CH49: Announcement

52.1K 1.2K 47
                                    



Drake Eros' POV




Nasa condo ako ngayon.


Ilang araw rin akong maraming iniisip at tila wala sa sarili.

Oo, sobrang natamaan ako sa sinabi ng batang iyon. Si Finn. Napakabata niya pa para masabi ang ganoon pero gayon pa man ay totoo ang lahat ng sinabi niya. Ang hirap magpakita sa kanya dahil iniisip ko pa pang na totoo lahat ng sinabu niya at the fact niya mas aware pa siya sa realidad ng buhay ay parang wala na akong mukhang maihaharap sa batang iyon.



Iniisip ko rin ay si Kendra. Sa tuwing nakikita ko siya ay may nararamdaman akong kakaiba. Na para bang matagal ko na siyang kilala. At ang mga tingin niya parang bang may bineblame niya ako. Para bang may malaki akong kasalanan sa kanya kahit na wala naman.



Kahapon lang ay nakita ko si Kendra na sa party ni Devina. Ni hindi ko nga alam ni birthday pala ni Devina. Mas hindi ko inaasahan ay ang pagkakuha ni Devina sa title ni Kendra. Bakit biglang nakuha ang title niya? Alam kong pinakamayaman ang pamilya ni Devina pero si Kendra, sa palagay ko ay di lang siya basta-basta.




Haysst. Naparami kong iniisip. Sa buong linggong nagkulong lang ako ay gulong-gulo ang isip ko. Si Zavanna. Nasaktan ko nga ba siya? Pero siya ang nanakit sa akin. Pero tama si Finn. Hindi ko man lang pinakinggan ang sasabihin niya. Kung buhay pa ba siya ngayon may may magandang paliwanag ba siya sa mga picture na nakita ko? Kung pinag-isipan ko muna ang mga desisyon ko, mawawala pa kaya siya?


Oo, inaamin ko. Iniisip ko pa rin siya. Isa iyon sa mga narealize ko habang nagkulong lang ako nitong mga nakaraang araw. Dahil hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko ang mga picture na nakita ko dati.



Zavanna sabihin mo, ano ba talagang totoo?



Tumulo na ang luha ko. At this point hahayaan kong ilabas ang nararamdaman ko. Masyado kong pinapaniwala ang sarili ko na wala na nga akong pakialam sa kanya at di na ako nasasaktan.


Sa ilang taon na nanatili akong walang pakialam sa ibang tao at naging walang gana sa buhay, nawala ang emosyon at salitang pagmamahal sa isip ko.



Tinago ko maging sarili ko ang sakut na nararamdaman ko. Dala ko ang bigat na nararamdaman ko na kahit kailan sa three years na iyon ay hindi ko man lang nailabas.



Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. This time lahat ng bigat, lahat ng sakit at lahat ng pagsisisi ay nalalabas ko na.


Ngayon lang ako naging tunay na matapang na ilabas ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Ang pag-iyak para sa lalaking tulad ko ay hindi dahil sa kabaklaan dahil maging ang tunay na lalaki ay hindi natatakot na ilabas ang totoong nararamdaman niya.



Pilit ko mang kalimutan si Zavanna na halos ipangako ko na sa sarili kong di ko na babanggitin ang pangalan niya pero sa huli ay hahantong din pala ako sa puntong ito na hahanaphanapin ko siya para malaman kung ano ba ang totoo.



Tama, hanggang ngayon mahal ko pa rin siya..mahal ko pa rin siya kahit pa alam kong wala na siya..




Mahal na mahal pa rin kita Zavanna kaso alam kong wala ka na...




I'm praying for a last chance. Last chance na kung saan pwede ko siyang makausap, makayakap at mapadama ang pagmamahal ko. Kahit sandali lang sana..mapakinggan ko man lang ang panig niya..







Sa sobrang lungkot na nararamdaman ko pati na rin ang pagod sa kakaisip ng mga bagay-bagay ay nakatulog nalang ako bigla.








The Gangster HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon