Chapter 3

98.6K 2.1K 63
                                    

Kabanata 3: Fiancé

TAHIMIK kong pinagmamasdan ang sarili sa salamin pati na rin ang suot-suot na kulay pulang off-shoulder dress. May taas itong isang dangkal mula sa aking tuhod. Ang buhok ko naman ay hinayaan ko lang nakalugay, sa natural nitong ayos. Naglagay rin ako ng katamtamang make-up sa mukha.

May lungkot akong nararamdaman sa plano kong ito, pero pilit ko na lang ipinapasok sa utak ko na para ito sa kapatid ko at kay Dad. I need to do this for them.

Dali-dali kong pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata ko. Hindi ko lang talagang mapigilang hindi maluha sa tuwing sumasagi sa isipan ko na pumayag na akong magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal o kahit kakilala man lang. Naaawa ako sa sarili ko. Napakababa na ng tingin ko sa sarili.

Nang pumayag na ako sa gusto ni Dad, hindi na niya ako pinaalis pa at dito na rin ako pinatulog nang kinagabihan. Sinigurado niyang hindi na ako aatras sa usapan namin. Tapos kaninang paggising ko ng umaga ay bigla na lang niyang ibinungad sa akin na aalis daw kami, pupunta raw kami sa fiancé ko para mapag-usapan na ang kasalan na magaganap.

Bahagya pa akong nagulat nang bigyan niya ako ng ilang paper bag na naglalaman ng damit, flat shoes, at iilang make-up. Talagang hinanda niya ang mga kakailanganin ko.

“Ate Sassy.”

Halos mapatalon ako sa gulat nang may marinig akong tinig sa kung saan. Mukhang nagulat din si Cassy sa inakto ko.

“Okay ka lang ba, Ate?” nag-aalala niyang tanong.

Ikinalma ko ang sarili at pinagmasdan siya. Halos magkatangkaran lang kami ni Cassy, katulad ko rin ay mahaba rin ang buhok niya at bahagyang buhaghag. Napakaputi ng kanyang kutis at halatang alagang-alaga ang balat niya. Napansin ko rin parang mukhang mataray na ang mukha niya, hindi na katulad noon na parang bata lang siya. Talagang matanda na nga siya.

I faked a smile. “Oo, okay lang ako.”

Bakas sa pagmumukha niya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko, pero kinalaunan ay napatango na lang siya.

“Alis na raw tayo, Ate.” Imporma niya sa akin.

Tumango ako at sabay na kaming naglakad palabas ng bahay. Naabutan naman namin si Dad na nakasakay na sa kotse niya, si Cassy naman ang nag-lock ng bahay, habang ako naman ay nakatayo rito sa gilid ng kalsada at hinihintay si Cassy.

“Tara na, Ate Sassy.”

Hindi ko nagawang tapunan ng atensiyon ang pagtawag sa akin ng kapatid dahil sa natanaw ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba habang nakatitig sa itim na kotse na nakaparada sa kabilang dulo ng kalsada, bale sa harap ng aming bahay.

“Ate Sassy?”

I bit my lower lip. Kinain ng kaba ang dibdib ko. Ito ‘yong kotseng nakita ko noong gabing ‘yon, ‘yong nasa harapan ng restaurant at parang sumusunod sa akin. Kahit hindi ko natatandaan ang plate number nito, malakas ang pakiramdam ko na ito ‘yon. Sigurado akong ito ‘yon.

“Sassy!”

“Ate Sassy!”

Pero bakit ito nandito? Paano niya nalaman na nandito ako? Sino ang taong nasa loob ng kotseng ito? Bakit sinusundan niya ako? Hindi naman puwedeng nagkataon lang na dito siya nakaparada sa mismong harapan ng bahay namin. Tatlong beses ko na siyang nakikita.

“Ate Sassy!” halos mapatalon ako sa gulat nang may maramdaman akong humawak sa braso ko. “Okay ka lang ba?”

Napalunok ako habang naguguluhang napatingin kay Cassy. “O-okay lang a-ako… B-bakit?”

Taste of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon