sige na nga." sabay patay ng aircon at binuksan niya ang bintana ko.

Kath: "Ayaw mo bang buksan yung bintana mo?"

DJ: "Magugulo ang buhok ko." sabi naman niya.

Ini'snob ko siya. Ang arte naman nito. Parang naman ang big deal sakanya nun. Haysss. First time kong makasakay sa isang sasakyan na napaka bango at may kasamang isang lalaki. Ilang saglit lang ay narating na namen ang bahay nila. Hindi man lang niya ako pinag buksan ng pinto. Wow! Gentleman nito. Bumababa ako. Grabe ang ganda ng bahay nila.. Haciendang hacienda ang dating. Nabigla ako ng may sumalubong samen.

Karla: "Hi DJ!" bineso niya si DJ. "Hi! Anong pangalan mo?" bakas sa mukha niya ang ngiti.

Kath: "Ahh. Kath po. Kathryn Bernardo po." ngumiti ako. 

Maybe It's You: A KathNiel FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon