(After 1 week)
Chapter 2
5Am nagprepare na si angela ng babaunin niya sa school. Since naranasan niya ng kumain sa Canteen at nalaman na din niya na may kamahalan ang mga tindang pagkain doon ay naisip niya na magbaon na lang ng pagkain pang lunch. Nagluto siya ng adobong Atay ng Manok, isa ito sa mga paborito niyang pagkain.nagiwan na lamang xa ng note para sa kanyang mama.
Angela: (note)
Ma, alis na po ako. ingat ka sa pagpasok mo mamaya sa office. Pinagluto na kita ng almusal mo.
Love,
Angela
Si Angela ay bunsong anak ng mag asawang Christopher at Bella Cruz. Bata pa lang si angela ng mamatay ang kanyang Ama dahil sa Car accident. Ang dalawa naman nyiang kapatid ay may kanya kanya ng pamilya. Tatlo lamang silang magkakapatid. Ang ate at kuya niya ay tapos na din sa pag-aaral at may kanya-kanya na ding mga pamilya ang mga ito. Tanging siya na lamang ang kasalukuyang nagaaral. Ang kanyang mama ay nagtatrabaho sa isang Beauty Products, Manager na ito doon.
Nang makarating si Angela sa School ay dumiretso na siya sa kanyang classroom. May 3 ng estudyante sa loob. Noong una ay nagda-dalawang isip pa si Angela na pumasok sa classroom. Ngunit ng Makita niya si Misty ay pumasok na rin siya.
Misty: good morning friend. Bakit hindi ka agad pumasok dito sa room natin? May problem ba?
Angela: ah eh wala naman friend. Bigla lang kasi akong kinabahan.
Misty: huh!? bakit ka naman kakabahan?
Angela: Para kasing may mangyayaring hindi maganda. (huminga ng malalim si angela pag katapos niyang magsalita)
Misty: Don’t worry friend. Walang mangyayaring masama. Think positive.
Angela: ok thanks friend for comforting me.
Misty: You’re always welcome.
Parami na ng parami ang mga estudyanteng pumapasok sa classrooms nila. Si angela ay nagmamasid lamang sa mga students na pumapsok. Habang si misty ay abala sa pagtetext sa cellphone. Napatingin sag awing pinto si Angela dahil may nakita siyang isang pamilyar na muka. Si Bryan Gomez ang kanyang savior.
Angela: (nasa isip) si bryan Gomez nga ang nakikita ko. Oh my god! Classmate ko siya? Baka namamalikmata lang ako.
Kinusot kusot niya ang kanyang mga mata. At nagpa-kurap kurap ang mga mata. Sinampal sampal niya ang kanyang muka. At dahil sa kanyang ginawa ay napansin siya ng kanyang katabi na si misty na napatigil sa pagtetext at pinagmasdan siya.
Misty: why are you blushing?
Angela: h-ha? W-who?
Misty: you. I said why are you blushing?
Angela: oh no.. his here. Classmate pala natin siya?
Misty: sino ba ang tinutukoy mo?
Napatingin si misty sa gawing harapan kung saan doon nakapukol ang tingin ni angela. At napangiti naman si misty. Ngiting nakakaloko.
Misty: so, sya pala ang tinitingnan mo? si papa B pala.
Angela: (nagblush) h-ha? Hindi no! papa B ka jan.
Misty: hahaha denial queen lang ang peg? Yung totoo crush mo siya no? ayieee..
Lalong namula ang muka ni angela sa pang-aasar sa kanya ni misty. Dahil alam niyang totoo ang mga pinagsasabi nito. Pero dinenay pa din niya. Nang mga oras na iyon ay nakaupo na si bryan. Nasa bandang gitna sila ni misty nakaupo. Nasa bandang unahan naman si bryan.
