Chapter 1
Patricia's POV
Nakapila ako sa McDo nang biglang...
*Kring kring kring* Tunog ng cellphone yan maniwala kayo. :)))
"Hello?"
"Hello besh. Nasaan ka na?" Si Brigitte pala. Hihi.
"Nasa McDo ako eh. Hehe."
"ANO KA BA BESH! FIRST DAY NG NSTP NATIN LATE KA NA AGAD. HALIKA NA DALIII! QWERTYUIOP. ASDFGHJKL. ZXCVBNM." Nilayo ko yung phone sa tenga ko. Sumisigaw siyaaa. Mag-uunli sermon na naman ata si besh. HAHAHA.
"Besh naman eh. Bakit sinisigawan mo ko? Di ka man lang ba naaawa sa akin? Magugutom ako nyan no. Ang layo pa naman ng probinsya na pupuntahan natin. Pano na lang ako makakapagturo sa mga bata nyan kung wala akong energy? Huhuhu." Pagpapaawa ko. Sana effective. Hihi.
"Oo na. Oo na. Bumili ka na ng pagkain mo." Ayun. Kumalma din. Haha.
"Ui briggg. Bahala ka na muna mag-isip ng excuse para hintayin ako ng bus. Okay? Labyu mwah."
"Hay. Pasalamat ka bespren kita. Kaso, dahil late ka di na tayo magkatabi ng upuan. Kasi naman eh. Bawal daw mag save ng chair. Huhu." Huminto sandali si brig, humina ang boses. "Pero infairness besh, ang pogi ng katabi ko. Kinikilig ako nakakainis!"
"Aba. First day pa lang lumalablayp ka na besh ah. Haha." Nasabi ko na lang. Wala eh. Magbespren eh. Medyo nahahalata kung ano ang isa sa mga pakay namin sa Earth. Ang maghanap ng mga pogi. Huehuehue. :3
"Crush life pa lang naman besh, wag excited. Hihi. Iniimagine ko pa lang na isang taon ko siyang makakasama kinikilig na ko. Yieee." Haha. Ito talagang babae na to. Mana sa'kin. Mwahahaha.
"Ibackground check mo muna. Malay mo may gf. Uiii. Ako na susunod sa pila. Kitakits na lang maya okay? Mwahugs. Byeee."
"Okay besh. Sana wala siyang gf. Huhu."
In-end ko na yung call. Nangiti na lang ako. Isang taon na rin pala simula ng pumasok ako sa UST. Parang kailan lang kinakabahan pa ko pumasok dahil wala akong kilala. Buti na lang may naging kaibigan ako, at si Brigitte yun. Di pa ko nagpapakilala sa inyo no? Ako nga pala si Patricia Javier, ang super duper sikat na sexy star. Hahaha. Joke lang. Okay lang na hindi ako sikat na star, atleast sexy naman ako. :P :)))
"Good Morning Ma'am. What's your order? ...Ma'am?" Ay tinatanong na pala ko ng cashier kung ano order ko. Kayo kasi eh. Nagpakilala pa kasi ako sa inyo. Ayan tuloy, halatang di attentive. De joke lang. Inaantok pa kasi ako. Pano nagpuyat karereview sa Accounting. :3 Hmmm. Ano ba masarap sa umaga?
"Isa, ay hindi, dalawahin mo ng Crispy Chicken Sandwich, walang mayo ah, catsup ilagay mo. Saka coffee, pa-upsize na lang. For takeout okay? Yung coffee pala wag mo na isama sa plastic."
"Okay po Ma'am."
Debit. Credit. Bonds. Sir Padilla. Sir Bagayao. Wait... Bat eto lang naaalala ko sa mga pinag-aralan ko?! Ayun. Sir Noel pa pala. Saka ano pa?!? Huhuhu. Wala na kong maalala. Mukhang kailangan kong ulitin lahat ng pinag-aralan ko. Sayang ang pagpupuyat. :(
"Ma'am eto na po order mo. Thank you come again."
"Thanks."
Tumalikod na ko. Okay na sana eh. Tatakbo na lang ako para makarating sa UST kung saan naghihintay ang bus para sa akin. Kaso, bangag ako ng oras na yun. As in. Idagdag pa ang matinding depression ko dahil wala akong maalala sa inaral ko. Kaya hinawakan ko ang cup of coffee ko sa mismong body ng cup. Ade syempre, mainit di ba? Yun ang nagpabalik ng ulirat ko sa mundo. At dahil nainitan ako, naihagis ko yung cup. Kamalas malasan at sa kasunod ko sa pila tumama yung cup.
Worse, natapunan siya sa damit niya.
"Sh@#$//*#*:&@&$&*@&/*$*×*! Waaaaaaah!"
Napatili yung kasunod ko sa pila. Apura ang punas niya sa damit niya. Malamang, mainit eh. Ako naman sa sobrang katarantahan ko, sa halip na yung tissue sa plastic na hawak ko yung nakuha ko, eh yung sandwich. Di ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin dahil inalis ko yung sandwich sa wrap at yun ang ipinunas ko sa damit ng lalaki na yun. Bukod sa kape, puro catsup na yung damit niya. Late ko na narealize kung ano yung katangahang ginawa ko.
Lahat ng tao sa paligid nakatingin sa amin, yung iba tawa ng tawa, yung iba mukhang nagulat sa ginawa ko. Yung mga cashier naman, napatigil sa ginagawa nila at nakatingin lang sa akin, mga mukhang gulat din. Di ko alam kung pano ako nagkalakas ng loob na tumingin sa mga mata ng taong natapunan ko. Halatang sobrang galit siya, na gusto na niya akong sakalin ng mga oras na yun. Pero sa halip na matakot ako at magsorry sa kanya, natulala ako. SHEMAI ANG GWAPO NIYA. SOBRA.
---
A/N:
Pat! Sorry ngayon ko lang napublish. Di ko kasi nasave yung ginawa ko kagabi. Huhu. Mas mahaba yung nagawa ko na yun eh. :(
Briggg! Sorry kung di ko nasama yung ginawa mo. Huhu. Ayaw talaga nung document eh. :(
Sana okay lang to. :( :)))