Chapter 21
Pinapasok ko nga si Vince sa bahay ko at ngayon nakaupo kami sa sofa ko. Kumuwa ako ng towel at pinupunasan ko yung buhok niya. Hinawakan niya bigla yung kamay ko at ever since na dumating siya dito nakatungo lang siya.
" Arrah...I'm sorry and i miss you "
Hindi ako sumasagot sa kanya at hinayaan ko lang siya magsalita.
" Nagkamali talaga ako. Inaamin ko. Pero nagsisisi na talaga ako. Akala ko nga nung una ok na hiwalayan na talaga kita tutal muka naman kayong masaya ni Xavier. But na realize ko na hindi ko pala kayang gawin 'yon. Bulls*** 'yang let go of the one you love kung mahal mo talaga. Dahil kung mahal mo talaga ang isang tao bakit mo siya pakakawalan. Arrah, ikaw ang taong hindi ko kayang pakawalan "
" Pero pinakawalan mo na nga ako di ba? "
" Maybe...For a while...I'm sorry for being so stupid and choosing to leave you. Arrah, i'm sure that i've never loved anyone like i loved you. I still do "
" Vince...Minahal din kita. Paano na si Anna? "
" Alam mo namang hindi ko mahal si Anna "
" Pero Vince! Bakit ka bumalik sa kanya? What happened? Bakit hindi ikaw yung kasama ko nung araw na 'yon? "
" I will really end things with Anna "
" Vince, sinabi mo na 'yan dati... "
" This time, tutuparin ko na talaga...Believe me! I will make things right again! And starting today I will be honest with you and I will love you and only you "
" So, what happened that day? "
" My dad was hospitalized that day...And I couldn't go to you "
Nung sinabi niya 'yon hindi ko na sana gusto pang pahirapan si Vince pero kailangan ko ng sagot sa mga katanungan ko dahil nasaktan ako.
" Bakit hindi? "
" I wanted you to be happy "
Happy? If he was suffering that day, paano naman ako magiging masaya? We could've been there for each other.
" You were wrong, Vince! How could I be happy if you were not feeling the same...As your girlfriend, i should've been the one comforting you and telling you that everything's gonna be alright...not somebody else"
Hinawakan ko nga yung muka niya at hinarap sakin. Nung nasigurado ko ng nakatingin na siya sa mga mata ko. Nilagay ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya.
" Vince, sa mga oras na katulad noon, di ba dapat lalo pang ako yung hinanap mo? Pero hindi eh "
" Arrah...I'm really sorry "
Niyakap na nga ako ni Vince at umiiyak na siya. Pati na din ako, dahil nagui-guilty ako na parang siya lang ang lumalabas na may kasalanan sa kung anong susunod na mangyayari sa amin.
" I hope that we're still together...Arrah, please don't leave me "
" Vince..."
" Arrah, are you still mine? "
Lalo pang hinigpitan ni Vince yung pagyakap niya sakin. Pero hindi pa din ako makapagsalita. Hinawakan niya ang muka ko at pinagdikit niya ang mga noo namin.
" I wish you were still my girlfriend "
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin at pinunasan ko din ang mga luha niya. Pinilit kong ngumiti dahil nakatingin siya sakin at sinabi ko ngang....
" We were together Vince. You were the one who left me "
Nakikinig lang siya sa mga sinasabi ko...
" I was yours and i thought you were mine..."
Nakangiti pa din ako at napunasan ko na din ang mga luha ko...
" I was your girlfriend, Vince "
Tumayo na nga ako at iniwan siya. Nagkulong lang ako sa kwarto ko. Narinig kong sinundan niya ako pero hindi niya nakayanang pumasok sa room ko. I deserved to have some space and he decided to give that to me pero bago siya umalis...
" Arrah, I love you "
Nung narinig ko yun tsaka lang nag sink-in sakin ang mga nangyari at pinagsasabi namin sa isa't isa pero there was no more "us".
End of POV
End of Chapter
A/N:
Don't ignore me! Please. Haha Ok? Comment kayo! ;)
P.S. Vote! vote! vote! haha
There was never an us, hahaha (RandomLineFromAnUpcomingMovie)
xoxo Frap
BINABASA MO ANG
MY DESPICABLE GIRLFRIEND
RomanceHey! I'm Vince Cabrera , every girl's dream guy. I have the looks, the body, the money, the popularity and the perfect life! What more could you ask for? But then, my whole life turned upside down because of this one girl.