>>>>>FF
General's POV
At sa paglipas ng 5 buwan , mas lumalim pa ang pagkakaibigan nina Thomas at Ara. Naging komportable na sila sa isa't isa at madali silang nagkakaintindihan dahil sa parehas ang kanilang interes sa buhay. At itunurin na niya itong besyfriend. Habang si Jeron namam ay patuloy pa ring nanliligaw kay Mika. Araw-araw niya itong sinusundo pagkatapos magtraining at tuwing umaga lagi niya itong dinadalhan ng pagkain at inihahatid niya lagi ito sa school. At pagdating naman ng lunch, gaya ng kanilang nakagawain. Sabay sabay silang kumakain.Ara's POV
"Best tingnan mo to oh, ang ganda ganda ng tuta . Ang cute cute niya." sabi ko kay Thomas habang pinagmamasdan ang tuta na nakita namin habang nasa pet shop kami dahil may pinabili si Kat, yung kapatid ni Thomas para sa kanyang alagang ibon.
"Oo nga! Magkamukha na nga kayo eh. Ar-aaaaay!!!!!!! Hinampas ko nga. sabihin ba naman kamukha ko yung tuta, eh sinong di magagalit?
"Dapat lang yan sayo. Alam ko namang di ako kagandahan pero di naman ako mukhang aso noh!" pagtataray ko sa kanya
"Uyyy, nagtatampo si Victonara oh. Wag ka ng magtampo. Maawa ka naman sa nguso mo ang haba na nga pinapahaba mo pa" Aba talagang niloloko ako ng bansot na to ah.
"Nguso ko na naman ang nakita mo.!!! Nakakaasar ka na, lagi mo na lang akong iniinsulto palibhasa kase maganda yang girlfriend mo kaya lagi mo akong kinocompare" Oo, you heard it right. May girlfriend siya and yung girlfriend niya ngayon ay yung ex niya. Si Arra San Agustin na maputi, maganda, mahaba ang buhok, makinis ang balat at kung ano-ano pa. Oh sige, sinong di maiinsecure sa kanya?
"Grabe ka naman Vic. Hindi naman kita kinocompare kay Arra. Jini-joke lang naman kita eh. Masyado ka namang high blood jan." sabi niya sa akin at inakbayan pa ako. Wag na kayoing magtaka at ganyan talaga kami ng BESTFRIEND ko. Normal na sa akin ang akbayan niya ako. Kahit ako naman ay inaakbayan siya dahil hindi naman siya katangkaran... hahaha
"Oo na. Tssss!!!" sabi ko sa kanya at inalis ko ang akbay niya. Excuse me, mainit po ang weather at tsaka mabigat na nga ang dala kong bag lalo pa niyang pabibig-atin.
"Para di ka na magtampo, we will buy this puppy" wait, tama ba ang narinig ko. Bibilhin niya yung puppy? Oh my, nakakaexcite... hahaha
"Di nga?" tanong ko sa kanya. Syempre gusto ko naman munang manigurado. Ba naman masyado akong ma-excite pero di niya pala bibilhin
"Oo nga, ang kulit naman eh. Kung gusto mo ikaw na ang pumili" abat talagang seryoso ang kumag na ito ha. At pumili naman ako.
"Heto ang gusto ko. Tingnan mo ang cute niya talaga." tinuro ko yung tuta na ang breed ay labrador. Ang cute kasi tapos madali pang turuan at feeling ko mabait siya.
"Bakit labrador? Kulay brown pa. Baka naman di ko yan makilala dahil baka mapagkamalan kong ikaw dahil magkakulay kayo.... hahaha?" Quota na to sakin ha
"Ikaw ba hindi mo ako titigilan sa pang-aasar?"- ako
"Joke lang namn yun best. Masyado ka talagang pikon" at pinisil pa niya ang pisngi ko
"Bakit ba lagi mong pinagtitripan ang pisngi ko? Meron ka namang sariling pisngi ah" sabi ko . syempre nakakainis na lagi na lang pinisil ang sakit sakit kaya