Chapter Two (The Real One)

27 3 0
                                    

Memories

"Oo nga pala, may tanong ako!"

"Ako din, Bakit ang dami mong tanong?"

"Last na promise! Ngayon ko lang kasi napansin iyon ei, nac-curious lang ako."

"Oo na, ano ba iyong tanong mo?"

Ano ba itong naririnig kong usapan? Bakit...kamukha ko ang babaeng iyon? Sino ang mga taong Ito?

"Napansin ko kasi yung kwintas nina ...... at ..... ei umiilaw pero nuong tiningnan ko yung sayo, hindi ito umilaw katulad ng sa kanila?"

" Wala kasi akong loxe ?

"Loxe?"

"Besides from being a spirit, were also destined to be a slave of megami's chosen loxe."

"Slave talaga?"

"Hmm? Paglilingkuran kasi namin ang napiling loxe, lahat gagawin namin bukod na lamang sa mga ipinagbabawal saaming mga spirits."

Nasaan ba ako? Bakit hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking kinakausap ng babaeng kamukha ko...?

"Kung wala ka pang loxe, bakit may necklace ka na? Atsaka diba may nakatakdang necklace ang slave at ang loxe. Ibig sabihin parang couple necklace ganun? HAHAHAHA!"

"May loxe na ako."

"Talaga?! Sino?"

"Tiara, Gusto mo bang maging loxe?"

Bakit ganun? Bakit ako na ang kausap ng lalaking ito? Nasaan na iyong babae kanina?

"Tiara, Gusto mo bang maging loxe?"

Inulit ng lalaki ang sinabi niya, ngunit nagtaka ako kung bakit alam niya ang pangalan ko?. Dahan-dahang lumapit saakin ang lalaki atsaka ako tinitigan ng diretso sa mata.

"Tiara"

"Tiara!"

"Tiara!!"

Palakas ng palakas ang boses niya pero kasabay nun ay palayo rin siya ng palayo. Pilit kong inabot ang kamay niya at ganun din naman siya,  Hindi ko alam kung bakit pamilyar saakin ang kanyang boses per---

****

"Tiara!!!"

Nagising ako sa isang malakas na sigaw ng pangalan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid nang mabaling ang tingin ko sa ate ko.

SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon