My Unexpected Love (9)

58 2 4
                                    

Chapter 9: Wait, What?

Miko's POV:

Ang sakit naman ng mga binitawang salita ni Gerzy. Parang gumuho ang mundo ko at kinain ako ng lupa dahil sa mga sinabi niya. Masakit marinig ang mga salitang 'yun mula sa taong mahal mo. Gusto ko sanang sabihin niya na 'I like you o I love you'. Sabi nila, actions speak louder than words.

"Hindi ko siya gusto no! Hindi ko gusto si Miko!"

Wala na siguro akong pag-asa kay Gerzy, kaibigan lang talaga ang turing niya sa'kin. Hindi na dapat akong umasa na mahalin niya pa ako pabalik. Wala na eh. Hindi niya na nga ako gusto, mamahalin niya pa ako? Hindi naman talaga kami pwede. Tao siya, guardian spirit naman ako. Hindi kami pwedeng magsama. Meron na siyang Xander. Wala ng lugar sa puso niya para sa isang katulad ko. Kailangan ko lang tapusin ang misyon na 'to at makakalimutan niya ako.

***

Gerzy's POV

"Miko naman eh! Ayaw ko sa kanya! Siya si Menopause guy na yun! Ajujuju! Bakit siya pa? Pwede bang ikaw na lang? Mahal kita Miko."

Wait, what? Anong sabi ko? Biglaang confession ba kamo? Shaks! Patay ako nito? Narinig niya ba? Anu ka ba Gerzy! Baliw ka? Addict ka ba? Naka-shabu ka ba? Anong nakain mo?

"Ah..eh..ih..oh..uh..Miko? Hindi yun ano..yung ano--"

"Isa pa pogi! Ang pogi mo talaga! Selfie..one..two..three!"

"Waaaahhhh! Girl, pogi niya! DP ko 'to! Shaks! Oh my gosh!"

Wait, what?

Napatingin ako kay Miko. May mga babaeng nakahawak sa braso niya habang nakangiti. Para silang mga linta-slash-hipon-slash-crazy fangirls ni Miko ko. Lang'ya this! Lumayo kayo sa kanya!

Kinuha ni Miko ang mga kamay ng mga babaeng baliw sa braso niya at sinulyapan niya ako.

Shaks, baka narinig niya!

"Wait, isa-isa lang mga girls!" sabi niya sa isang babae na kanina pa kumukuha ng selfie. Bigla na lang ngumiti ang dalawang babae at bigla silang napasigaw nung ngumiti si Miko. Jusko, baliw na sila!

"Miko, narinig mo ba ang sinabi ko?"

"Oo, pero hindi ko narinig lahat. Ang narinig ko lang ay---"

"Waaahhhh! Emeghed! Selfie na!" sigaw ng babae kaya hindi natuloy ang sasabihin ni Miko. Lang'ya, selfie na! Go! Kainis! Mga hipon 'to! Psh!

Napatingin ako sa dalawang babae na kumukuha ng selfie kasama si Miko. Wow, ang ganda nila. Straight na straight ang buhok ng babaeng matangkad at cute ng curls ng buhok ni girl na petite. Bigla naman akong napahawak sa buhok ko. Shaks, hindi straight dahil palagi kong tinatali. Napatingin ulit ako sa dalawang babae. Ang ganda ng damit nila, parehas silang naka-dress with matching cute hand bag. Ako? Naka-jeans at nakasuot ng t-shirt na nakalagay na, "I LOVE WATTPAD"

Bagay pala 'yung babaeng naka-pink dress at si Miko. Imposible naman na bagay kami ni Miko. Ako at isang anghel na katulad niya? Never! 'Tsaka, guardian spirit ko siya. May misyon siya na kailangan tapusin BUKAS! Tama, last day na bukas. Hahanapin ko na si Y.O.L.O guy Xander para hindi mamatay si Miko.

Kahit na mahal ko si Miko, gagawin ko lahat para matapos na ang misyon na 'to at makakauwi si Miko sa kaharian nila.

"Gerzy, okay ka lang ba?"

"Okay lang! Haha! May iniisip lang, Miko." I said, smiling kahit na sobrang nalulungkot ako dahil bukas, at exactly 12 PM, mawawala na si Miko sa buhay ko.

"Anong sabi mo kanina, Gerzy?"

"Ah, wala 'yun! Nevermind," sagot ko habang nakangiti. Hindi niya narinig! Emeghed!

My Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon