Wanted

18 0 0
                                    

Hello diary tampo ka na ba sa kin. ? matagal tagal na rin noong huli ako nakapag sulat dito wag ka mag alala itatry ko na everyday na mag update na dito. Gagawin na talaga natin itong diary ha ?. okie ! labyu haha.

Naniniwala ako na walang taong plastik kasi dumedepende lang ang pinapakitang ugali natin sa ibang tao sa kung anong ugali ang meron rin sila. Rerespetuhin kita kung rerespetuhin mo rin ako. Bastusan tayo kung bastos ka rin. Tulad ko, iba ang ugali na meron ako sa mga kaibigan ko, kaklase, syota at sa pamilya ko. Sinasabe ko ito kasi wala lang yun ang naiisip ko sa oras na ito. Game, ako kasi tahimik ako. Oo tahimik talaga, mahiyain, noong first year college ako hinde ako nagsasalita masyado siguro ilang na rin sa mga bagong tao nakakasalamuha. Kung may naiisip man ako date sakin lang. kausap ko palage ang sarili ko e. sabi nga ng tita ko date baliw ako buti nga daw at nagkaboyfriend ako tsk (tsamba). Ngayon iba na, maingay na ako, mayabang, nasasabe ko na un iniisip ko kung baga wala ng filter at minsan nakakasakit na yun sa iba. Azar noh ?.

Naturn off ka siguro saken noong nalaman mo na iba pala ugali ko sa pagkakakilala mo saken. Hinde ako mabaet, masama ako. Mainitin ang ulo. Pikon. Di ako matalino. Magaling lang siguro sa pagmememorize. Ang gulo ko magkwento. Ang dame ko kasing gusto sabihin di ko naman alam paano sisimulan. Ayos lang. nandyan ka naman na nagbabasa sa pinagsusulat ko kaya masaya na ako. Thank you ha?. J

 Sabi dun sa babae na nag advice saken, wag ka na mag inarte na hahabulin ka pa nya, move on ka na ikaw naman pala nakipag hiwalay e. oo nga, kaya pala ako nasasaktan ngayon kase umaasa ako na mag effort pa sya, na he’ll do everything to win me back. But as always he always disappoints me.Masyado kasi akong feelingera. Komparadorang palakang panget.  Buti na nga lang medyo marame ako nakakachat sa fb ngayon. Yung mga friends mo na hinde mo man everyday nakakausap at nakakasama e ganon pa rin ang turing sayo. Masaya na akong nakikita silang masaya.

  Bakit pa kasi naimbento pag-ibig no? bakit pa kailangan masaktan sa pag-ibig? Bakit may naimbentong emosyon ?.

Teka andito na nanay ko lalamon muna aketch. Laters baby !

Hiya ! Zup here I am again.

So here’s my answer to my own question. We are born animals the only difference is that we are rational unlike animals they only have instinct, love really is the reason why the world goes round. Maybe if we don’t have emotions I don’t think that there will be the difference between a person and a robot. Siguro kung hinde uso ang pag-ibig baka puro patayan na lang nangyayare. I also believe that love is care. When you care for someone there is love. Yieee so inlove ka ngayon ha ?. sige basa ka pa at baka ikaw naman mainlove sakin haha charot lang ! Ayos lang yan normal na tao ka kaya ka nasasaktan, naiiyak, natutuwa, nagagalet, nalulungkot. Nako mahirap yun kung alin man dyan ay di mo na ramdam baka indikasyon yun na nababaliw ka na magpatingin ka na.

Nasasaktan ka sa pag-ibig kasi totoo. Kung wala kang pakialam sa kanya di ka masasaktan pakialam mo ba sa taong makakasalubong mo. Bakit ka masasaktan kung wala kang care sa kanya. Meron yan no. Ako nga e sa sobrang gulo ng isip ko ginusto ko na mag asawa ng bulag. Kasi hinde niya ako ijujudge kung anong nakikita niya saken, kung ano man mali at kulang sa itsura ko. Sa panahon na kasi ngayon puhunan na ang ganda. Pag maganda ka pogi boyfriend mo. Pag panget ka panget boyfriend mo ganon. Tignan mo sa Facebook. Pag maganda at sikat kahit magpost ng isang selfie umaabot ng 1000 likes pero pag panget maka bente kang selfie swerte na kung may maglike ng tatlo puro kapamilya mo pa at baka ikaw pa nagmessage sa kanila ng “Huy palike naman ng picture ko.” Oh diba ? atleast kung bulag man maging asawa ko yung ugali mismo ko ang makikilala at mamahalin nya sa akin at hinde ang pang labas ko lang na anyo. E kung bulag lahat ng tao mauuso pa kaya ang selfie at facebook ?. blindbook na un pag nagkataon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary na Hindi PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon