CHAPTER 23: JADE

11 0 0
                                    

My senses are awake with the fragrance of rose and sakura.

This fragrance….. I smelled it somewhere ….

Could possibly I’m at Quinn’s place?

Pero si Arc ang bumuhat sakin last time before I lose consciousness. Siguro ay nandito ulit ako sa bahay ni Quinn at hindi sa hospital dahil sabi nga ni Quinn dati ay bawal.

Napagpasyahan kong imulat ang aking mga mata upang makita ang lugar na pinagdalhan sakin.

Tama nga ang hinala ko nasa bahay ako ngayon ni Quinn, nasa kwarto nya to be exact. Bakas ang pagkagara ng lugar ngunit ang boring naman ng kwarto nya para sa isang lively na babae. Malapad ang kwarto, may puting kama,kumot , kurtina at itim closet. Kahoy na sahig at may malapad na glass window. Wala man lang ka bulaklak sa gilid ng kama. Dumako naman ang mga paningin ko sa pinto, ganun parin boring na kulay ngunit may napansin ako.
Teka, may nililigaw ata sa boring na kwartong to ah.

Isang iron man na poster? Seriously? Babae ba talaga si Quinn?

Napailing ako. “how could a lively Quinn live in this boring-“ napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto.

“ what boring?” napanganga ako nang mapagtanto ko kung sino ang taong dahilan ng pagbukas ng pinto.

“ A-Arc?” he just smirked and walked towards his closet. Napakurap pa ako ng ilang beses. Bakit sya nandito at bakit naka tuwalya lang sya. Bakas sa kanya ang bagong ligo.  Tanaw na tanaw ko ang katawang pinagpapantasyahan ko lang dati. “ ba—bakit…” nanunuyo ata ang lalamunan ko. I cleared my throat. “ bakit ka nandito at bakit ganyan lang ang suot mo?” tanong ko habang namimili sya ng masusuot.

“ why do you ask? Its my home.” Prente nyang sagot.

“I thought…. Bahay to ni Quinn.” Nagugukuhan pa rin ako.

“ it’s my place.” Pinal nyang sabi.

“ ba’t andaming boteng maliit dito sa taas ng drawer?” tanong ko. Curious lang.

“ it’s medicine for your pains.” Sagot naman nya. Sya pala ang gumamot sakin.

“ ah ganun ba?” ininat ko ang aking balikat at pinisil ang aking paa. Napangiti ako. “ wala na nga ang sakit. Teka Arc..”

“ what?” bored nyang tanong.

“ mayroon ka bang gamot para sa sakit sa…”

“ sakit sa?”

“ … puso?” he looked at me and gave a sweetest smirked.

Sweetest? Tingin ko lang naman sweet. Haha. Kahit parang insulto nya yun. Bastos talaga ng ugali nya kahit kalian.

“will you please shut up? Nonsense.” Bakit? Nagtatanong lang naman ako ah. Tumahimik naman ako at pasimpleng pinanuod lang syang magbihis.

Agad akong napapikit nang mahulog yung tuwalya. Oh no, my innocent eyes. I heard him tssed kaya iminulat ko nalang yung mga mata ko. Baka sabihin nya maarte ako, tsaka chance ko na to. Hiieee.

Ayy, medyo nadisappoint ako. Di naman pala sya nude, assuming lang ako. Nakaboxers naman pala sya. Ngunit nanlaki yung mga mata ko nang makita yung bruise nya sa bandang kaliwa sa likod ng hita nya. So, tinutoo nya talaga yung gift sakin?

Nawala yun sa isip ko sa ginawa nya. Wala syang pakialam sa paligid nya. Pinagpatuloy nya lang ang pagbihis. Hindi man lang sya nahiya sakin inosente pa naman ang mga mata ko, dito pa tlaga sya nagbihis. Nang makabihis na sya ay agad nya akong hinarap.

“ may I hear your thoughts?”

“ ha? Tho-thoughts?” tumango sya at tinaasan ako ng kilay na para bang kinikilatis at inaalam kung ano ang iniisip ko. Wala ring naman akong magagawa kahit ayaw ko pang sabihin kaya better to say it. “ di kaba nahiya na sa harapan pa kita nagbihis?”  He smiled yung pigil na ngiti.

My Ladylove is a Gangster [revamping]Where stories live. Discover now