May Laro Ako

9 4 11
                                    

May laro ako.
Isang tanong, isang sagot.
Bawal ang magsinungaling;
Bawal ang tumanggi
sa sariling feelings,
game?
Game.

Sex or chocolates?
Lights on, lights off?
Strawberry, orange?
Virgin ka pa ba, o hindi na?
Kung sa bagay,
mantika nalang ang virgin ngayon.
Magugulat pa ba ako sa sagot mo?

Alin sa dalawa,
ang gusto mong piliin?
Ang boring na tama?
O ang... Mali
na makakapagpapasaya?

Isip o puso?
Pamilya o barkada?
Assignments o Dota?
Edukasyon o jowa?
Facebook o pagsimba?
Kinabukasan o... Droga?
Sagot!
Hoy! Sagot!

Hoy! Bata! Bad ka ah!
Bakit mas pinili mo ang mali?
Ah. Well, masarap daw kasi ang mga bawal...
Kaya nga daw ipinagbabawal eh!
Kasi masarap!

Pumili ka sa dalawa.
God or Satan?
Ay, kahit na konti,
may kabaitan pa rin naman pala
'tong nagbabasa.

Pero, diba?
Sinabi mong si Papa Jesus
ang pipiliin mo?
Bakit mas pinili mong gawin
ang mga masasama?

Oops.
You cannot serve two masters!
Di pwedeng mamangka ka
sa dalawang rivers;
Bawal ang mga two-timers!

So, pinapalabas mong...
Sinungaling ka?
Mga bata nga naman ngayon, oh.
Nako.
Mga hipokrita.
Ang layo ng sinasabi sa ginagawa.

At, oo nga pala.
May nanalo na.
Alam mo kung sino?
Ikaw.
Kasi kahit na alam mong mali ang ginagawa,
at least, alam mong sasaya ka;
Kaya mong harapin ang mga parusa,
makuha lang ang
bagay na gustong matamasa.

Kumpara sa mga nagbabait-baitan,
tama nga, malungkot naman.
Ang tunay kasi na panalo dito,
ay 'yong may kasiyahan
sa nagawang kamalian.
Panalo dito
ang mga taong nagkamali
pero, sa huli, nakangiti.

Shyne_Saran
10202017
8:57 p.m.

Play With Words IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon