SECOND---Longing

6 0 0
                                    

Ngumawa ako ng ngumawa sa kwarto. Naghalo ang sabay-sabay na nararamdaman ko ang iba't-ibang emosyon. Kaba,takot,panghihinayang at galit dahil hindi ko natapos ang misyon. Kinakabahan at takot  ako dahil baka kung napano ang mga kuya ko. At nag-uumapaw parin ang galit ko kay CL.

Pagkatapos kong baklasin ang mga gamit niya at mag-amok, sumunod siya sa kwarto. Ganun parin ang emosyon niya...blangko, na mas lalong ikinagalit ko. Kahit sana magpanggap siyang nagagalit ay okay lang para malaman kong galit siya. Di katulad kanina na hinuhulaan ko kung ano ba ang nadadama niya. Pake ko pala? Tss.

Napasinghot ako. Kanina pa ako nagpapanggap na hindi gutom kahit nagkakagulo na ang mga mekrobyo sa aking tiyan. Dumagdag pa ang ulo ko na parang pinupokpok ng maso. Hanggang ngayon ay wala parin akong balita sa mga kasamahan ko. Umaasa na lang ako na ang masamang damo ay mahirap mamatay. Hay, buti na lang.

Muling nagrambulan ang mga palaka sa loob ng aking tiyan. Kainis. Naibato ko na lang ang baso pagkatapos kung inumin ang tubig.

Nagreklamo ang kapit-bahay. Mukhang nagbato pa ng picolo sa bubong ng pamamahay ko.

"Hoy! Putcha ka ah! Nasa kalagitnaan pa lang tayo ng taon excited ka nang mag-bagong taon?! Paki-usap,Mahiya ka! Ke bago ng bubong ng bahay ko!" Sigaw ko sa walang modong kapit-bahay.

Pagkaraan ng isang oras ay bumaba rin ako. Di ko na matiis ang gutom ko.

Ngunit sadyang minamalas ang mga dyosa sa hating-gabi.Binuksan ko ang cabinet. Walang cup noodles o kahit na anong instant food na laman ito, ganun din ang refrigerator. Napasandal ako at napatingala sa sink. Nanduon pa ang hinuli kong palaka. Pilit na lumalabas sa mataas na garapa. Tumulo ang sipon ko sa ideyang gawin itong ulam pansamantala.

Bubodburan ko na sana ng Breading mix ang inosenteng palaka ngunit nagulat ako sa biglang pagtalon ni Lolli sa ibabaw ng mesa. Umikot-ikot siya sa kulay violet na tupperware. Nagtaka ako kung ano iyon. Nagkalat rin ang mga bimpo at basin. Pati narin ang medicine kit.

Nakaramdam ako ng marubdob na pagkakonsensya sa pagpapalayas kay CL. Napakamalamhing ng kanyang pamama-alam. Naghanda pa siya ng kakainin ko ngayong gabi. Nakakaloka. Ini-expect  niya siguro na duguan akong uuwi. Pero ginawa niya lang ito dahil trabaho niya.Dahil kailangan at hindi dahil may paki-alam siya saakin.

Di na ako nag-inarte pa't kinurukok ang naihandang pagkain.Di naman ako nakikita ni CL. Kunwari itapon ko na lang ito dahil masama parin ang loob ko sakanya. Itinapon ko naman talaga diba? Sa tyan ko.

Tumunog ang mabalasaw na tunog ng baril. Sunod-sunod at walang tigil. Nagpunas ako at kinuha ang maingay na Cellphone. Tumatawag pala si Bernalyn, kapatid ni Kuya Dino. Naks! Kuya. Haha

"Hello Ate?" Boses ng batang babae na nasa 12 anyos. Halatang inaantok.

"Hello Lyn. Ba't ka napatawag?" Tanong ko sakanya. Di naman kami close nito.

"Ibinilin lang po ni Kuya na sabihin ko sainyong 'Tapos na raw at ligtas lahat'.Pasensya na ate pero pagod sya noong dumating siya sa bahay at mukhang antok na kaya hindi ko na alam kong ano yang tinutukoy niyang tapos na at ligtas lahat.Di ko po naitanong." Mahabang paliwanag nito. Madaldal rin mana sa kuya.

"Ayos lang yun. Sige ibaba ko na 'to. Matulog ka na good night. Salamat sa pagsabi,Lyn."

"Okay lang po Ate Maegan.Bye po.Good night."

Napasandal ako sa sofa dito sa sala. Ang daming nangyari sa araw na ito. Nakakapagod.

Napatingin ako sa bonet na nasa center table. Pagmamay-ari ni CL. Parang kanina lang ay nagkukulitan kami. Hayyy. Kamusta kaya yun? Mag-iisang oras na rin mula noong pinilayas ko siya at 1:00 na ng umaga ngayon. Baka kung napano yun sa daan.

Dandelion WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon