Chapter 2 - Friends

134 1 0
                                    

A/N:

Hello guys! Bago ko simulan tong chapter na to, ipapaliwanag ko muna kung ano ang LTS. :)

Ang ibig sabihin ng LTS ay Literacy Training Service, ito ay para sa mga batang hindi pa nag-aaral o hindi na makakapag-aral. Layon nito na turuan ang mga bata na bumasa, sumulat at magbilang, at para na rin tumaas ang literacy rate ng bansang kinabibilangan nila.

Required ito sa mga college students, kalimitan ay first year students. Isa ito sa tatlong uri ng NSTP.

Sa amin sa UST, 2nd year college pa maaaring mag LTS at CWTS. ROTC lang kasi pag first year ang pwede. :)

-----/-----/-----/-----/-----/-----/-----/-----/

Chapter 2

Brigitte's POV

May sasabihin pa sana ako kay besh, kaso binabaan niya ko ng phone! Huhu. Papabili dapat ako eh. Sad lifeee! :(

"Miss, okay ka lang? Mukha kasing nalungkot ka after mong may kausapin sa phone." Tanong ng guy sa tabi ko, yung poging gwapong guy. Hihi.

"Ah. Eh. Ano. Oo. Oo. O-okay lang ako. Okay lang. Hehe." Ano ba brig. Relax! Alam kong gusto mo nang magwala deep inside dahil sa lalaki na to pero kalma lang. Kalmaaa.

"Haha. Sa itsura mo na yan di halatang okay ka. Namumula ka oh. May sakit ka ba?"

"W-wala ah. Nasobrahan lang a-ako sa lagay ng blush on. Lipstick k-kasi ginamit ko." Ano bang palusot yan. Ipukpok ko na lang kaya ulo ko sa bato? Hahaha. De joke lang.

"Bakit ka nauutal? May speech problem ka ba?" Nahalata ko na lang na medyo naging concern ang mga mata niya.

"W-wala. Giniginaw l-lang kasi ako. Lakas k-kasi ng aircon."

"Ahh. Ganun ba. Sa akin ko na lang itatapat." Ginalaw niya yung blade ng aircon papunta sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "Ako nga pala si Vincent. Ikaw?"

"B-brigitte."

"Nice to meet you, Brigitte." Kyaaah. Wag mo kong ngitian ng ganyan. Baka di ko kayanin. Utang na looooooob!

Patricia's POV

"Ano bang ginawa mo?!"

Bakit ganun? Bakit kahit galit siya ang pogi pa rin niya?

"Matatanggap ko pa na natapunan mo ako ng kape, kasi nakita ko naman na di mo sinadya. Pero ibang usapan na yung ginawa mong pagpahid ng sandwich sa akin."

Ang tangkad niya talaga. Siguro nasa mga 6'4 height niya. *0*

"May pupuntahan pa ko eh. Late na ko. Pano pa ko magpapalit nyan?"

Well built siya. Halata na alaga siya sa katawan niya. Siguro mahilig to sa sports. :3

"Maghapon ako sa pupuntahan namin. Ano na lang sasabihin ng mga taong makakakita sa akin?"

Ang puti rin niya. Ang kinis pa. Papable masyado. Nakakanosebleed.

"Miss, kinakausap kita. Sumagot ka!" Whaaa. Napatingin ako sa balikat ko. Malaking kamay. Maputi. Mukhang malambot. Asdfghjkl! Hawak ni Mr. Papable ang mga balikat ko! *0* Niyuyugyog niya ko, na para bang alam niyang wala ako sa sarili ng mga oras na iyon.

"Kurutin mo nga ako." Napatigil siya sa pagyugyog sa akin. Inalis na niya ang mga kamay niya.

"What?!" Sa tono ng boses niya halatang inis na inis na siya.

"Kurutin mo ako." Ulit ko. Hayyy. Kung panaginip ka Mr. Papable ayoko ng magising. Chos. Joke lang no. Mga after 3 days saka lang sana ako magising.

LTS - The NSTP Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon