He Needs To Save Me

41 1 0
                                    

                                                     Chapter 28

" Arrah, are you sure? "

" Oo, kaya ko naman umuwi mag-isa, haha. See you tom. Xavier! "

Bago nga ako makaalis, hinawakan ni Xavier yung kamay ko. 

" Arrah, nilalayuan mo ba ako? "

Naguilty ako sa tinanong ni Xavier...Pero kailangan ko magsinungaling dahil baka makahalata siya sa kung ano talaga ang totoo.

" Hindi, haha! May kailangan lang talaga akong daanan...Sige ha! "

Tumakbo na ako dahil, baka mapigilan pa ulit ako ni Xavier. Mahirap na...Dumaan muna ako sa isang convinience store at bumili ng ice cream. Habang kumakain ako, may napansin akong babae sa labas. Siya yung freshman na nakilala ko kanina ah...At may sumusunod sa kanyang mga lalaki! Lumabas na nga ako at sumunod din sa kanila. Muka kasing may masamang balak yung mga lalaking 'yun! Napadpad nga kami sa isang lugar na liblib...

" Miss, sumama ka samin "

" Ayoko nga! Sino ba kayo!? "

Akmang hahawakan na nila yung freshman kaya sumingit na ako...

" Sinabi na niyang ayaw niya sumama sa inyo, di ba? "

" Sino ka ba, miss?! Tumabi ka nga! "

" Eh, kung ayako "

Sinipa ko nga yung lalaki sa muka at napa-usog siya. Sumugod na tuloy yung mga kasama niya at lahat sila napatumba ko ng walang kahirap-hirap.

" Ate! "

Napayakap sa akin yung freshman, siguro nga natakot talaga siya sa nangyari...

" Ok na ang lahat...Tara na "

" Salamat talaga, Ate...Ako nga pala si Sarrah...Akala ko kung ano ng mangyayari sakin! "

" Bakit kasi mag-isa ka lang? "

" Ikaw din naman ah, Ate "

Patawa ba 'tong batang 'to? Hay...

MY DESPICABLE GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon