Chapter II

98 7 2
                                    

Karylle

"Sa sampung sinabi mo isa lang ang
totoo,

Ngunit hanggang ngayon, nandito pa ako

Sa sampung sinabi mo,
isa lang ang totoo,

Sinungaling ang puso mo, at naniwala naman ako"




Ang sakit naman eh, alam ko na darating ito pero hindi pa pala ako handa, akala ko handa na ko sa sakit pero kahit kailan pala hindi mo yon mapaghahandaan.


Wagas ang pag-ibig ko sa'yo
Ngunit nahihirapan ang damdamin ko
Magpapanggap na lamang ba ako?
Naninimdim kung tama ba ito


Dingdong and I baka ganyan nalang talaga, kailangan ng magkahiwalay dahil wala ng kami, akala ko kami na kasal nalang ang kulang, pero sa isang relasyon pala kahit anong gawin mo kapag may malanding ahas na tumuklaw sa jowa mo, talo ka pa din. Lalo na kung yung ahas na yon marunong gumiling gaya ni Marimar.

2 buwan palang ang nakakalipas magmula nung lumipat ako sa Abs-Cbn upang hindi daw ako makasagabal sa teleserye ni Dindong at Marian na marimar, inakala ng lahat na wala na kami ni dingdong, well yun yong nilabas nila sa media at yun ang pinaniniwalaan ng tao noon.
Pero yung mga pangako niya yung pinaniwalaan ko noon kasi akala ko totoo lahat yon, pero dahil tanga ako di ko nakita na wala ni isang totoo sa mga sinabi niya.

"K, alam mo naman para sa future din natin ito diba? Para lang naman sa mga fans pero ikaw pa din ang mahal ko" yan ang sinabi niya sa akin noon, bago lumabas yung issue na magkarelasyon sila ni marian, ipinaalam muna niya sakin na sinabi ng management na kailangan nilang gawin ni marian yon para sa promotion ng magiging bago nilang teleserye pagkatapos ng marimar.

"Kailangan ba talaga yon? Eh ang sweet niyo na nga oncam sobra na nga eh, hinahayaan ko nalang kailangan pa ba na sabihing magkarelasyon kayo?" Di ko na napigilang magtanong, grabe naman sila kung makademand sa mga artista na maging sila.

"Kailangan alam mo naman sa trabaho natin diba?! Ikaw nga hinahayaan ko lang pero nakikita ko yung mga tingin sayo nung bakla mong kasama sa showtime kung di lang yon bakla pagkakamalan ko na may gusto yon sayo at gustong gusto mo naman"  ayon bumalik nanaman sakin, lagi naman, lagi nalang.

"Bakit parang gusto mo din 'tong nangyayari? Parang gusto mo din naman na maging kayo nung marimar na yon? And pwede ba, bakla yon kahit ilang beses kong halikan yon di yun magkakagusto sakin"  naiiyak na sabi ko sa kanya pero wala akong makitang kahit anong emosyon sa mukha niya ngayon.

"Bahala ka di ko naman sinabi sayo para tanungin ka kung okay lang sayo, iniiform lang kita,  baka mabigla ka kapag nalaman mo sa media" tumayo siya at pumunta na sa pintuan para umalis

"Ganon na lang ba yon? Ayoko  na ng ganito. Masakit na. Masakit na masakit na. Yung araw araw na di kita nakikita at siya yung lagi mong kasama unti unti na kong pinapatay non"

"pero mas ikamamatay ko pala yung pagpilit kong mabuo ang isang bagay na matagal ng basag" at di na siya lumingon pa sakin, umalis na siya.

And with that alam kong tapos na. Hinayaan ko na siyang gawin ang mga bagay na gusto niya. Alam kong ako lang ang sagabal sa career niya ofcourse, mas uunahin non yung pagsikat niya.

"Karylle? Nasaan ka na?" Oh god, victory party nga pala ni Vice ngayon but wala akong gana maki party lalo na namamaga yung mata ko, at siguradong walang katapusang katanungan ang mangyayari kapag nagkataon.

"Di naman ako invited" walang gana kong sinend sa group chat naming showtime host yon, dahil lahat sila nagtatanong kung pupunta ba ako. seriously karylle Sa dinami dami ng palusot na pwede mong gawin yun pa?

"Anong hindi? eh lahat tayo sinabihan ni bakla, nako K, ah magagalit yun,m" sabi ni vhong

"Wala akong driver" pumunta na ako sa kwarto ko, dala yung isang bote ng alak, mas feel ko mag isa ngayon.

"Saan ka ba susunduin ka namin, ikaw nga ang pinakamalapit dito" sabi ni teddy and jugs.

Di ba sila makaintindi na ayaw ko talagang pumunta? Ano ba yan.

"Tinatamad ako" ayan, siguro naman titigil na sila sa kakatanong.

Vicey's Calling...

Sinagot ko ang tawag niya pero di ako nagsalita. "Nasaan ka? Wala ka ba talagang balak pumunta dito? O nagseselos nanaman yung jowa mong dingding?" Yan ang bungad niya sakin

"Vi-vice" impit na salita ko.

"Kurba, okay ka lang ba?"
Hindi ko na napigilan, naiyak na talaga ako, di ko na kaya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GAYngel  of my HeartWhere stories live. Discover now