CHAPTER 2
Meron akong sakit kung saan unti unti akong nahihirapan huminga hanggang sa tuluyan na ngang maubusan ako ng hangin.
Naliligtas lang ako sa pamamagitan ng pagbibigay sakin ng doctor ng mga respirator at pills, pero di sila nakakasigurado kung hanggang kailan ako tatagal.
Biglang pumasok si papa sa loob ng kuwarto kung nasaan ako at halata naman sa kaniyang mga mata na nahihirapan na siya ng dahil sakin.
Hinawakan niya ang kamay ni Mama Cynthia…
“Sa tingin ko naman nadala na siya. Ayaw mo rin naman siguro na atakihin ulit siya. Kumalma ka lang, tayo na nga’t maghapunan” sinabi niya yon ng kalmado.
“Kaya ko nga siya pinapalo e!!! bulyaw ni Mama Cynthia
Because she got detention kinailangan niya pang magtagal sa school, sahalip na nakauwi na siya dito para magluto ng hapunan . Napakademonyo niyang anak mo, gusto niya ata tayong patayin sa gutom e.!!”
“Hindi po ako nakakuha ng detention. Gusto lang pag-usapan ng teacher naming ang tungkol sa….” Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla na naman akong hatawin ng pat-pat ni Mama Cynthia.
Humikbi nalang ako habang nakatingin sa malayo, wala na rin naman akong karapatan e.
“Tama na yan, baka lalo tayong di makapaghapunan kung di pa kayo titigil, anak magsorry ka sa Mama Cynthia mo”sabi ni papa sakin
“Sorry po mama di ko na po uulitin patawarin niyo po ko” kahit mahirap para sakin na sabihin yon wala na rin naman akong magagawa, mas lalo lang akong magmumukang masama sa mata ni papa pag di ko yon ginawa.
“O eto” inabot sakin ni papa ang pera. “bumili ka ng sangkap ng sinigang para sa hapunan natin.”
Pagkasabi niya noon ay dali-dali kong kinuha ang pera at nagtungo sa tindahan.
Napailing na lamang si Mang George habang papasok ako sa tindahan niya. Dahil alam niya lahat ng pinagdadaanan ko. Pagkatapos ko mamili pumunta ako sa kanya para magbayad.
“bale P 80 lang lahat-lahat”sabi ni Mang George
“ANO PO!!!” tanung ko. “umm… Mang George imposible naman po yun. Sa lahat-lahat ng ito sa tingin ko aabot to ng P 200 e.”
“alam ko Ginger” sabay ngiti ni Mang George sa akin.
“sa totoo lang P 180 lahat yan. Itago mo nalang yung sukli, para magkaipon ka” napanganga ko sa sobrang gulat.
“Mang George..hindi ko po yun magagawa,”habang inaabot ko sa kanya ang P180. Pero yung P80 lang ang kinuha niya.
“hindi na itago mo na yang sukli, alam ko naming hindi ka binibigyan ng madrasta mo nang pera,mas kailangan mo yan.” habang nakatingin ako kay Mang George di ko na napigilang maluha. Naging siya na ang kaibigan ko tuwing naghihirap ako. Nagpasalamat ako sa kanya at saka umuwi.
Habang papauwi ako nagdesisyon nalang akong dumaan sa shortcut kahit medyo madilim at masukal dun. Habang naglalakad ako sa iskinita bigla nalang may humatak sa kamay ko.
Bigla na lamang akong natumba habang nakatingin ako sa anino niya at doon nagsimula na kong magsisigaw..
“AAAAAAHHHHH…….hhmmpp” tinakpan niya ang bibig ko at sinabing..
“manahimik ka nga diyan. Kung hindi papatayin kita!!” at biglang napatigila ko sa pagsigaw.
Siyempre ayoko pang mamatay noh. At dahil na rin sa liwanag nang buwan nakita ko ang guwapong mukha ng aking attaker.
Isa siyang batang lalaki na mukhang mas matanda lang sakin ng ilang taon. Ang damit at mukha niya ay sobrang dungis, pero kahit ganon masasabi kong maitsura siya.
ay teka lang di naman to ang tamang panahon para isipin ko yun noh… haizzt bura bura bura….
Tinutok niya ang kutsilyo sa leeg ko at sinabing
“ibigay mo lahat ng pera mo sakin kundi papatayin kita.” Nataranta ako pero alam ko naman ang gagawin.
Sa wakas magagamit ko na rin ang move na to na matagal ko nang gusting gamitin sa madrasta ko sa tuwing binubugbog niya ko.
Sinipa ko siya ng sobrang lakas, sa alam niyo na yung kahinaan nila.
Bigla siyang natumba at nabitawan ang kutsilyo. At dahil dun kinuha ko ang dala kong plastic at nagtatatakbo.
Sa tingin ko pede niyo na kong bansagang pinaka banggag na tao sa mundo, wala na kayong magagawa ganun akong kadesperadang makatakas noh.
Pero napaisip din ako na baka sa sobrang lakas ng pagkaka sipa ko e matuluyan na yon cute pa naman.
Anu ba yan nakalimutan ko impyerno na nga pala tong buhay ko, ayoko namang maranasan niya rin yun. Kaya naisipan kong balikan siya.
Nang makabalik ako, nakita ko parin siyang nakahiga dun. Dahan dahan ko siyang binuhat patayo.
“ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya agad.
“sorry..” sabi ko. Kinapa ko naman ang bulsa ko para kuhanin ang pera na binigay ni Mang George sa akin.
“kung kailangan mi ng pera, o eto” sabay abot ng pera. “pasensya ka na konti lang yan”
Nakatingin lang siya sakin ng may weird expression na di ko mabasa. Pagkatapos nun kinuha ko na ang mga pinamili ko at tuluyan nang umalis ng hindi siya nililingon. Pero masasabi kong nakatingin parin siya sakin habang paalis ako…
Asaness….