Chapter 3- The Bus (LOL)
Patricia’s POV
Hindi pa rin ako nakaka-move on sa encounter namin ni bebe Jeric ko. Hihihi.
*kring* *kring* Nako, panahon na talaga para palitan ko yung ringtone ko. Hahaha.
“PAT! Dalian mo!” Pasigaw na medyo bulong ni Brig. Di ko na-gets yung sinabi ko. Hahaha
“Sige, sige” At tumakbo na ko papuntang bus.
-----------------------
Brigitte’s POV
Binaba ko na yung phone. Buti na lang malapit na siya kasi may isang vacant seat sa likuran nung inuupuan ko ngayon. Mas maganda sana kung yun yung makukuha niyang seat kasi papaki-usapan ko yung katabi ko na lumipat na lang dun para tabi kami ni Pat. Hihihi.
Siyempre, di ko pa rin ipagpapalit si Patty sa lalaki. :”>
Dumungaw ako sa bintana at nakita kong hingal na hingal si Pat na tumatakbo papalapit sa aming bus. Nilabas ko yung phone ko at tinext si Pat.
Konting push na lang! Malapit naaaaa! :D
Pero pagtingin ko sa labas, dun siya sa bus bago sa amin pumasok. Umandar na yung bus. At naloka ako.
--------------------------
Patricia’s POV
Baliw talaga ‘tong si Brig. Nakapasok na ko sa loob ng bus. Finally! Hinanap ko yung babaeng ‘yun kaso wala siya dito. Nasaan kaya ‘yun? Hinanap ko na siya nang maigi pero wala talaga.
Oh. Em. Gee.
Maling bus yung napasukan ko.
“Okay guys, maupo na kayo! Aalis na tayo.” Sigaw ni Ma’am na mukhang facilitator.
Nilapitan ko siya. “Ma’am, mali po pala ‘tong bus na nasakyan ko.”
Nahihiyang sabi ko sa kanya. “LTS ba NSTP mo?” I nodded.
“Well, isang place lang naman yung pupuntahan natin so walang problema.” Nakangiti niyang sabi.
“Ah, ganun po ba? Hehe” Well, no choice na.
“Gusto mo lumipat?” Nagliwanag ang mga mata ko sa sinabi niya.
“Opo! Kung pwede po sana.” I smiled.
“Manong, pabukas nga po nung door. May bababa po.” Utos ni Ma’am kay Manong Driver.
Binuksan na ni Manong yung door nang maka-receive ako ng text.
Hoy, bakit wala ka dito? Naka-alis na kami.
“Ma’am, nakaalis na po pala yung bus namin.” I sighed deeply. “Sorry po.”
Tumango lang si Ma’am at inutusan akong humanap ng seat. “Manong, pasara na po pala ulit nung door. Sorry po.”
“TEKA LANGGGGGG!”
Napalingon ako sa may pintuan. May lalaking pumasok at pawis na pawis siya. Ang pogi niya! Ang ganda nung mga mata niya at bagay sa kanya yung medyo messy na buhok. Pero mas bet ko pa rin si Jeric. Hihihi. Landi ko yata ngayon. :3
Naghanap na lang ako ng mauupuan preferably yung sa tabi ng window. Ayun! Meron pa sa tabi ng bintana. Medyo swerte pa rin pala ko kahit papaano.
Pupuntahan ko na sana yung seat nang biglang may tumulak sa akin.
@#$%^&*!
“Bro!” Dumiretso lang siya sa likod at nakipag-fist bump dun sa kaibigan niya. Aba, di man lang nag-sorry! Ugh. Dumiretso na lang ako dun sa seat para makapag-pahinga na.
“Guys! Umayos na kayo at aalis na talaga tayo.” Sigaw ni Ma’am Faci.
“Damon, bakit hindi ka pa maupo?” So Damon pala ang pangalan ni kuyang gwapo na di marunong mag-sorry.
“Ma’am may nakaupo sa upuan ko.” Sabay turo niya sa akin.
“Excuse me?” I can’t believe this guy!
“Naka-upo ka sa upuan ko.”
--------------------------------
Facilitator’s POV
“Ma’am, may seat plan ba kayo dito?” Tanong sa akin nung student na namali ng bus.
“Wala naman.” Sagot ko. Tiningnan ko si Damon.
“Damon, umupo ka na lang diyan sa tabi ni miss?”
“Patricia po.” Stressed na pakilala niya.
“Ma’am dun ko po gusto umupo sa may bintana.” Pagpipilit pa ni Damon.
“Pero ako po yung nauna dito!”
“Gusto ko diyan kasi mas kailangan ko umupo diyan!”
“At bakit?”
“Wala ka nang pakialam dun.” Aba, namula ang lolo mo! Hahaha.
“Jusko, para kayong mga bata! Hahaha!” Ang cute nila! Tiningnan ako nung dalawa at feeling ko nawiwirdohan sila sa akin.
“Uhm, ganito na lang.” Dinukot ko sa bulsa ko yung piso. “Toss coin.”
“Ibon sa akin.” Sabi ni Patricia.
“Tao.” Sabi ni Damon.
“Okay!” Tinapon ko pataas yung coin at ang resulta?
--------------------------------
Patricia’s POV
Tao. Tao! Napahawak ako sa ulo ko. Bye bye bintana. Huhuhu. Nilipat ko yung bag ko dun sa katabing upuan. Naupo naman si Damon dun sa may bintana. Ilang minuto pa lang siyang naupo dun pero nakatulog na agad siya. Hay.
Pagkatapos ng isang oras, kumalam na yung tyan ko ng sobrang lakas! Buti na lang tulog yung mga tao dito. Hindi pa nga pala ako nakakakain. T_T
“Miss, gusto mo?” Alok nung nasa kabilang side.
“Okay lang kung kainin ko lahat?” Turo ko dun sa sandwich na hawak niya. Oo na, mukha na akong timawa pero gutom na gutom na ko!
“A-ah, sige. Sobrang gutom mo na yata e.” Sabi niya.
Nakakahiya ako! Narinig niya siguro yung tyan ko. Lupa, lamunin mo na ko. Huhuhuhu. “Thank you! Sobrang thank you!”
Binigay niya yung sandwich at kinain ko naman ‘yun agad-agad.
“Tubig?” Alok pa niya. Naawa yata siya sa akin ulit.
“Okay lang! Meron ako.” Nginitian ko siya.
After ko maubos yung sandwich niya, nahiya naman ako kaya chinika ko siya. “Uy, thank you talaga ha! Sorry kung kinain ko yung sandwich mo. Di kasi ako nakapag-agahan.” Paliwanag ko. “Ako nga pala si Patricia, pero pwede na ring Pat.” Inabot ko sa kanya yung kamay ko para makipag-handshake.
“Ian nga pala.” Inabot din niya yung kamay niya sa akin at nag-handshake kami. “Sorry nga pala tungkol dyan sa katabi mo.”
“Si Damon?” Tumango siya.
“Bakit?” Napakamot siya sa kanyang ulo.
“Madali kasing mahilo ‘yang kakambal ko.”
“Kambal?” Tumango siya. Tiningnan kong maigi yung mukha niya, at ang nasabi ko lang ay, “Identical twins?!”
Wow, just wow.
---------------------------
AN: Co-author lang ako. Huehue. Hi Pat! Hey Ms. Author! Sorry, di ako sanay magsulat. :(
Ian Somerhalder as Damon and Ian! <3