“Aba Ms.Mendoza,taga pag-init ka nalang ba ng upuan dito sa Guidance Office?Minsan nakakasawa narin ang pagmumukha mo dito.Try mo minsan magdala ng braha o di kaya magbinggo rin tayo.Hindi yung ikaw lagi ang namumuro!Kung hindi ikaw ang napapalagi dito,iyong mga tarantadong mga kaibigan mong hindi man lang nag-iisip at nagpapauto sa mga iniuutos mo! Ilang beses na kitang sinabihan na---“ Napatigil sa pagsasalita ang guro nang tumunog ang touch screen na cellphone ng dalagang kaharap niya ngayon.
“Magtino ka na!Baguhin mo na ang sarili mo.Tigilan mo na ang ginagawa mo sa kapwa mo mag-aaral.Tigilan mo na ang pagpapasakit ng ulo sa mga teachers mo na halos lumuhod na’t gumawa ng gripo sa pagmamakaawang,itigil mo ang masasama mong Gawain.Parehas na iginagalang at tinitingala ang mga magulang mo dahil mabubuti silang tao.Kung hindi lang malaki ang parte na ibinahagi ng pamilya mo dito sa paaralang ito,malamang matagal ka nang kick-out!Paki-usap,Improve your self!” Umalingawngaw sa loob ng Office ang malakas na sigaw ng guro galing sa cellphone.
“Ayan ma’am paulit-ulit na lang ang mga sinasabi niyo kaya naman inerecord ko na.Gusto niyo po iCD natin?Tapos aaraw-arawin natin itong iparinig sa mga estudyante tuwing flag ceremony?” Inosenteng tanong sakanya ng dalaga.Nagliliyab na’t parang takore ang ilong ng guro marahil sa galit dahil sa kanyang narinig.
“Ikaw talagang bata ka!Sinong nagsabi na iyan ang speech ko sayo ngayon?ito ang script ng ipangsesermon ko sayo.Epal!” Sabi ng guro habang nakasimangot.Kung makapag-usap nga sila ay parang close na close sila sa isa’t-isa.
“Patingin!” hinablot ng dalaga ang papel na iniharap sakanya ng guro at binasa. “Ma’am boses ko na lang mismo ang irerecord ko habang binabasa ito with feelings!Buti yung boses ko angelic,nakakarelax..maaantok pa ako kapag pinapakinggan.Kesa naman yung sayo!Parang kulog!Tss.” Napasimangot siya sa kaniyang ideya.
“Hay!Ano na naman ba ang ginawa mo sa isa mong klasmeyt?Ayun siya’t uugod-ugod ,kunting saklay na lang ay parang nasagasahan na siya.At,NAKU!Tignan mo,nabulag na ata ang mata niya!Mahabaging bathala!Patawarin nawa ang batang ito.Nararapat pa bang tawaging eskwelahan ang pasilidad na ito?Gawin na lang sanang hospital dahil sa dami ng pasiente ni Nurse Anne Tokine!At ikaw bata!Ano ulit ang dapat mong gawin?” Nanlilisik na ang mga mata ng guro habang sinasabi iyon sa dalaga.Halos mapatayo pa ito sa lamesa upang sindakin ito ngunit tanging naiipit na tawa lang ang kaniyang naririnig mula dito bago sumagot sa kaniyang huling tanong..
“Ito si Ma’am ang OA!Ito nga po.Tatawagan ko na si Mommy.Bakit po pala laging si Mommy ang ipinapatawag niyong pumunta dito?Pwede namang si Daddy,lolo,lola!Ikaw ma’am ah!May gusto ka sa mommy ko noh?Yuck si Ma’am Lesbi----Ouch!” Singhal niya dahil sa pagkurot ng guro sa braso niya.Binigyan niya ito pabalik ng nakamamatay na tingin.
“Gawin mo na lang ang inuutos ko!!!!” Kinalampag niya ang lamesa dahil sa tindi ng galit niya.Iniisip niyang kontrolin ang sarili dahil malapit na niyang ihampas sa dalaga ang hawak niyang folder.
Napatawa naman ang dalaga sa Reaksyon ng Guro.Gustong gusto kasi nitong nakikita ang pilit na paglaki ng singkit na mata ng kaniyang guro.Trying hard,sabi niya sa isip niya.
“Oo na,oo na!Chill lang.Napapaghalataan tayo eh.” Sabi niya sa pagitan ng pagtawa.Napatigil naman siya ng marinig ang tunog ng nanggigigil na ngipin ng guro.Napasinghap siya pero nakangisi parin. “Ito kasing si Liam supot na iyon eh.Nagsumbong-sumbong pa,nagwarm up lang naman ako…Oh ma’am OTW TTYL Daw, reply ni Mommy.Tinext ko na lang siya.Wala akong load pantawag.” Tugon niya sa naglalaway na guro sa kaniyang harapan.Nananatili parin siyang cool sa harap nito.
BINABASA MO ANG
Dandelion Wish
Humor"She was dressed with courage and strength. She was awful dangerous." LOVE AND FRIENDSHIP---