>>>>>>>Cafeteria
Mika's POV
" Hey guys nasan na yung iba?" salubong samin ni Jeron na naka-upo at naghihintay kasama si Thomas
" May pinasa lang si Carol at Ara sa kanilang prof pero papunta na daw sila dito." sabi ko
"Uhm, let's buy food na para pagdating nila ay kakain na lang sila" sabi ni Jeron
"Sige tara " sabi namin at nagbilihan na kami. Si Cienne naman ay binili na si Carol while si Jeron naman binili na si Ara. Alam niyo naman na hindi pedeng magutom ang kanyang baby sister.... hahaha. wag na kayong magtaka kung bakit ganyan ang trato ni Jeron kay Ara. Palibhasa kasi walang kapatid na babae na mas bata sa kanya kaya naman si Ara ang ginagawang baby. Sabagay para nga namang bata yang si Ara eh. Kung ano ang gusto, kailangan laging nasusunod kaya nga naging close sila ni Jeron eh dahil laging binibili ni Jeron si Ara ng kung ano-ano. Parang spoiled brat lang
"Bro, para kanino yang isa? At parang 2 yata ang kakain sa sobrang dami" tanong ni Thomas. Pano ba naman ang binili ni Jeron para kay Ara ay 3 kanin, isang order ng adobo, isang manok, isang coke at samahan mo pa ng 1 piatos, 2 tatoos at 1 ice cream. Diba ang swerte ng lola mo
"Para to kay Ara, baka kasi mangayayat eh" sabi ni Jeron. Natawa naman kaming bullies dahil kuyang kuya talaga ang trato niya. Pero kahit ganon hindi ako nagseselos kay Ara dahil alam kong ganyan lang talaga yan at alam kong ako ang mahal ni Jeron myloves... hahahaha. at ng makarating kami sa upuan ay umalis ulit si Jeron
"San kaya yun pupunta" sabi ko naman at pagbalik abat may dala dalang 3 cupcakes na favorite ko... yum yum yum
"Ye, para sayo oh. Tatlo para I LOVE YOU ♥♥♥." kinilig naman ako dun. Sabi sa inyo eh mahal ako niyan eh. Mika Reys yata to... hahaha
"Thank you, upo ka na at kumain na tayo" at umupo siya sa tabi ko at take note, mas nilapit niya pa ng upuan niya sa akin. KILIGMUCH!!!!
"Hi guys, nandito na kami" sabi ni Carol sabay upo sa tapat ni Kim
"Ay hindi Carol, wala ka dito. Picture mo lang yan"pambabara naman ni Kim
"Oh tama na yan Kim, Oh Carolina pagkain mo" at binigay naman ni Cienne a ng pagkain ni Carol
"Thanks Ciennang :))))" -Carol
"Thanks ka jan, bayaran mo ako noh. Ubos na allowance ko" -Cienne
"Oo na" sabay kain
"Eh yung akin? Nasan na? Wala man lang nagmagandang loob na ibili ako ng lunch?" pagmamaktol ni Ara na naka-pout pa. Nakita ko namang natatawa si Thomas. Hindi niya siguro inexpect na ganyan ka childish si Ara.
"Ah wala, hindi mo naman daw kasi kami binabayaran kaya naman di ka na namin binili" pang-iinis naman ni Camille
"Sige ganyanan na! Akala ko pa naman friends tayo yun pala hindi" nakakatawa talaga tong si Ara. Parang batang inagawan ng candy. Pinangatawanan na niyang siya ang baby ng bullies sa mga inaasta niya eh
"Kayo ha, wag niyong binubully tong baby sister ko. Kapag to nag-tantrums nako patay kayo sa akin" tsaka naman binigay ni Jeron ang pagkain kay Ara. At kitang kita naman ang pagningning ng mga mata ni Ara ng makita niya ang kanyang pagkain