"No one on earth could feel like this
I'm thrown and overflown with bliss There must be an angel Playing with my heart"Hindi alam kung saan papunta, hindi alam kung may kasiguraduhan nga ba. Ano ba ang totoo? Ano ang tama sa mali? Hindi ko alam.
Sabi nila "love until it hurts no more" pero ang tanong ko hanggang kailan?hanggang kailan mo hahayaang masaktan ka upang wala ka ng maramdaman na sakit? Hanggang kailan ka magpapakatanga? Ganon ba talaga? Kailangan mo munang masaktan ng sobra para malaman mo kung ano ang totoong pagmamahal? Sa palagay ko, oo.
Nalaman ko ang tunay na kahulugan ng pagmamahal nung natutunan kong palayain siya, natutunan ko ito nung nakaya kong pumunta sa mismong kasal niya kasama ang pagbayad ng 2k per plate. At higit sa lahat natutunan ko ang totoong pagmamahal pagkatapos niya akong gaguhin.
"Hindi ako invited"
"Wala akong driver"
"Tinatamad ako"
Dyan nagsimula lahat, ang pinagmulan ng pagbabago, ang simula kasinungalingan. -
Vice Ganda