Umpisahan natin ito, kung paano at kaylan ako...
Natuto at nahumaling, sa pagsusulat,
Pano nga ba to,
Ahh oo!
Nagsimula ang lahat nang makakita ako ng dahon,
Dahong umiindak at sumasabay sa indayog ng hangin,
Napakasarap pagmasdan,
Napakasarap sabayan,
At nang ako'y papalapit na, upang makipagsayaw,
Hinigit naman ito ng amihan,
Papalayo,papalayo, papalayo...Sa pagsapit ng gabi tuluyang binalot ng dilim ang alapaap,
At nakita ko ang buwan, nakangiti,
"Naranasan mo na bang.. "
At muli, nagparamdam ang hangin,
Ngunit sa pagkakataong ito'y hinatid na nya ang dahon sa mga palad ko,
At ang dahong nagturo saakin kung paano sumayaw sa indayog ng buhay,
Ay sya ring nagturo sa akin kung paano magsulat,
Magsulat ng istorya,
Istorya kung saan , isa sya sa mga karakter,
Karakter na bumuo sa aklat ko,
Karakter na nagbigay buhay sa aklat ko,
At karakter na pumilas sa pahina ng magandang wakas ng aklat ko.Maayos ang naging simula,
Nakakahumaling, ayoko nang tigilan,
Ngunit sa paglipas ng panahon,
Tulad ng dahong nakakapit sa puni,
Ikay unti unting bumitaw,
Bumitaw at nakipaglaro muli sa hangin,
Oo nga pala, ikay hindi magiging manunulat,
Pagkat umpisa pa lang,
Ang lahat ay iyo lamang iginuhit at hindi isinulat,
Pinlano at hindi tinapos.
Sa kabila nito,
Itinuloy ko ang pagsusulat,
Pagsusulat sa aklat na sa paningin nilay napaka perpekto,
At hindi nila pansin,
Sa likod ng malarosas na likha, nagkukubli ang sugatang kamay nito,
na sanhi, oo sanhi ng higpit ng pagkakahawak sa rosas na panulat,At ang dugong dumadaloy sa mga kamay,
ay syang nagsisilbing tinta sa likha,
At ang luhang pumapatak ang syang pangbura sa iilang maling nagawa,Mahal, halikat ilathala natin,
Ilathala ang istorya ng ating pagiibigan,
Handa akong maging papel,
Papel na kapag napuno na ng sulat at pagkakamali,
Pag di nakuntento sa nilalaman nito akoy lulukutin nalamang at isasama sa mga koleksyon mong di naging sapat.
Handa akong maging tinta
Tinta na gagamitin upang mapunan ang pagkukulang ng librong nais mong mabuo,
Gagamitin at gagamitn,
Hanggang akoy sumukot maubos,
At tulad ng papel, iyo akong isasama sa mga kolesyon mong hindi naging sapat
Mahal, handa akong maging kahit ano para sayoBumalik tayo sa lugar,
Sa lugar kung saan nakatingin ako sa langit,
Binalot na naman ito ng dilim,
At nariyan parin ang buwan, nakangiti,
Muli, tinanong ko sya,
Hindi ka ba napapagod,
At tulad ng dati, nagparamdam muli ang hangin,
Ngunit sa pqgkakataong ito, akoy di nagpadala sa damdamin,
Naranasan mo na ba!
Humiyaw ang kulog, sumagot maging ang kidlat,
NARANASAN MO NA BA,
At tuluyan nang bumubos ang ulan,
NARANASAN MO NA BA!
Ayan na naman ang hangin, kulog, kidlat, ulan,
HANGIN KULOG KIDLAT ULAN,
ULAN,
at nang tanging patak na lamang ng ulan ang bumabasag sa katahimikan ng gabi,
Muli, tumingin ako sa buwan,
Naranasan mo na ba?
Naranasan mo na bang mahumaling, sa sayaw at tugtog na paulit ulit, paulit ulit mong naririnig,
Na paulit ulit sayoy bumabasag,
Naranasan mo na ba,
Naranasan mo na bang umibig,
Umibig sa bagay na kaylan may di mo mahahawakan,
Sa bagay na hanggang pagpaparamdam lamang,
Naranasan mo na na,
Naranasang umibig sa taong, guhit ang likha hindi letra,
Plano ang hawak hindi aklat,
Naranasan mo na bang mapagod,
Mapagod umasang syay magiging manunulat,
Mapagod sa pagsusulat,
Naranasan mo na ba.Kaibigan, hindi ka ba napapagod,
Napapagod ngumiti sa alapaap,
Magbigay liwanag sa malamig na gabi,
Hindi ka ba napapagod, na maghintay sa araw na sumikat,
Hindi ka ba nalulumbay,
Sa twing nililisan ka ng tala,
Kaibigan, anong pinanggagalingan ng ngiti mo,
Saan ka humuhugot ng liwanang mo.Kaibigan kong manunulat,
Naranasan ko nang mapagod,
Mapagod ngumiti at magpasyang magtago sandali,
Naranasan ko nag malumbay,
Sa twing iniiwan ako ng tala,
At ang aking mga ngiti at liwanag ay nanggagaling sa araw,
Araw na sa twi na'y nililisan ako,
Tinuruan nya akong magliwanag, magliwanag sa kabila ng lumbay na iniiwan nya,
Panangingiti ako ng langit,
Langit na yumayakap sa akin sa twing akoy nagiisa.Kaibigan kong manunulat,
Gawin mong letra ang mga iginuhit nya,
Gawin mong kwento ang mga pinlano nya,
Ipagpatuloy mo ang pagsusulat ng aklat mo,
Lisanin ang karakter nya sa kabanatang ito,
Magbukas ng panibagong pahina,
At nagsimula muli,Kaibigan kong manunulat,
Masakit mang isipin na wala nang pagasa,
Ngunit kaylangang tanggapin,
Pagkat sa umpisa palamang, ikaw lamang ang nagsusulat ng aklat nyo,
At isa lamang sya sa karakter na kahit kaylan,
Hinding hindi magiging manunulat,Kaibigan kong manunulat,
Hayaan mong magpahinga ka muna sa sakit.*clap clap clap clap*
Odie: bes ! *teary eye* Dama ko yung *sob* spoken word mo ah! Kala ko mahihimatay ka na sa stage e im worried wala kasing sasalo sayo T.T
Me: buwisit ka talaga! Ok na e kala ko pupurihin mo na ko e -,-
At nag peace sign na nga lang sya sabay sipsip sa Two Timer Drink nya. Ow yes! You heard it right ay mali let me correct it you read it write ganyan talaga ang mga names ng drinks and foods nila sa menu nasa HUGOT CAFE kami ngayon part time ko kasi magperform dito any ways high ways.
Back to my bessy ito sya ngayon nagdadrama na naman about sa bf nyang gamer haysss nang bigla kong naalala yung sinabi nya...Wala kasing sasalo sayo...
Wala kasing sasalo sayo...
Wala kasing sasalo sayo...Oo nga naman wala namang sasalo sakin, wala na... T.T wala nanga ba talaga hay
Wala na nga ba talaga ?
*manunulatmagmumulat Note*
Hi guys sorry first time ko magsulat ng story huhuhu Spoken Words lang po kasi talaga yung sinusulat ko kaya pagpasensyahan nyo na po kung minsan makakagamit ako ng malalalim na salita tulad ng malalim kong pagtingin sa kanya *o* chos haha hope youll like it muahugs :* xoxoPs Tittle po ng Spoken Word TULA NG MANUNULAT PARA SA IROG NYANG ENGINEER own composition po ni bb.manunulat yan(me) hahaha wala lang haha babush
BINABASA MO ANG
His ↑ Will ♡
RomanceThis story will drives you crazy, this will makes you believe in Love again, will make you cry, will break you over and over again, and makes you believe in God's will and perfect time. (base on true story)