BestfriEND

906 14 2
                                    

Short Story.

BestriEND?

Third Person's POV:

"Dara! Dara the Explorer! Asa labas ako ng bahay mo. Labas ka na dali !" Walang ano-ano'y nagising si Dara at tiningnan sa bintana ang taong tumatawag sa kanya. At tama nga sya si Thiero, ang gwapito at campus heartthrob nyang bestfriend.

Nasa labas kasi sya ng bahay ni Dara. Upang yayain na makipaglaro sa kanya ng kung ano mang maisipan nya. Bukod pa roon ay alam nyang tulog pa ito kaya't gusto nya itong bulabugin upang mainis ito sa kanya.

Sa mga nagtatanong kung bakit sumisigaw si Theiro ng parang walang pakialam?! Yun ay dahil, Walang tao sa bahay ni Dara. Wala pa ang kanyang magulang dahil nasa Manila ang kanyang magulang upang magbakasyon. Galit nga si Dara dahil hindi sya isinama ng mga iyon.

"Ano na naman bang kailangan mo? Wala ka na bang ibang magawa sa buhay mo? Alam mo namang natutulog pa yung tao diba?! Aish!" Galit na wika ni Dara. Si Thiero naman ay matawa-tawa na. Dahil umaayon ang plano nyang galitin ito.

"Natutulog pa ba yan? Eh ang ingay mo na nga oh! Edi gising ka na diba? Pero teka kahit malayo pa ko sayo amoy panis na laway na naman yang bibig mo . Pftttttt----HAHAHAHAHAHA. Panis na-----------------" Nagulat si Thiero ng may tsinelas na tumama sa kanyang mukha.

"Hoy! Dara the explorer. Ano namang naisipan mo at ibinato mo ang tsinelas sa napakapoging mukha ng bestfriend mo??!" Wika ni Thiero sa bestfriend nya.

"Eh kasi naman, ke-aga aga pa nambbwisit ka na! Tsaka ano bang kelangan mo ha? Wala tayong pasok ngayon noh? Kaya kung ako sayo, babalik na ko sa bahay ko. Diba?"

"Yun nga ang punto natin. Kaya ako nandito dahil, WALANG PASOK. Masosolo na naman kita ulit. But the way,---------" "By the way yun dre. Hindi But the way." "Ah ganun ba? Oh sya, By the way, Kanina pa ako nakatayo dito sa harap ng bahay nyo. Baka naman pwedeng bumaba ka na dyan at papasukin ako. Tutal gising ka na naman diba?" "Ahaha. Sige na nga! Pasalamat ka at bestfriend kita. Kung hindi nakoooooo, baka nabugbog na kita!" "Oo na ! Pakidalian naman po ang pagbaba. Nangangawit nako. Bukod dun, Nasusunog na ang POGI kong skin." Hindi na sumagot si Dara. Bagkos ay nagmadali na syang maghilamos at magtoothbrush bago nya pagbuksan ang kanyang bestfriend.

*ikkkkkkk* (Sound epek nung pinto. Bawal umangal ! Ako AUTHOR ! hahahaha.)

"Bat ang tagal mong lumabas? Nasunog na ang POGI kong balat eh!" Natawa si Dara sa kanyang narinig.

"Srsly? POGING BALAT? Oh my ! Asa ka. Poging mukha pwede pa." Ani Dara.

"So inaamin mong POGI AKO? Ayieeeeee. Sabi na nga bat kagaya ka din ng mga babaeng naghahabol sakin sa Campus eh." Nabigla si Dara. Naalala nya ang kanyang nasabi. Hindi nya ito sinadya. Bigla nalang lumabas sa kanyang bibig ang mga katagang iyon.

"May sinabi ba akong pogi ka? S-sa p-pagkaka-alala k-ko p-parang w-wala n-naman a-akong n-nasabi a-ah!" Pautal-utal na sabi ni Dara na agd napansin ni Theiro.

"Sows! Tanggi pa eh. Halata namang may gusto ka sakin eh. Okay lang yan. Tanggap ko naman eh!" Napaubo si Dara sa kanyang narinig.

"Wow bestfriend. Kapal ng mukha natin ngayon ah! Nakadrugs ka ba? LOL. HAHAHAHAHAHA. Pero ang masasabi ko sayo. Asa ka pang magustuhan kita! Pasalamat ka nalang nga na bestfriend kita eh. Kung hindi nako baka isa ako sa maging Anti-Thiero Exdi Queroz eh. "

"Psh! Thiero is the name !! Wag nang isali yung Exdi! Pambawas POGI points yun eh. Hoho. Tsaka bat ako magpapasalamat na bestfriend kita . Eh ako ang sikat? Ako nga ang dapat mong pasalamatan eh. Diba?" Biglang natauhan si Dara sa sinabi ni Thiero. Mukhang sya nga ang dapat magpasalamat at naging bestfriend nya ang gwapong nilalang na nasa harap nya ngayon.

BestfriENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon