Chapter 8
Pagkapasok ko ng classroom, nakita kong nakapalibot nanaman kay Arrah sina Phil at Xavier.
" Talaga?! Sinagot mo na si Vince? "
" Is that true Arrah? "
Makasingit nga sa convo
" Of course "
" Not "
Napatingin kaming lahat kay Arrah. Hindi man lang niya kami tiningnan at nag-walk-out nanaman siya sa classroom for the 2nd time.
" Hahahaha! Di naman pala totoo bro. Asa ka pa kay Ms.Sungit! "
" Pero..."
At binigyan nga nila ako ng bro hug. Mga sira talaga 'to!!! Hindi ako sawi ha. At ano nanaman bang problema ni Arrah???
Naglakad na nga ako papunta sa exit door ng claasroom...
" Saan ka pupunta Vince? "
" Susundan ko si Arrah, kailangan pa ba tanungin 'yon? "
" Oo nga naman! Nagbago na talaga si Vince. Haha "
Narinig ko ang sinabi na yun ni Xavier. And i can't deny it, I am changing...from a lost boy to a better man and that's because of her. Habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko sina Ciara at ang mga kampon niya.
" Vince, we saw your girl outside the ladies' restroom. I think you should help her "
" Yeah...Poor girl, haha "
" Anong ginawa niyo kay Arrah? "
I tried to look calm kahit na sa loob ko nagagalit na talaga ako sa mga nanggugulo kay Arrah. Hinawakan ko nga si Ciara sa elbow niya at napaatras yung mga kampon niya. Tsk!
" Hindi kami yung gumawa 'non! It was Anna! We won't mess with your girl, Vince. So, can you please let me go now? "
I know Ciara, maarte lang siya pero hindi naman siya sinungaling. Si Anna pala...Masakit talaga sa ulo ang mga 4th year girls! Napadaan ako sa Infirmary at saktong kakalabas lang doon ni Arrah.
" Vi---Vince! "
" Arrah? Anong nangyari sayo? "
" Ah...Binuhusan kasi ako ng tubig sa loob nung cubicle kaya...Pero buti na lang pinahiram ako ng hair dryer nung Ciara! Mabait pala 'yun? Haha "
Hair dryer? Wtf. Kakaiba na talaga ang tunay na maarte, kahit anong kaartehan nadadala kahit sa paaralan. Pero nakakatulong din naman pala paminsan-minsan.
" Naghahanap lang ako ng saksakan, haha "
" Are you ok? "
I hugged her at iyon na nga bakit feeling ko ako din nababasa. I looked at her, umiiyak si Arrah!!!
" Arrah! Um...Sorry, kasalanan ko 'to eh....Huwag kang mag-alala kakausapin ko si Anna "
" Hindi yun eh....Napapalitan na ng maiikling skirts yung uniform ko dahil yun lang yung available sa Infirmary! "
Napatitig lang ako sa kanya, umiiyak siya habang may hawak na hair dryer, basa pa buhok niya at wala siyang pake kayna Anna. Wow
" Ang cute mo, hahaha "
Pumunta kami sa Home Eco Room dahil madaming saksakan dun. Kinuwa ko sa kanya yung hair dryer at pinaupo siya sa isang chair. At habang ako nga yung nagpapatuyo ng buhok niya, nakapikit lang siya habang nakatingala. Bigla kong pinatay yung hair dryer...
" Oh, bakit ka tumi---"
I kissed her...I can't help it! Ang cute niya kasi! And I was surprised! She returned my kiss...Ok, ako na ang kinikilig ngayon...Binuksan ko na ulit yung hair dryer at yung ingay na ginagawa na lang nung hair dryer yung naririnig namin. Silence...
" Thanks Vince! Dapat siguro magtayo ka na ng salon mo. Hahaha, bagay ka 'don "
" Asa ka pa "
" Hahaha! Joke lang! "
Naglagay nga pala ulit siya ng bobby pin sa bangs niya kasi naka-fly-away. Panget daw pero para sakin maganda pa din naman siya kahit ano pang ichura niya. I'm slowly liking her personality and not just her looks.
Nakabalik na kami sa classroom at nakalimutan ko, i was still holding her hand. Nakatulala lang lahat ng classmates namin sa aming dalawa.
" Sino 'yang kasama ni Vince? Ang ganda!!!!! Shet! " sabi ng mga lalaki
" May girlfriend si Vince??? " sabi ng mga babae
Yup, hindi nakaharang yung bangs niya sa muka niya and mej maikli yung palda niya ngayon. At magkaholding hands kami na pumasok ng classroom! F*ck! Umupo na nga si Arrah sa upuan niya at ako din.
" What?! " sinabi ng buong klase
End of Chapter
BINABASA MO ANG
MY DESPICABLE GIRLFRIEND
RomanceHey! I'm Vince Cabrera , every girl's dream guy. I have the looks, the body, the money, the popularity and the perfect life! What more could you ask for? But then, my whole life turned upside down because of this one girl.