Minsan masarap sa pakiramdam ang maging malungkot. Dun ko lang kasi nakakausap ang sarili ko. Kapag masaya kasi ako nakakalimutan kong mag isip at hindi gumagana ang utak ko yung tipong nagsasalita ka ng hindi mo na iniisip at hindi mo alam e nakakasakit ka na pala ng iba.
Oo sa madaling salita ngayon araw ay galit ako. Galit ako. At pag sinabi kong galit ako. Galit ako sa buong mundo, galit ako sa lahat ng tao. Galit ako bakit umiikot ang mundo, bakit may namamatay at nanganganak? bakit may mahirap at mayaman ? bakit may manloloko at nagpapaloko ? bakit may matangkad at maliit ? at bakit kailangan twing pasko lang may Santa Claus ?
Oo magulo akong tao, weird man sa iba pero minsan ako lang rin ang nakakaintindi sa sarili ko maski ikaw na nagbabasa ng mga pinagsusulat kong ito. Alam ko naguguluhan ka rin.
Alam mo kasi nabubuhay na kasi tayo sa panahon na kung saan hindi na sina Archimedes at mga kasama niyang Pilosopo ang sikat kundi si Napoles na at ang mga kasama niyang nangungurakot sa Pilipinas. Sa madaling salita ang mga tao ngayon ay hindi na nagfofocus sa mga bagay na ikauunlad ng mga tao ang mas binibigyan ng pansin ngayon ay ang mga bagay na pinag gagawa ng mga tao sa nakaraan. Ewan ko ba. Kaya ayoko talagang maging parte ng Gobyerno magugulo ang tao mahirap na magkaroon ng kapangyarihan buti kung tulad lang ako nina Spiderman at Captain America na gagamitan lang ng sapot at laki ng katawan upang puksain ang mga masasamang kawatan ng lipunan e hindi kasi kapag nagkaroo ka na ng kapangyarihan hindi mo na ito maiiwasan lalake at lalake ang ulo mo at magiging gahaman ka dahil sa kapangyarihang ito mas gusto ko pang maging isang guro.
Nito ko lang ito napag isipan. Ngayon kasing isang taon nalang at gagradweyt na ako sa kursong aking pinag aralan ng apat na taon nag-iisip na rin ako ng mga posibilidad na pwede kong maging trabaho pag tapos nito. Bumukas ang aking isipan noong ang aking adviser nung Highschool ay nagpost ng status sa Facebook. Hiring sa school namin ng mga bagong guro. Ni minsan rin naman ay hindi rin ako nag nais na maging guro kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako matyaga, madali ako magsawa sa isang bagay na ginagawa ko kaya hanggat maaari ay dapat gawin ko na ito habang ang mga neurons ng utak ko ay nagsasabing eto ang gawin mo. Oo tulad ng pagsusulat ko ngayon.
Bakit ko nga ba nagustuhan na maging guro ?
Hindi ko rin alam ang sagot. I just felt it. Gusto ko maging parte ng pagbabago ng bansang ito. Atleast kung hindi man nararamdaman ng iba yun ang mithiing pagbabago ng Pilipinas atleast ako oo. Hindi mo naman kailangan maging presidente para magkaroon ng pagbabago bakit di mo simulan sa iyong sarili ?. Hindi kailangan maging isang sikat na tao para gumawa ng pagbabago. Atlhough it is being used by the candidates during election. Sabi nga ni Rizal,“Ang kabataan ay pag-asa ng bayan ”. Gusto kong ituro sa mga bata na hindi kailangan mangopya dahil ang mga taong nangopya ngayon ay maaaring mandurugas kinabukasan. Sabihin man niya sa kanyang sarili na hindi na niya ito uulitin ngunit kapag dumating ng araw ng exams niya magiging mandurugas pa rin siya. At ituturo ko sa aking mga magiging estudyante na huwag maging TAMAD. Walang taong bobo, tamad marami. Talamak at para itong mga bading (hwag kayong magalit sakin :) ) dumarami ito. Isa ito sa mga dahilan bakit marami ang walang trabaho, marami ang nagugutom, marami ang krimen. Lahat na ng bagay. Isipin mo kung walang trabaho ang isang tao wala siyang source of income hindi siya makakabili ng pagkain at dahil wala siyang makain doon na papasok ang krimen. Paano pa yung may pamilyang tao at may dalawang daang anak ?
Pamilya. Dalawa ang uri ng pamilya. Una pamilya na may nanay, tatay at anak. Elementarya pa ito itinuro sakin ng aking guro kaya hindi ko na maalala kung anong tawag sa ganon pamilya. Yung pangalawa ang sigurado ako. Extended family. Masasabi kong ganitong pamilya ang nasa Pilipinas. Ito yung pamilya na may nanay, tatay, anak, lolo, lola, lolo at lola sa tuhod, lolo at lola sa talampakan at hanggang sa lolo at lola sa kasingit singitan sasama pa ang mga apo simula sa apo sa tuhod, apo sa talampakan at huwag na huwag mo pang kakalimutan ang mga first, second, third, at hanggang sa ika hundred na pinsan (pagurin daw ba ko magbilang.). Kaya’t kakailanganin mo talaga ng WAGAAAAASSSS na motivation para magsikap na pakainin at pagkasyahin sila sa bahay mo. Ganyan tayong mga Pilipino e. The more the merrier. Bakit naman sa U. S 18 ka lang bababye na sayo ang nanay at tatay mo. Well we are Filipinos right ? So, let’s do something so we can making this world a better place to leave. HAHAHA !
Noong isang araw habang nag aantay ako ng makakasabay sa tricycle may dumaan nanay at anak na mataba sa harap ko. Masasabi ko na sanang chicks yung nanay kasi payat hay oo na sexy kaso na turn-off ako noong nakita kong may hawak siya sa pagitan ng mga daliri niya. Stick ng sigarilyo. Naawa ako sa anak niya siguro mga 7 o 8 years old n yung cute at chubby na batang babae. So pag nakita ko na siya ulit kapag 9 years old na siya may hawak na rin siyang ganoon ?. O kaya naman ay baka next year may lung cancer na rin siya tulad ni Jamich ?. Ang sakin lang kung gusto mo na maging huwaran na magulang huwag kang gagawa ng mga bagay na ayaw mong gagawin ng anak mo 10 years from now.
Ako. Sige tara let’s talk about me naman. Siguro ay naboring ka na sa mga pinagsasabi ko na maaaring hindi mo talaga nagustuhan pero since diary ko to tara let’s talk about me. No real name please. I don’t wanna have boxes on my doors and have a death threat after what I’ve been saying. Game. Just call me Wanda a character from Stephanie Meyer’s book, The Host. Wanda’s an alien in the book though. Anyways, Okay game. Isa akong estudyante, mahilig ako kumain pero ang hindi ko lang talaga kayang kainin ay ang Braso de Mercedes, gusto kong matravel ang buong mundo, gusto kong magkabigote yung tulad ng kay Mr. Suave, mainitin ang ulo ko sobra, at weird ako magisip lalo pag galit ako. Tahimik lang akong tao pero maingay ako doon sa mga taong talagang kaclose ko. O sya so much for the chapter 1 of my diary. Thank you so much for making me feel better. Di bale sa susunod mag tatackle ako nga mga topics na dun lang ito iikot. So much for that gagawa pa ako ng isa pang kwento. Here’s my quote of the day : Sometimes it is good to feel pain.
BINABASA MO ANG
Diary na Hindi Panget
Non-FictionBakit umiikot ang mundo ? bakit may namamatay at nanganganak ? bakit may mahirap at mayaman ? bakit may manloloko at nagpapaloko ? bakit may matangkad at maliit ? at bakit kailangan twing pasko lang may Santa Claus. ?