"Ah, sir. Pasensya na po ah. Pero kasi di ko po alam kung---kung ano pong ilalagay kong ID... w-wala po kasi akong id o kahit na akong papeles. Ampon lang kasi ako nina tatay..." nahihiyang wika ni Alec sa binatang negosyanteng kasalukuyang nakaupo sa kanyang harapan. Pinagmamasdan lang siya nito habang pinipirmahan niya ang mga kontrata na iniabot niyon sa kanya.
Napakamot pa siya ng ulo at nahihiyang ngumiti.Napakurap naman ang binata sa kanya at seryosong sumagot.
"Nanang already informed me about that. Just sign the contracts and we're done. "
Natuwa siya sa sinabi nito. "Naku po, sir. Salamat! "
Hindi na sya sinagot pa ng kaharap. Sa halip ay tumayo na ito mula sa kinauupuan at naglakad patungo sa pinto. Mukhang aalis na ito.
"Ah.. sir. " muling tawag niya rito. Nilibot niya ng mabilisang tingin ang loob ng opisina at kinabahan sa dami ng mamahaling gamit na nakahilera lamang sa paligid.
Hindi siya nito pwedeng iwan. Naisip niyang baka may mawala sa mga gamit ay sya pa ang mapagbintangan.Napahinto naman ito sa gagawin sanang pagbukas ng pinto.
"What do you need? "
"Ah, kasi... " muli siyang napatingin sa paligid. "Iiwan nyo po akong mag isa rito sir? Andami nyo pong mamahaling gamit dito... baka po may mawala ay ako pa ang mapagbintangang kumuha. "
Napangiti ito sa sinabi niya. "You wont steal anything. I trust that."
Iyon lang ang sinabi nito bago ito tuluyang lumabas ng pinto.*************
Pangiti-ngiting naglakad pauwi ng hapong iyon si Alec. Nabubuo na ang pangarap na meroon siya para sa pamilyang kumupkop sa kanya. Sa wakas, meron na rin siyang trabahong mapagkukunan ng ikabubuhay at ipangtatawid gutom sa pamilya.
Naisip niya ang tatay Estong niya,ang nanay Sela niya at si Marcella na balak niyang pagtapusin ng kolehiyo. Hindi kasi neto natapos ang pag aaral dahil sa kakapusan sa pera at kalayuan ng kabundukan sa paaralan. Ngayon, balak niyang suklian ang kabutihang hinatid ng pamilya Dimapayo sa kanya."Nay! Tay!" masayang sigaw niya nang makarating sa tapat ng tinitirahang kubo.
"Kuya Alec!" malakas na siya naman ni Marcella pagkakita sa kanya matapos ay pinagbuksan siya nito ng pinto bago sabik na niyakap.
"Makayakap naman tong si bunso ko...parang papatayin ako." Natatawang wika niya bago ginulo ang buhok nito.
"Ma! Pa! Si kuya Alec! Andito na!" anunsyo nito habang nakaharap sa pintuan ng kusina kung saan naroroon ang mag asawa.
Agad na lumabas mula roon sina Manong Estong at Manang Sela. Patakbo nilang niyakap ang binata.
"Anak! Naku...mukhang may magandang balita ah? Ang lawak ng ngiti eh." masayang puna ng butihing ina sa kanya.
BINABASA MO ANG
Seducing The Sex Goddess ( SMSG BOOK TWO )
General FictionA romance, erotic sequel of Seducing Mr. Sex God. Written by : Chennieberries Language : Filipino Copyright 2016 All Rights Reserved.