"My Savior (CocoJul Fic)"

509 6 3
                                    

CHAPTER 1

Araw ng Enrollment. Si Angela ay maagang umalis ng kanilang bahay. Pupunta siya sa School para Magbayad ng tuition fee para sa darating na pasukan. Pagkarating niya sa school natanaw na niya ang mahabang pila sa cashier.

Angela: (nasa isip) grabe! Ang haba naman ng pila. I’m sure aabutin ako ng tanghali dito.

Nagpatuloy sa paglalakad si angela hanggang sa marating niya ang huling pila. Before siya pumila ay kumuha muna siya ng number. Pang- 97 siya sa pila. At sa sobrang tagal niya sa pilang iyon ay naisipan niya munang makinig ng music sa kanyang mp4. Rock song ang pinapakinggan niya, dahil kung love song ito ay baka makatulog na siya. Maya-maya ay may kumalabit sa kanaya.

Misty: hi miss. Pwedeng magtanong?

Angela: hi too. Yeah! Ano ba itatanong mo?

Misty: dito ba ang pila para sa mga mage-enrol? I mean dito ba magbabayad para sa tuition?

Angela: oo. Dito nga.

Misty: I see. By the way, my name is Misty. And you are..?

Angela: Angela. Angela Cruz. Angel for short.

Misty:  I see. Nice name. from now on friends na tayo. It is ok to you?

Ngiti lamang ang isinagot ni angela. At nginitian din siya ni misty. After ng kanilang mga conversations ay nakinig na ulit siya ng music. Nakikiramdam na lang siya sa kanyang katabi. Feeling niya ay magkakasundo sila nito. Friendly naman ito, kahit may pagka madaldal. Pinagmamasdan ni angela na nakikipag halubilo din si misty sa mga taong napila.

 Naiinip na si angela. Isa lang kasi ang Cashier na naka-assign kaya matagal tagal din umusad ang pila. Mag la-lunch time na din at nararamdaman niya ng nagugutom na siya. Pinatay niya na ang kanyang mp4 at inilagay niya ito sa bag.

Angela: (bumuntong hininga) nagugutom na ako.

Iyon ang lumabas sa kanyang bibig.

Misty: what? Friend, are you hungry?

Angela: hehe medyo.

Misty: haha ok. come on. Let’s go to the Canteen. I’m so hungry na din kase.

Pumunta na sila sa Canteen at pumila na sila para maka-order na sila ng pagkain. Dumudukot si angela sa kanyang bulsa, hindi niya namalayan na nahulog ang 100 pesos niya sa kanyang bulsa. Chineck niya ang wallet niya ngunit wala siyang barya. Inabot na ng cashier ang resibo ng na-order niya at inabot ito ng 75 pesos. Dumukot ulit siya sa kanyang bulsa ngunit wala ang kanyang 100 pesos doon. Nagpanic na siya.

Angela: shocks! Asan na ba napunta iyon??

Misty: hey friend. What happen?

Angela: (nagpapanic) Friend. Nawawala yung 100 ko. A-and I-I don’t know kung n-nahulog ba or what?!

Misty: ok friend. Relax. Wala ka na bang extra money jan?

Angela: (nanlulumo) meron. Yung pang tuition ko. Budget ko pa naman yun sa pagkain ko tapos mawawala pa.

Mangiyak ngiyak na si angela sa pagkawala ng pera niya. Ngunit nawala ang panlulumo nia ng may magsalita sa kanilang likuran.

Bryan: miss. I think sayo itong pera na to. Nalaglag kasi ito mula sa bulsa mo.

Nanlaki ang mga mata ni Angela sa nakitang pera na hawak ng lalaki. Nayakap na niya si Bryan Gomez sa sobrang tuwa. Ngunit hindi iyon matagal at humiwalay na din siya sa pagkakayakap niya sa binata.

Angela: (tuwang tuwa) maraming salamat sayo. My saviour.

 Bryan: call me bryan. Ms. ?

Angela: Angela ang name ko.

Bryan: ok Angela. Nice meeting you.

Angela: same here. By the way this is misty. My Friend.

Nag smile lang si misty sabay tango. At ganun din si bryan.

Nakakain na sila sa canteen. Hanggang sa natapos silang kumain at bumalik na sa pila ay hindi pa din matanggal sa isip ni angela si bryan na kanyang savior. 5pm na natapos ang enrolment at sa wakas makakauwi na din siya. Pareho sila ni misty ng schedule at ng Course na kinuha. (BSIT) Bachelor of Science in Information Technology ang course na kinuha nila.

Nang makauwi na siya sa bahay ay agad-agad siyang nagpahinga. Ni-hindi na sya nakakain ng dinner dahil sa sobrang pagod. Itinulog nalang niya ang nararamdamang pagod.

"My Savior (CocoJul Fic)"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon