"I walk into an empty room
And suddenly my heart goes boom
It's an orchestra of angels
And they're playing with my heart"Di ako invited
Wala akong driver
Tinatamad ako
What a lame excuse para pagtakpan ang lahat ng nangyari, inakala ng lahat na dahil lang doon kaya ako nagalit, well for a record hindi ako ganon kababaw na tao pero nakaka-offend lang kasi kaibigan ko siya eh, halata namang iniiwasan niya ko dapat sinabi nalang niya na ayaw niya kong makita hindi pa siguro ako nagalit ng husto, nakakabastos kasi.
Si karylle, siya ang taong tinutukoy ko. Kasamahan ko siya sa trabaho, sa showtime kami nagkakilala. Nung hurado pa lamang siya nakita ko na ang taglay niyang kurba, hindi makakaila ang natatangi niyang ganda, kaya lagi ko siyang napupuna. ang kulot niyang buhok na may nakakahalinang amoy na hinahanap hanap ko sa tuwing ako'y matutulog.
Siya ang babaeng kailanma'y hindi mapapasakin, siya ang panaginip na hindi magiging akin.
"He-hello?"
Medyo may tama na ako ng alak na sagot ko, nasa victory party kasi ako ng Girl Boy Bakla Tomboy.
"Vice, please come here sa parking lot i'll wait"
Sa boses palang kilala ko na kung sino itong tumawag, pinatay ko na ang tawag at nagmadaling magpaalam sa mga kasama kong bakla na sila Mc and lassy.
"Mga baks, may pupuntahan lang ako sandali"
"Sige meme, dito lang kami"
Pagkadating ko sa parking lot nakita ko ang sasakyan niya, nakayuko siya sa manibela. Talagang babaeng to, gabi na siya pa talaga ang nag drive.
Pagkabukas ko ng passenger's seat ay lumingon siya sakin nakita ko ang mata niya, halata na galing lang ito sa iyak."Kurba, anong nangyari?" Nagaalala na tanong ko.
"Vicey, wala na talaga kami ni Dingdong" naluluhang sabi niya.
"Ano?! Bakit?" Nagulat ako, almost perfect silang couple ni Dingdong, engage na nga sila eh kaya di ko maiwasang manghinayang din.
"Sinabi niya na mahal na talaga niya si Marian, ang hirap daw kasi na nasa kabilang network ako at hindi na kami madalas magkita, tapos sila pa yung alam ng tao na magkarelasyon"
Wala akong magawa kaya niyakap ko nalang siya, ayoko siyang nakikitang umiiyak, baka masugod ko si dingdong, este masabunutan pala.
"Shhh. Tahan na, alam mo naman sa showbiz ganyan talaga minsan dahil sa araw araw kayong nagkikita, mapapaniwala ka na kayo na talaga na baka nga magjowa kayo diba alam mo naman, doon din kayo nagsimula ni dingdong diba? As a loveteam din naman, nung umpisa nagpanggap lang kayong mag jowa kahit hindi talaga pero nainlove nalang talaga kayo sa isa't isa kaya di na naging problema"
Well, totoo naman. Ganyan talaga sa showbiz walang kasiguraduhan. Para sa pera gagawin lahat para sumikat kahit may nasasaktan na.
Hi guys!!! Hahahah itutuloy ko pa ba or wag na? 😂 thank you dahil
Nakaabot ka dito.