CHAPTER 32: UNEXPECTED VISITOR

13 0 0
                                    

CHAPTER 32: UNEXPECTED VISITOR

"Why are you staring like that?"
Napatigil ako sa paglalaro sa asong dala ni Alec at napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Obviously it's from Arc dahil nandito kami sa private room nya and I wonder kung sino ang sinasabihan nya. Mula sa sofa ay tanaw ko si Quinn na nakaupo sa harap ng mesa at nakapangalumbabang nakatingin kay Arc.

Kanina pa ba sya dyan?

"Nothing." Sagot nya sabay iling. "It's just... I like seeing your lips without an earing." Sabay ngiti. "Matagal ko nang sinasabi na tanggalin mo yan ngunit di mo tinanggal...nagtataka lang ako kung ano ang nangyari at natanggal yan." She crossed her arms and eyed Arc. "I just wonder...on what universe did Arc Sarfarez learned to listen? Or... when rather...?" Sabay taas ng kilay.

Hala, baka sabihin ni Arc kung ano talaga ang nangyari. That kiss. My lip bleed. Oh no.Wag naman sana.

Pigil hininga kong hinintay ang magiging sagot ni Arc.

"It's just... I don't feel wearing it." Kaswal naman nyang sagot.

Ngumiti naman nang malapad si Quinn. "When is the first time that you don't feel wearing it?" Nag- uumpisa na syang mag-interogate.

"Since last-"

"Ah Quinn, nagugutom na ata si Cutie." Pagpuputol ko sabay taas ng aso. Nabaling naman ang atensyon nila sakin.

"Hindi ko aso yan." She glared at the poor puppy.

"Akala ko aso nyo to-"

"Nyo?" Nakataas nyang kilay na tanong.

"Yes." Tango ko. "Aso nyo ni Alec."

"Sa kanya lang yan." May pagkabitter ang tono.

"Ah, ganun ba?" Wika ko habang lumalapit sa kanila. Sige, papakainin ko nalang." Sabay alis.

"Teka ba't kasama si Arc?" Tanong nya habang nakapako ang tingin sa mga kamay namin.

Hatak hatak ko kasi si Arc. Peace.

"Ah, kasi...kailangan ko ang tulong nya...para magpakain." Tch. Palusotdatcom. Sya namang ikinataas ng kilay nya. "Hindi ko kaya eh. Sige. Bye." Paalam ko at dumeritso sa veranda ng building habang hawak parin ang kamay ni Arc. Mas binilisan ko ang paglakad nang dumaan kami sa living area kung saan nakatambay ang iba namin kasama para hindi nila mahalatang hawak ko ang kamay ng Shinigami nila.
Pasimple kong nilapag ang aso sa kanyang tulugan at patuloy ang lakad papuntang veranda.

"Are you done?" Tanong nya.

Agad akong natigilan saka biglang binitawan ang kanyang kamay.

Nahihiyang napatango ako.

"So, what's with that sudden pull?" I didn't respond.

"Hey." Saka nya ako hinawakan sa magkabilang balikat at pinaharap sa kanya. "Hey, look up." He said while snapping. "Care to tell me about those strange act?" saka sya nag-cross arms.

"About the topic you had with Quinn earlier... the reason about that earing..." I pointed my lips to mirror his, to where his earrings placed. "...being gone... hindi mo naman sasabihing dahil sa.."

"Because of what?" He frowned. Ngumuso ako. "What was that?" Sabay gaya sa ginawa ko.

"Kiss....?"

Tumawa sya.

Teka, tumawa sya. Sana nagdala ako ng recorder ng nairecord ko ang tawa nya. Lalong bumibilis ang heartbeat ko sa pagtawa nya. Ka badtrip.

But his laugh didn't last. Mga 5 seconds lang ata. Naman.

My Ladylove is a Gangster [revamping]Where stories live. Discover now