My Unexpected Love (10)

63 2 3
                                    

Chapter 10: Twist

Gerzy's POV

"Ba't 'di ka makatingin sa mga mata ko? Totoo ba o niloloko mo lang ako?"

"Hindi. Gusto nga kita! Bakit ayaw mo maniwala? Gusto kita Xander at wala na akong dapat na patunayan pa kung bakit ikaw ang napili ng puso ko. Please tell me that you like me." sagot ko ng tuloy-tuloy habang nakayuko pa rin. I want to prove na hindi ako nagsisinungaling, pero nasasaktan pa rin ako dahil kasinungalingan pa rin ang pinagsasabi ko sa kanya.

"Gerzy, tumingin ka sa'kin at sabihin mo na gusto mo ako. Gusto kong makita ang mga mata mo, please"

Dahan-dahan kong tinaas ang aking ulo. Shaks, 'di ko talaga kayang titigan siya sa mata. Nakakahiya na itong ginagawa ko.

"Ah... eh.. ano.. I-I l--"

"Gerzy, anong ginawa mo? Ba't ka ganyan? Ba't mo sinasabi na gusto mo si Xander kahit 'di naman totoo? Huwag kang ganyan."

Bigla na lang akong nagulat nung biglang nagsalita si Miko. Oo, naririnig ko pa rin siya kahit na hindi ko siya nakikita.

"Gerzy, hindi tinuturuan ang puso na magmahal. Hindi pinipilit ang puso na magmahal. Kusa yan, kusang tumitibok yan sa tamang tao na magmamahal sa'yo na habambuhay. Hindi lang simpleng salita ang salitang "I love you". Ang salitang 'yon ay mahiwaga at it is the most powerful word in the whole world."

Bigla na lang may tumulong luha sa mata ko. Nakaka-guilty ang mga ginawa ko. Nagsinungaling ako, pero hindi mo alam na ginawa ko lahat ng yun para sa'yo Miko.

Bigla na lang hinigpitan ni Xander ang hawak niya sa kamay ko. Hindi ko naman napigilan ang mga luhang umaagos sa aking pisngi.

"Sorry Xander. I'm so sorry."

"Bakit? Bakit ka umiiyak? Huwag kang ganyan! May ginawa ba ako?"

"Sorry Xander, I don't like you. Ginawa ko lang yan para sa isang taong naging bahagi ng buhay ko. Ginawa ko lang 'yun dahil kay Miko, dahil sa Guardian Spirit ko. Sorry talaga Xander."

Hinila ako ni Xander papalapit sa kanya at naramdaman kung binalot niya ako ng mga kamay niya. Mas lalo akong naiyak at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Alam ko Gerzy. Alam ko na hindi ako ang tinitibok ng puso mo. Wala ka ng dapat pang ipaliwanag. Alam ko ang lahat. Alam ko na may guardian spirit ka. Alam ko na ako daw ang special someone mo. Alam ko na lahat mula pa sa umpisa. May guardian spirit din ako, si Ate Mika. Nagulat nga ako nung sinabi niya yung tungkol sa misyon niya. Sinabi niya sa'kin na kailangan daw kitang hanapin dahil kailangan mo ako. Nung una ayaw ko pero nang nakita kita... bigla na lang nagbago ang isip ko," huminga muna siya ng malalim at bumitaw na siya sa pagyakap sa'kin. Tinaas niya muna ang ulo ko tsaka niya hinawakan ang pisngi ko. "Nagbago ang isip ko dahil bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. Sabi nila, kapag inlove ka... tumitigil ang mundo mo, at bumibilis ang tibok ng puso mo. Tama nga sila, nakaramdam ako nun nung nakita kita."

Hindi ako nakapagsalita. Umaagos pa rin ang mga luha sa pisngi ko. Nabigla ako sa mga sinabi niya. Alam niya lahat.

"Xander, I--"

"Gerzy, mahal kita. Mahal na mahal kita. Kahit na hindi mo ako gusto, ayos lang. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako. Sana ako na lang no. Sana ako lang ang minahal mo. Kung ako sana ang tinitibok ng puso mo, hindi ka magsisi na ako ang napili mo."

Hinalikan niya ako sa noo tsaka tinitigan niya ulit ako. Kinuha niya ang salamin ko at pinunasan niya ang mga luhang umaagos sa pisngi ko. Tsaka hinawakan niya ang kamay ko.

Sana nga ikaw na lang, Xander. Ang bagal mo naman kasing dumating sa buhay ko.

"Gerzy, paalam na ha. Tapos na ang kwento nating dalawa. Kumbaga 'The End' na natin at 'Once Upon A Time' niyo na ni Xander. Huwag kang mag-alala, nandiyan naman si Xander na magmamahal sa'yo at makakalimutan mo rin ako. Tandaan mo, hindi tinuturuan magmahal ang puso kaya 'wag mong turuan ang puso mo na mahalin siya. Ako nga hindi ko tinuruan ang puso ko na mahalin kita. Kusa yung tumibok sa'yo. Napaka-unexpected nga, e. Mahal kita Gerzy. Ingat ka ha."

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon