Chapter 1: How I Met His Soul
No power. No internet. No available book. No delicious food. No life at all. Haaaay! Humiga ako sa malambot kong kama at sinubukang matulog na lang kaso wa epek. Bumangon ulit ako.
"Kainis! Kung alam ko lang na mawawalan pala ng power edi sana sumama nalang ako kela mama" bulong ko sa sarili. Kinuha ko ang cellphone at tumayo. Gagala na lang ako. Nagpalit ako sandali ng damit. Simpleng t-shirt at skater's skirt na may cycling sa loob ang isinuot ko. Kumuha rin ako ng cap sa mga collection ko at isinuot.
Habang bumababa sa hagdanan ay tinawagan ko ang bestfriend slash pinsan ko. Naka dalawang ring palang sinagot na niya.
"Yes. Hello! Anong maipaglilingkod ng magandang zi akow?" napairap ako sa naging bungad nya. Ang kapal talaga.
"Naku Milan, tigil-tigilan mo ako. Pupunta ko dyan sa inyo, ipaghanda mo ko ng masarap na pagkain"
"Ayos ka rin bestfriend ah, sige hintayin kita" tinapos ko agad ang tawag. Maaasahan talaga yung si Milan.
Kinuha ko muna ang susi ng bahay bago lumabas. Sinigurado kong naka-lock ang mga pinto. Sunod akong pumunta sa garahe kung nasaan ang bike ko at kinuha iyon. Bukod kay Milan ito ang isa ko pang bestfriend, lagi kaming magkasama sa paglalakbay.
"Gagala tayo ngayon, Bikey" tinapik tapik ko pa ang upuan.
---
Nagpreno ako sa tapat ng gate ng bahay nila Milan. Bumaba ako sa bike para mag door bell, ilang sandali lang naramdaman ko na rin ang pagbubukas nya.
"Ven!" bigkas nya sa pangalan ko. Nagpantig ang tenga ko sa tinis ng boses nya.
"Hay, ang ingay mo talaga, minsan nga subukan mong tapalan ng tape yang bibig mo at mag aral ka nalang ng sign language. Makakatulong ka pa sa ekonomiya ng buhay ko"
"Gagu to. Harsh mo ah. Hindi kita papasukin sa loob eh!"
"Hala sige. Parang kaya mo naman akong ipagtabuyan. Tara na nga sa loob"
"Bahay nya talaga oh" sarcastic na sabi nya. Hindi ko sya pinansin. Dumiretso ako sa gilid para doon i-stand ang bike ko.
Matapos iyon ay sumunod ako kay Milan sa loob ng bahay nila. Naabutan ko pa ang kuya Lucca nya sa sala na halatang hindi naramdaman ang presensya ko sa sobrang abala nya sa ginagawa. Nakaisip tuloy ako ng kalokohan.
Dahan-dahan akong pumunta sa may likod ng sofa na sinasandalan nya, bumwelo ako ng kaonti at---
"KUYA LUCCA!"
"AY PUTANG INA GWAPO MO LUCCA!" napatayo pa sya at nabitawan ang cellphone na hawak nya kanina sa sobrang gulat habang ako ay tawang tawa sa naging reaksyon nya. Bagay talaga silang magkapatid ni Milan.
"Ven! Bakit ka naman nanggugulat?" tanong nya sa akin. Nakahawak pa sya may dibdib nya.
"Hindi naman kita ginulat ah? Nag hi lang ako e ikaw masyadong busy dyan" sagot ko. Umupo ako sa tabi nya. Walang poise kong kinain ang cookies na nasa table. "Ano bang ginagawa mo dyan sa cellphone mo?"
"Wala kang paki. Umalis ka nga dyan, pati pagkain ko uubusin mo pa. Kadarating mo lang, gigil mo na si ako!" aniya sabay agaw sa lalagyanan ng cookies.
Ang damot ng kumag na to. Akala naman nyang ikakagwapo nya iyon. "Mabulunan ka sana!"
Gaya ng gusto nya, tumayo ako upang puntahan si Milan sa kusina. Sabi ko kasi sa kanya ipaghanda nya ako ng masarap na pagkain, alam ko na agad kung ano iyon. Masyado talagang masunurin tong pinsan ko kaya mahal na mahal ko e.
BINABASA MO ANG
Where's Elliot?
Fantasy"I will find your body to fill your lost soul. But just when I thought I found it at last, you will be gone... ...Where are you, Elliot?" ©2017