Chapter Two (Part II)

25 2 1
                                    

Magical Party of Spirits

******
"Seriously saree palagi ka na lang wrong timing" inis na sigaw ni ate Tara kay Saree

"Hihi I'm so excited! Thank you sa pagsama ate Katara" ngiting ngiting pagkakasabi ni saree na  parang walang narinig.

"Anong pumayag? Napilitan lang ako! Imbes na makakapag-beauty rest na ako ngayon nandito ako simasamahan kayo papunta sa madilim na gubat!"

"Wag mo ako idamay napilitan lang din ako" Pagtatama ko baka masali ako sa inis ni ate ei iba pa naman magalit ito nagiging bruha hahaha

"Ihhh nakaka-curious kasi iyong sinabi ni lolo ei. Kada gabi ang mga spirits sa gubat ay nagkakaroon ng isang selebrasyon. Iilan lamang ang mga taong nakakita na nun nang kanilang dalawang mata, at alam niyo ba na lahat daw ng nakakita at nakapunta sa nasabing party ay yumaman" mahaba na pagkwe-kwento ni saree. Halata sa mukha niya na gustong-gusto niya iyon makita. Yaman na yaman ka na ba talaga ghorl?

"Sabihin na nating totoo nga iyon sa tingin mo ba spirits lang ang nasa gubat?. May mababangis na hayop din diyan malay mo nga may mga mamamatay taong nagtatago sa malalaking mga puno naghihintay lang ng mabibiktima?!" Akala ko tapos na siya magsalita pero meron pa pala.

"Sobrang magical man niyang sinasabi mong party nasa realidad parin tayo saree. Delikado nang pumunta sa gubat lalo na't gabi na at lahat tayo babae." Mahaba pero may punto lahat ng sinabi ni ate. Tumango ako at tiningnan ang mukha ni saree nagbabakasakaling baka natauhan na ito pero laking dismaya ko ng makitang bakas parin sa mukha niya ang pagkadesididong makita ang magical party ng mga spirits.

"Sige na ate Katara ituloy na natin. Malapit na tayo sa pasukan ng gubat atsaka....ayaw mo bang yumaman?" Desperada nang tugon ni Saree

Binatukan naman siya ni ate Tara. Medyo nawala yung tensyon sa paligid dahil sa ginawa niyang iyon.

"Mayaman na ako duh" sagot ni ate sabay irap

"Talaga ba? Sila tito at tita ang mayaman noh hindi ikaw!"

" Hayss sige na nga basta kapag may narinig akong sumitsit iiwanan ko kayo ah!" Ito ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang sumama. Takot kasi si ate Tara sa multo hahaha. Nagsimula iyon ng maglaro kami ng tagu-taguan sa likod ng eskwelahan namin kung nasaan ang TLE at HE building. Storytime muna tayo guys ah pampahaba lang.

Maraming puno sa parteng iyon ng eskwelahan about sa pagtatanim at agrikultura ang pinagaaralan sa subject na iyon ei. One time naisipan namin magtagu-taguan. Hayss tagu-taguan maganda nga naman gawin yan sa likod ng eskwelahan ninyo kung saan maraming puno at malapit na magala sais. Ako ang taya non tho marami naman kaming kalaro halos lahat sila ay nagsama sama sa isang taguan dahil sa takot. Una ko munang hinanap si ate Tara dahil nakita ko kung saan banda siya tumakbo nung sumilip ako kaso papunta palang ako duon ng nakita kong siya na ang mismong lumalapit saakin. Hingal na hingal siya nun at nung tiningnan ko ang mukha niya ay namumutla siya. Sabi niya may sumitsit daw sakanya galing dun sa napakalaking puno katabi ng H.E room namin at sabi-sabi duon may nakatirang tikbalang duon sa malaking puno. Isa pang kwento ay may nakatira daw na kuba di kalayuan sa TLE at HE building. Pinuntahan namin iyon at hinanap kung may tao kasi baka pinagti-tripan lang siya pero wala kaming nakita. Simula nun natakot na siya sa multo at pati tikbalang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon