Chapter 1
JUNE 17, 20**
Ako nga pala si Jean Geraldine Amerigo. 18 years old, still very young but I am dying ..
Pero di pa ngayon .. wag kayong atat… my life is slowly fading away as I’m writing my story. Sa ngayon andito ako sa paboritong lugar “namin” ni Nick Ethan Laverne, the love of my life..
Unti-unti nang bumababa ang araw mula dito sa may ilog malapit sa akin. Habang tinitignan ko naman ang sarili ko sa tubig. Unti –unti nang nagbabago ang itsura ko this past few months, pero pinapakita pa rin ng tubig ang tunay kong anyo. Ako pa rin naman to di pa rin naman ako magbabago e.
Ginawa ko na anh lahat para lang sa pag-ibig, para naman mahalin din ako ni Nick. Minsan nga gusto ko nang sabihin sa kanya lahat ng mga pinaggagagawa ko para lang mahalin niya ko. Pero ayoko, hindi ko kaya.
Hindi naman ako makasarili e…
Kaya ginawa ko ang alam kong tama. Patuloy ko paring binibigay ang pagmamahal ko kay Nick kahit walang kapalit. Kahit na iwan ko pa ang mundong ito , maiiwan pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya…
Ganoon ko siya kamahal….
Ang storya ko ay nagsimula ng makilala ko ang isang Nick Ethan Laverne six years ago on this one fateful day..
Nagsimula ito noong……
OCTOBER 31, 20**
“hoy bumalik ka dito!! Walang kwenta kang bata ka!!”
tinakpan ko ng kamay ko ang mga tenga ko. Yung tumatawag sakin madrasta ko yun. Yung boses niya parang kayang pumatay ng tao kaya ayokong magpakita sa kaniya.
Masyado na niya kong nasaktan at nasampal. Natatakot ako baka di ko na kayanin ang mga pinaggagagawa niya sakin kaya nagtako nalang ako sa aparador ko.
Sumilip ako sa kawang nito at nakita ko ang galit na mukha ng madrasta ko habang hawak niya ang isang malapad na pat-pat na sobrang kinatatakutan ko. Napapikit nalang ako habang iniisip ko ang maaaring mangyari pag dumapo na sa akin ang dulo ng pat-pat na yun.
13 years old palang ako at maraming nagsasabi na malas na numero daw yun.
Siguro nga tama sila…
Namatay si mama nung mag te-ten year old pa lamang ako.
_FLASHBACK_
Bago siya mamatay…
“anak, alam mo ikaw ang pianaka magandang bata sa buong mundo at alam mo proud na proud ako na ako ang naging mama mo”
“ma wag mo naming sabihin yan di ka pa naman mamamatay diba? Di mo pa ko iiwan diba ma.”*sobs*
“anak kahit mamatay man ako,, maiiwan parin naman dito ang magagandang ala-ala kolalu na ang pagmamahal ko sayo. Wag mo sana yung kakalimutan hah..
Mahal na mahal kita anak…………”
“MAAAAMAAAAAA huhu mahal na mahal din kita..”*sobs*
_END OF FLASHBACK_
“ma kung mahal mo talaga ako bat mo ko iniwan?”*crying*
Nang mag-13 na ko ikinasal ulit si papa kay Tita Cynthia, na naging stepmom ko. Isa siyang cold-hearted na tao at lagi niya ko sinasaktan. Pati mga natitira kong dangal at pagkatao ay tuluyan nang naglaho….
Simula nang nakilala ko siya.. tumira na ko sa isang bangungot…
Nang biglang dahan-dahang nagbukas ang aparador na tinataguan ko
“andyan ka lang naman palang bata ka!” inumpisahan niya na kong muramurahin habang hinihila ako palabas ng aparador at itinulak niya ko sa sahig. Bigla na akung nanginig tahil alam ko na kung ano ang susunod niyang gagawin..
“PAK..PAK..PAK”
Umiyak ako ng umiyak sa sobrang sakit na nararamdaman ko….
kahit na alam ko na wala naming makakarinig sakin.
Unti-unti na kong nahihirapang huminga. At kumikirot na rin ang dibdib ko. Hindi na ko makahinga.
“Ayan ka na naman! Alam mo ba kung magkano na ang nagagastos ng tatay mo nang dahil dyan sa lintik na sakit mo?
Nang dahil sayo kaya tayo naghihirap ngayon. ”