Chapter 5: 360° kick

25 1 0
                                    

CHAPTER 5

Pumasok na ako sa loob ng bahay habang iniwan ko naman siya dun.

Kumuha naman ako ng mga natirang gulay mula sa ulam naming kanina.

Nang mainabot ko na sa kanya ang pagkain, hanep wala pang isang minute ubos na .

Maya-maya pa’y…….

“Bburrp..” di ko na napigilang humagikgik sa ginawa niya.hahaha

“ah..hehe,, sorry.”

“ah hindi ok lang yun.” Nga pala kanina pa kami nag-uusap di ko pa to kilala. Matanung nga.

“uhhmm… ano nga palang pangalan mo?” sumulyap lang siya sakin at tumingin na sa baba.

Parang nagdadalwang isip pa siya kung sasabihin niya kung anong pangalan niya.

“Sige ok lang lang sakin. Di mo naman kailangang sabihin yung pangalan mo” ang mga salitang yun ang gumulat sa kanya.

“Hindi naman sa ganun!” sigaw niya na siya namang ikinagulat ko rin.

“Sorry, sana maintindihan mo.” Binabaan niya naman yung boses niya. Kaya tumango nalang ako , ang gulo naman kasi niya e.

‘mukha naman siyang mapagkakatiwalaan at ang bait niya gusto ko rin siyang maging kaibigan’(Nick thought)

“Ako nga pala si Nick Ethan Laverne, ikaw anung pangalan mo?”

“Ako naman si Jean Geraldine Amerigo, Ginger  na lang para mas medaling tandaan.” Sabay ngiti.

*bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Nick nang ngitian siya ni Ginger. Kaya umiwa nalang siya nang tingin para di mahalata ni Ginger na namumula na siya*

“so,, uh,, ilang taon ka na.”tanong niya.

“umm. 13”sagot ko.

“ikaw ba Nickiiee?”

“ah,,15” nakangiti naman siya habang nakatingin sakin.

“15?” 15 na pala siya. Tinanguan niya lang ako.

“so nasaan nga pala ang mga parents mo kuya? Napaka bata mo pa para mamuhay sa lansangan.”

“kaya ko naman ang sarili ko e.”  at binigyan ko siya ng weh-di-nga-look.

“ok lang naman din ako” sabi niya.

“May pamilya pa naman ako. Kaso lang marami kasing problema sa bahay kaya magpapahupa muna ako ng konti bago umuwi.”

‘so naglayas pala siya’ pero kahit ganun masasabi ko na mabait na tao parin si Nick.

“may matutulugan ka ba ngayong gabi?” umiling naman siya.

“Gusto mo dun ka nalang muna sa kwarto ko magpalipas ng gabi. “ alok ko naman sa kanya.

*di naman siya makapaniwala sa sinabi ni Mina*

‘totoo ba to, papatulugin niya ko sa kanila. Ang bait niya naman’(Nick thought)

“Nick?” tanong ko naman. “ok ka lang ba?” tumango lang siya.

“Kuya,tinatanong ko kung gusto mong dun muna sa kwarto ko magpalipas ng gabi?”

*na-touch naman si Nick sa ginawa ni Ginger, simula pa noon wala pang nag-alala para sa kanya. Pero ayaw niya namang magkautang naloob dito.*

“hindi na ,, salamat nalang.” Ah tinignan ko siya ng may malulungkot na mata..

“Bili na kuya? Takot kasi ako sa madidilim e.” nginitian niya lang ako nun.

Sana naman di niya mahalata na niloloko ko lang siya para mapapayag siya. Nakaka-awa naman kasi e sa kalsada pa siya matutulog.

‘ang bait niya talaga nayon lang may nag-alala para sakin’(Nick thought)

“sige na nga Ginger, pagbibigyan na  kita pero ngayong gabi lang ah” yes napapayag ko na rin siya yehei.

“okay. J”

Dahan-dahan kaming naglakad ni Nick papasok ng kwarto ko . Medyo maliit lang yung kwarto ko, buti nalang malayo ito sa kwarto nila papa kaya di nila malalaman.

Inalok ko na sa kanya ang kama at ako na sa sahig. ‘napaka ungentleman dba’haha pero yaan mo na minsan lang naman.

Ano ba to bat kailangan pang maging matigas at malamig tong sahig ..haizzt

*tumingin si Nick kay Ginger at bigla siyang binuhan nito *

“Kuya? Anung ginagawa mo?”

“Nagtitiwala ka bas akin?” tanong niya. Kaya tumango nalang ako.

“Good.”sabi niya. “Medyo maliit tong kama, pero kasya naman tayong dalawa.”

Nanglaki ang mata ko sa mga sinabi niya. Pero kakasabi ko lang na pinagkakatiwalaan ko siya diba. Bat ko pa kasi sinabi yun e.

kaya no choice na ko kundi tumabi sa kanya. Kaya natulog kami ng magkatalikod sa isa’t-isa. Grabeh kinakabahan ako, di ata ako makakatulog nito.

Napabalikwas ako kaya nasilayan ko ang mukha niya. Nakatulog agad siya, napakainosente ng mukha niya habang natutulog parang anghel.

Sinong mag-aakala na para siyang demonyo pag gising hahaha...

Ilang oras pa ang nakalipas at mga 3:oo am na di pa rin ako dinadapuan ng antok. Nang biglang may nangyari. Biglang nagsagawa lang naman si Nick ng 360 degree kick at....

“Oouchyy…” tinakpan ko nalang ang bibig ko para walang makarinig sakin. Pero ang sakit talaga.

Malaglag ka ba naman. Tumayo ako para bumalik sa pagtulog . Akala ko pa naman pinagtitripan niya lang ako kasi nakangiti pa siya pero ang himbing ng tulog niya.

Nagulat nalang ako ng biglang…

Hinila niya ko para yakapin. Grabe nakaka-tense to ah.

Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya na tumatama sa leeg ko.... Hindi ko alam pero, kung kailan nakayakap siya sakin ng gantong kalapit,, parang nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob.

Siguro dahil narin sa panatag na ang loob ko sa kaniya kaya nag-umpisa narin akong dapuan ng antok….

What I Did For Love [UPDATED] --> Chapter 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon