"You did not choose me, but I choose you"
'Hindi ko man pinili ang panginoon, pero patuloy ko pa rin siyang paglilingkuran.'
(Omar P.O.V)
Palabas na ako sa classroom, nang mahagip ng mga mata ko ang tahimik na harden. Palakad na ako nang langhapin ko ang sariwang hangin, Tahimik lang kaya magandang pag tambayan. Palapit na sana ako sa malaking puno ng may marinig ako, na dahilan para mapahinto ako sa kinaroroonan ko. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko na kasabay ng pag ihip ng hangin.
"Pasensya na
kung papatulugin na muna
ang pusong napagodkahihintay
Kaya sa natitirang
segundong kayakap ka
maari bang magkunwaring
akin ka paMangangarap hanggang
Sa pagbalik
Mangangarap pa rin
Kahit masakit"
-------Kay sarap pakinggan, pakiramdam ko tuloy nasa langit na ako. Isang anghel na bumaba sa lupa para handugan ako ng isang kanta. Dumilat ako, dahil bahagya siyang tumigil. Kita kong nagulat siya sa presensiya ko, pareho kaming nagulat at nag iwas ng tingin sa isa't- isa.
"Ah-ah, a-alis na ako" patalikod na sana ako nang mag salita siya.
"Narinig mo?" Tanong niya
Biglang tumaas lahat ng dugo ko, nanginginig ako, ewan, basta kinakabahan ako.....babae lang siya kaya omar! Umayos ka!, humarap ako at.
"Oo." Maangas kong sagot "Bakit?" Dagdag tanong ko, rinig kong bumulong siya pero hindi ko narinig.
"Ahm, ngayong lang kita nakita dito ?" Tanong sagot niya.
Maganda siya, ang inosenteng itsura niya. Yung malaki niyang mata na kulay brown , yung maliit niyang ilong na bumagay sa maliit niyang mukha. Yung pink na maliit niyang labi na masarap----- ani ba omar! Umayos ka!
"Ah, oo omar pangalan ko" wala sa katinuan kong sagot.
"Ah? Di ko naman tinatanong kung anong pangalan mo ?!" May pagka sarkastiko niya sabi.
Ah? Ano nga bang tanong niya?, Ewan, omar, focus!, wag kang matempt sa itsura niya. Maganda naman talaga siya eh-----Ugh! Ano ba! Umayos ka!.
"Ano nga bang tanong mo?" Tugon ko
"Once is enough" bulong niya pero dinig ko parin.
"Tss!" Bored kong sagot.
"Sabi ko ngayon lang kita nakita dito!"
"Transferee lang ako dito, obvious ba" bored kong tugon.
"Anyway, I'm mace----" putol niya ng tumalikod ako at umalis. Ewan ko, basta ang alam ko lang di ko na kaya. Ang bilis ng pintig ng puso ko, pakiramdam ko mamamatay na ako.
Nice to meet you na lang sa unang taong nag patibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
SANA MAULIT MULI
Fanfic"LIFE IS SHORT, DEATH IS SURE HEAVEN AND HELL IS REAL" -Everybody deserves to die, life is not permanent. Sa ayaw at sa gusto mo lahat tayo mamamatay, maraming tanong ang gumu-gulo sa utak natin. Kung paano nga ba tayo mamamatay, kung kailan? Saan...