SEDUCING THE SEX GODDESS
Book Two of Seducing Mr. Sex God
Author : chennieberries
Date Started : 07/08/16
Chapter One
Limang taon na mula nang maganap ang lahat. Kung tutuusin, hindi ito katagalan...pero ang limang taong iyon ay naghatid ng maraming pagbabago.
Maraming pagbabago na kahit kailan ay hindi inakala ng lahat.
Ang pagbabago narin na iyon ang naghatid kay Millicent Marie Ramirez sa lugar na kinaroroonan niya ngayon.
"Kuya...kung nasan ka man...kung naririnig mo ako...k-kung b-buhay ka pa...please come back..." gumagaralgal ang kanyang tinig kasabay ng paglalandas ng mga luha sa kanyang mga mata.
Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang pag iyak. Matapos ay inihagis niya ang isang puting rosas sa bangin na nasa kanyang harapan.
Sa bangin kung saan nahulog ang sinasakyang Honda CRV ng kanyang kuya. Ang sasakyang kinalulunan ni Jeremiah Ramirez.
Sumabog ang sasakyan nito dulot ng pagtagas ng langis. Isang malaki at nakakakilabot na pagsabog.
At mula noon ay hindi na muling nakita pa ang katawan ng kapatid.
Maaring natupok na ito...kasama ng mga bakal.
Ngunit naniniwala syang buhay pa ang kapatid.
Naniniwala siya...kahit alam niyang imposible na iyon.
"Everything will be okay, Millicent..." Jigs Vincent pulled her close to him. Niyakap siya nito ng mahigpit. Ibinaon naman niya ang sarili sa matipunong dibdib nito at tuluyan nang napaiyak.
"I want kuya back, Vince! I want him back!" desperadang wika niya. Yumuyugyog ang mga balikat niya sa tindi ng paghihinagpis.
"We do everything to find him, Millicent. Don't drown yourself in grief....makakasama sa baby.." Vincent told him soothingly.
Napahawak siya sa lumalaking sinapupunan. She's pregnant....pregnant with Vincent's child. Dalawang taon na mula nang ikasal sila sa London. She married him after one year of courting and two years of relationship. Pinakasalan niya ito sa simbahang pinangarap niya. She was happy...pero may kulang. Her kuya wasn't there para mapanood ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa buhay nya...bilang tao at bilang isang babae.
And now, she's pregnant. And she imagined his kuya's reaction. Siguro kung narito ito ay magiging masaya ito para sa kanya. Siguro iispoiled siya nito-- siya at ang magiging anak niya.
She cried harder. How she misses her kuya....
If only he could hear her...
If only he could.
**********
San Francisco, California
"Madame, where will I put these?"
Samantha Kim snapped a look to her maid. May hawak itong malalaking shopping bag sa magkabilang kamay.
BINABASA MO ANG
Seducing The Sex Goddess ( SMSG BOOK TWO )
Ficción GeneralA romance, erotic sequel of Seducing Mr. Sex God. Written by : Chennieberries Language : Filipino Copyright 2016 All Rights Reserved.